Chapter 1

7.5K 93 15
                                    

May apat na kaharian ng Encantadia.. eto ay ang Hathoria, Lireo, Adamya at Sapiro  noon may ikalimang kaharian ang Etheria  ngunit ito ay bumagsak dahil sa unang digmaan ng limang kaharian... 

Ang Etheria ay isang kaharian kung saan ang sinasamba nilang Bathala ay si Ether. Ang apat naman na kaharian ay sinasamba si Emre... Isinumpa si Ether at Arde dahil tinangkaan nilang patayin si Emre kaya naging ahas si Ether at naging Bathaluman ng Etheria.. at si Arde ay naging malaking dragon na nagbabantay sa Balaak (hell). Sa kabilang palad, si Emre ay pumunta na sa kaniyang tahanan, ang Devas (heaven).

May ibinigay kasi si Emre na Inang Brilyante ng Kalikasan at gusto itong agawin ng Etheria upang mamuno sa Encantadia pero hindi sila nagtagumpay... ngayon nasa pangangalaga ni Cassiopeia ang Inang Brilyante at may mga tao pa ring gusto itong agawin..


Si Adhara... siya ay isang makapangyarihang diwata at gumawa siya ng isang rebelyong susuod o sasalakay ni Cassiopeia upang kunin ang inang brilyante..Sugod!! sigaw ni Adhara.. pinaputukan na ng bomba ang templo ni Cassiopeia pero hindi ito natamaan at ginamit ni Cassiopeia ang kanyang Brilyante upang hindi ito makuha.. Natalo si Adhara at ngayon.. hindi pa rin siya tumitigil hanggat hindi niya nakukuha ang Inang Brilyante..




Kaya naman upang makasiguro si Cassiopeia na hindi na makukuha ang brilyante,,,

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Kaya naman upang makasiguro si Cassiopeia na hindi na makukuha ang brilyante,,,.. hinati niya ito sa Apat na bahagi na sumasagisag sa apat na elemento at apat na kaharian..

Nahati ito sa apat na naging Brilyante ng Hangin, Apoy, Tubig at Lupa..


Ibinigay ni Cassiopeia sa mga Hathor, kay Arvak ang brilyante ng apoy, sa pagasang magiging mabuti sila,...Ipinangako ni Arvak na hindi na sila manggugulo.


Sa mga Sapiryan naman ibinigay ni Cassiopeia ang Brilyante ng lupa.. kay haring Armeo na ama ni Raquim at ni Ybarro ang sanggol at bunsong kapatid ni Prinsipe Raquim...


Ang Adamya naman ang nakakuha ng brilyante ng Tubig at si Pinunong Imaw ang nagiging tagapangalaga nito..


Ang tahanan naman ng mga magigiting na diwata at mapagkalingang diwani, ipinagkaloob ang brilyante ng Hangin... Si Minea ang nangalaga dito...


Gumaan na ang loob ni Cassiopeia pero hindi niya alam kung ano ang mangyayari matapos niya ibinigay ang apat na makapangyarihang brilyante sa apat na kaharian. Ninais niya na makakabuti ito sa Encantadia at magdala ito ng kapayapaan.


Dahil sa pangyayari, lalaong nagalit si Adhara at sinugod niya ang templo ni Cassiopeia.

Agad namang dumating si Amihan upang kalabanin siya pero, nabigo si Amihan. Huli na nang makarating si Cassiopeia at nadakip na si Amihan. Agad namang sumugod si Adhara sa Lireo at ginaya niya ang wangis ni Amihan..

EncantadiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon