Sa mundo pa rin ng mga Tao.
Lumalabis na ang pananakit ng Tiyo ni Milagros sa kanya. Hindi na niya ito kinakaya at nasasaktan din si Muyak dito.
Magmula nung namatay ang ina-inahan ni Lira sa mundo ng mga tao ay lumabas na ang tunay na kulay ni Tiyo Berto. Sobra na siya, may panahon pa nga na tinutukan niya ng baril si Lira.
Kaya naman ganun na sila ka desperado ni Muyak na makaalis na sa kanilang lugar at para na rin maka-iwas sa gulo. Sa katunayan hindi naman naging pabigat si Milagros dahil nagtatrabaho naman siya.
Kinuha siya sa isang kompanya at nagtatrabaho siya sa kanyang amo na nagngangalang Anthony. Mabait ang lalaki na iyon. Hindi naman siya masungit at nakakaunawa siya sa kanyang mga kasama sa trabaho.
Gustuhin man nila Muyak na makaalis na, pero hindi pa rin sila makakabalik sa Encantadia, dahil kahit araw- araw nilang balikan ang puno ng lagusan, hindi pa rin ito bumubukas. "Kuanting tiis na lamang Lira," sabi ni Milagros sa kanyang sarili.
Gumising na si Milagros at handa na siya sa isa na namang araw sa mundo ng mga tao. "Hindi pa ba tayo tatakas dito Lira?" tanong ni Muyak. "Wala na tayong ibang matutuluyan kaya, titiisin ko na lamang." "Naaawa ako sa iyo Lira isa kang Sang'gre at anak ka ng isang Hara pero naghihirap ka."
Ngumiti na lamang si Lira at sinabihan niya si Muyak, "Huwag kang mag-alala Muyak, positive ako na makakabalik tayo doon. Excited na rin akong makita ang nanay ko." "Excited?" tanong ni Muyak. "Sabik.. sabik ang ibig sabihin nun. hahaha " paliwanag niya.
Nagbihis na si Milagros at paglabas niya ng bahay inisip niya na maglakad na lamang tungo sa kanyang tinatrabahu-an. "Hindi naman masyadong malayo iyon." wika niya.
Habang naglalakad siya, hawak hawak niya ang cellphone niya. Hindi niya namalayan na hindi na siya nakatingin sa daan at tutok na tutok siya sa bagay na iyon. Bigla na lamang siyang bumangga sa isang babae.
"Patawad,..." sabay nilang wika. "Galing kaba sa isang parada?" patawang tanong ni Lira. "Parada???" tanong naman ng babae. Biglang naisip ni Lira na kakaiba ang kasuotan niya at kakaiba rin ang kanyang pananalita, "Di kaya...." wika ni Milagros.
Hinawakan niya ang kamay ng babae at dinala niya siya sa isang lugar na hindi gaanong maraming tao. "Galing kaba sa Encantadia?" pabulong na tanong ni Milagros. Sagot naman ng babae, "Oo ako si Mira, at bakit alam mo ang Encantadia?''. "Galing kasi ako dun.. " paliwanag ni Milagros.
"Isa akong Sang'gre at hindi pa kita nakikita dun." nagtatakang sabi ni Mira. "Ako din isa akong Sang'gre. Anak ako ng Reyna doon at plano kong bumalik doon. May paraan ba?" mabilis na sinabi ni Milagros. "Teka lang isinara na ang lagusan at bakit sinasabi mo na Sang'gre ka?" tanong ni Mira.
"Ummmm.. mahirap ipaliwanag bata pa kasi ako nung nawalay ako sa nanay ko dun." paliwanag niya. Pero nababasa niya sa mukha ni Mira na hindi siya naniniwala. Kaya sinabihan niya si Mira, "May isang bagay na nagagawa ng mga Sang'gre diba?" tanong niya, tumingin muna siya sa paligid at nakita niyang walang tao.
"Isa.. dalawa.. tatlo.." bilang nilang dalawa at naglaho sila. "Isa ka ngang Sang'gre!!" sigaw ni Mira kay Milagros at niyakap niya ito, masaya siya na nakita niya ang kanyang pinsan. "Ummm aalis muna ako." "Saan ka pupunta hindi kaba babalik sa Encantadia?" tanong ni Milagros.
"Sa totoo lang umalis muna ako doon, magulo kasi dun at wala na akong mukhang maiihaharap sa Inang Reyna Amihan, naloko siya ng nanay ko at wala man lang akong nagawa... " paliwanag ni Mira sa kanyang pinsan.
"Umm Mira-" hindi na pinatapos pa ni Mira at sinabihan niya, "Paki-usap Pinsan, huwag mo munang sabihin sa kanila na nandito ako kahit sino sa kanila... at sana makabalik ka sa Encantadia." Niyakap niya muli si Milagros at naglaho siya.
Biglang tinanong ni Lira ang kanyang sarili, "Ba't ngmamadali yun parang may hinahanap siya." tiningnan niya ang kanyang cellphone at napasigaw sya. "OMG!! Malalate na ako lagot ako kay Sir Anthony.
Kaya tumakbo siya at nakarating siya sa opisina ni Anthony. Pinaliwanag niya kung bakit siya na late magtatrabaho muna siya ngayon, mamaya niya na lamang iisipin ang sinabi nung pinsan niya.
Ngayon lang siya nakasubok na may tinatago siyang sikreto kay Muyak. "Muyak pasensya na pero... kailangan ko munang ilihim si Mira, dahil naki-usap siya sa akin at nakikita ko na malungkot siya ayaw ko nang maki-sawsaw pa sa problema." sinabi niya sa kanyang sarili.
Habang nagtatrabaho si Milagros na papansin ng kanyang mga kasama na nababalisa siya at tila siya ay wala sa kanyang sarili. Inisip naman ng iba na may problema siya. Napansin din ni Lira na hindi niya nakita si Sir Anthony, busy lang siguro yun o di kaya ay may nilaka lamang.
Nainip si Muyak na maghintay kay Lira at manood na lamang sa tiyuhin niyang umiinom at naglalasing kasama ang kanyang mga basagulerong mga tropa.
Kaya umalis siya sa bahay at naglipad lipad siya. Pumunta siya sa isang Parke at namahinga siya sa isang sanga ng kahoy. Habang pinapanood niya ang mga ibon na lumilipad.
Nakuha ang kanyang atensyon nung nakita niya ang isang babae at lalaki na pumasok sa isang bahay na pinapaupahan. Nilapitan niya ang dalawa at nagulat siya sa kanyang nakita.
"Kailangan tong malaman ni Lira!!! Kailangan ko tong masabi sa kanya kaagad!!"
Ano kaya ang balita na nakuha ni Muyak? Sino kaya ang nakita niya. Thanks for reading pls vote and comment XD avisala Eshma!
BINABASA MO ANG
Encantadia
FantasyIEncantadia 2016-2017 ( Credits GMA Network) "Hindi ang kayamanan o kapangyarihan ang nakakapagpaligaya ng isang nilalang kundi ang tibok at alab ng kanyang pagmamahal sa kanyang puso." to ay isang nakakamamangha na lugar kung saan makikita mo na an...