Chapter 25
Tatlong araw na ang nakakaraan buhat ng sunduin ako ni Kuya Justin sa Talavera. Tatlong araw narin nya akong hindi pinapansin at kinakausap. Sa tuwing magkakasalubong o magkikita kami sa loob ng bahay ay iniiwasan nya ako. Dahil sa ginagawa nya nasasaktan ako ng sobra. Nang maabutan ko syang nakaupo sa swing sa may garden. Mabilis ko syang nilapitan.
"Kuya Justin". tawag ko sakanya. Ngunit hindi man lang sya nag abalang lingunin ako. Tatayo na sana sya sa swing ngunit nahawakan ko na ang balikat nya. Nilingon nya ang kamay kong nakahawak sa balikat nya.
"Bitaw!" galit na sabi nya.
"Kuya please. Kausapin mo naman ako oh." pakiusap ko sakanya.
"Wala na tayong dapat pag usapan Eloisa. Wala kana din kailangan pang ipaliwanag sa akin dahil hindi mo naman ako boyfriend. Dahil kapatid mo lang naman ako diba?"
"Kuya wag naman ganito. Pansinin mo naman ako."
"Hindi ba dapat matuwa ka? Dahil hindi na kita pinapansin. Wala na akong pakielam sa kung ano man gusto mong gawin. Yan naman ang gusto mo diba? Ang magawa lahat ng gusto mo. Kung gusto mong makipaghalikan o makipag boyfriend kahit kanino wala na akong pakielam." dahil sa mga sinabi nya napayuko ako upang itago ang luhang unti unti ng tumutulo sa mga mata ko.
"Sana Kuya. Relasyon lang natin ang natapos. Pero sana wag mo naman idamay ang relasyon natin bilang magkapatid."
"Buhat nung sinuway mo ako Eloisa. Tinalukaran mo na lahat ng relasyon na meron tayo kung kaya wag ka ng umasa na maibabalik pa sa dati ang lahat." tinalikuran nya ako at nagsimulang maglakad palayo ngunit niyakap ko sya mula sa likod nya.
"Sorry na sa lahat ng nagawa ko. Sorry kasi sinuway kita. Sorry kasi nagpadala ako sa galit ko. Sorry kasi ayokong talikuran mo ako ng tuluyan. Sorry kasi hindi ko pala kayang mawala ka. Sorry kasi mahal kita". umiiyak na sabi ko.
"Sorry din." at kinalas ni Kuya Justin ang pagkakayakap ko sakanya. Hindi ko na sya hinabol dahil masyadong naokupa ang isip ko ng dalawang salitang sinabi nya. Hindi ko alam kung ano ba ang ibig nyang sabihin.
Napaluhod nalang ako sa damuhan habang nakayuko. Hinayaan kong maglandas sa pisngi ko ang mga luha ko. Hindi ko inakala na masasaktan ako ng ganito. Mahal na mahal ko si Kuya Justin. Hindi ko alam kung paano ko kakayanin ang pananakit na ginagawa nya sakin. Not physically but emotionally.
Hindi ko alam kung gaano ako katagal sa posisyon na yun bago ko pinili na tumayo na at pumasok sa bahay.
Sobrang pagpipigil ang ginawa ko para lang huwag lumapit sa pintuan ng kwarto ni Kuya Justin. Dahil alam ko sa sarili ko na kapag nakalapit ako dito ay hindi ko mapipigilan ang sarili kong hindi pihitin ang doorknob nito o kaya ay kumatok.Papasok na ako sa kwarto ko ng lumabas si Kuya Justin. Narinig ko pa ang sinabi nya sa kausap nya.
"Okey. See you there Heiley. I love you."
Dahan dahan kong isinara ang pinto upang hindi ito makagawa ng ingay. Napasandal ako dito at nagsimula nanaman tumulo ang mga luha ko. Ganito din kaya kasakit ang naramdaman nya ng sabihin ko kay Hero ang katagang sakanya ko lang nararamdaman?
BINABASA MO ANG
FORBIDDEN LOVE (COMPLETED)
General FictionMaaari ba natin diktahan ang puso natin kung sino ang dapat natin mahalin? Paano kung sa maling tao ito tumibok? Ipaglalaban mo ba ang nararamdaman mo O isusuko nalang?