Chapter 17
Unti unti kong iminulat ang mata ko ng makaramdam ako na tila may humahaplos sa buhok ko. Nakayakap pala sa akin si Hero habang nakatulog naman ako sa dibdib nya.
"Pasensya na. Nakatulog pala ako." sabi ko habang inaayos ko ang pagkaka upo ko.
"Okey lang yun."sabi nya habang hinahawi ang ilang hibla ng buhok ko na tumabing sa mukha ko.
"Malayo paba tayo?"tanong ko
"Malapit na huwag kang mag alala."
Malamig na simoy ng hangin ang sumalubong sa amin pagdating sa probinsya nila Hero. Nasa Talavera daw kami ayon sakanya. May ari pala sila dito ng pagawaan ng mga kendi at inumin na ang gamit ay gatas ng kalabaw.
"Tikman mo itong pastillas". sabi ni Heri sabay abot sa akin ng isang balot na pastillas
"Whaah! Hero di na kayo naawa sa mga kalabaw inuubos nyo ang gatas nila!" sabi ni Erica na syang naging dahilan para magtawanan sila.
"Oi! Anung ibig sabihin ng akbay na yan Hero?" tanong naman ni Albert na naging dahilan para matuon sa amin ang atensyon ng lahat.
"Bakit? Paki mo ba?"sagot ni Hero na hindi padin tinatanggal ang pagkakaakbay sa akin. Nagulat ako ng biglang mag vibrate ang cellphone ko. Nagpaalam naman ako sakanila para sagutin ang tawag.
[Where the hell are you?! Andito ako sa bahay wala ka!] galit na boses ni Kuya Justin ang sumalubong sa akin
"Nagbabakasyon para naman marelax ang utak ko".
[I want you to go home NOW!]
"What if i dont want?"
[Dont fucking dare me Eloisa!]
"Babe let's go". nagulat ako sa biglang pagsulpot ni Hero. Sigurado akong narinig ni Kuya Justin ang sinabi nya.
[Who the hell are you with Eloisa?!Do you really want to see the demon inside me?!]
"Kuya please. Wag mo naman sirain ang bakasyon ko. Im with my friends dont worry."
[You'll regret this Eloisa. Coz i will asure you that i can find you wherever the hell you are!]sabi nya bago patayin ang tawag. Kinabahan ako sa mga sinabi ni Kuya Justin sigurado ako nag aapoy na yun sa galit.
"Hey. Okey ka lang ba?" tanong sakin ni Hero.
"Oo. Kaya lang kasi nalaman na ni Kuya Justin na wala ako sa bahay".
"Wag kang mag alala. Hindi tayo mahahanap ng Kuya mo." yun ang akala mo Hero. Hindi mo kilala ang Kuya ko. Marami syang paraan para mahanap tayo.
Pagbalik namin ay dumiretso na kami sa bahay na pupuntahan namin. Napansin naman ni Erica ang pagiging tahimik ko kung kaya pagkarating na pagkarating namin sa bahay ay kinausap na nya ko.
"May problema kaba Eloisa?" nag aalalang tanong nya sa akin
"Hahanapin daw tayo ni Kuya. Nasa bahay na sya at nalaman na nyang wala ako dun." malungkot na sabi ko
"Naku! Nagagalit ba?"
"Hindi. Dahil hindi lang sya basta galit kundi galit na galit."
"Naku! Taypats tayo sa Kuya mo. Anung plano mo?"
"Sabi naman ni Hero hindi tayo mahahanap ni Kuya pero kinakabahan padin ako."
"Naku! Alam ko sa sarili mo alam mong lahat gagawin ng kuya mo mahanap ka lang." napabuntong hininga nalang ako. Kilala din ni Erica ang ugali ni Kuya Justin. Walang imposible basta ginusto nito.
"Pasok na tayo sa loob." basag ni Hero sa katahimikan na bumalot sa amin ni Erica.
"Erica mauna kana. May pag uusapan lang kami ni Hero." sabi ko kay Erica at nakita ko naman ang pagtataka sa mukha ni Hero.
"Kinakabahan ako Eloisa. Anu bang sasabihin mo sakin?"tanong ni Hero
"Huwag mo na akong ligawan Hero."
BINABASA MO ANG
FORBIDDEN LOVE (COMPLETED)
General FictionMaaari ba natin diktahan ang puso natin kung sino ang dapat natin mahalin? Paano kung sa maling tao ito tumibok? Ipaglalaban mo ba ang nararamdaman mo O isusuko nalang?