Chapter 9

779 27 3
                                    

Matapos makabalik si Amihan sa Encantadia... mas nagiging masaya na ang araw ng mga kawal at mga dama dito, kasi kahit na pagod sila sa trabaho, natutuwa silang makita na naglalaro ang mga Sang'gre.


Ipinasyal nina Pirena, Alena at Danaya si Amihan sa ilog at sinabihan nila si Amihan na "Maligo na tayo Amihan!" tumango si Amihan at sinabihan siya ni Danaya na "Maligo na tayo dahil ang baho-baho na natin." tumawa silang lahat at naligo sila.


Naka-uwi na ang mga Sang'gre at sinabihan nila ang Mahal na Reyna na, "Magandang Araw Yna!" Natuwa si Minea at pinuri niya pa ang kaniyang mga anak, "Aba.!.. Ang bango-bango niyo na ha.." Sumagot naman si Amihan na "Oo, ina,.. sinamahan ako ng mga Adeya ko na maligo sa isang ilog."


Biglang lumapit si Ades at sinabihan niya ang Reyna at Sang'gre na.. "Paumanhin kamahalan subalit, naghihintay na si Aquil sa inyo sa punong bulwagan.. pinatatawag niyo raw siya." Unti-unting lumakad si Minea at sinabi niyang "Oo, tungkol ito sa kaligtasan ng mga anak ko."


Naglaro ang apat na mga Sang'gre at sinuklayan ni Pirena si Amihan at sinuklayan din ni Alena si Danaya. Matapos nilang gawin yun, nagpalit na naman sila si Amihan naman ang nag suklay kay Pirena at si Danaya kay Alena.


Nagiging masiyahin ang mga Sang'gre at napapansin ni Gurna na parang bumabait na si Pirena kaya, nilalason pa rin niya ang kaniyang isipan upang hindi niya ito mapakawalan. Kailangan kasing tuparin ni Gurna ang pagiging Reyna ni Pirena pagdating ng tamang panahon.



Agad tumayo si Pirena at sinabihan niya ang kaniyang mga kapatid na, "Dapat tayong mag-ingat sa mga Hathor lalo na sa masamang Hagorn na yan, na siyang pumaslang at kumitil sa buhay sa ama ni Amihan." nagtinginan sila at sinabi nila kay Amihan na "Mabuti kapa Amihan na kahit sa kaunting panahon lamang ay nakasama mo ang iyong ama, habang kami hindi nga namin alam kung saan namin siya matatagpuan." "Huwag na kayong malungkot nandito naman ako upang kayo ay pasayahin." wika ni Amihan.


Hindi alam ni Pirena na si Hagorn ang kaniyang ama, at hindi niya alam kung sino talaga ag ama niya. Inisip din niya minsan na swerte si Amihan, Danaya at Alena dahil kahit pangalan lamang ng kanilang ama ay alam nila. Ang ama ni Amihan na si Raquim at si Enuo na ama sa bunso at pangatlong Sang'gre.


Naging seryoso ang usapan ng mga Sang'gre at sinabi ni Amihan na, "Sana ganito tayo palagi, sana palagi tayong magka-intindihan." Sumang-ayon ang dalawa pero si Pirena ay itinaas niya ang kaniyang kilay at tinanong siya ni Amihan, "Ano ang nangyari Pirena?" "Wala naman Amihan,.''


Sa totoo lang, peke lang ang pagiging mabait ni Pirena sa kanila at inisip ni Pirena na paano siya magiging mabait sa kanila kung magiging kaagaw niya sa lahat ang kaniyang mga nakababatang  kapatid. Sa kabilang palad, alam ni Pirena na ang kaniyang Ina ay mas nakakatanda kaysa sa kaniyang Ashti (tiyahin auntie) Amihan na namatay dahil kay Adhara.
Kaya ang buong akala niya na siya ang magiging Reyna dahil siya ang pinakamatanda.



Sa punong bulwagan...

naroroon sina Reyna Minea at Aquil ang Mashna ng Lireo at si Muros ang tapat na kawal ng Lireo...


Binati ni Muros at Aquil ang Reyna Minea at sinabi nilang, "Avisala Mahal na Reyna". Itinanong din ni Aquil kung bakit sila pinapatawag ng mahal na Reyna, ang akala nila ay may magaganap na digmaan laban sa Hathoria pero,... pina-upo muna sila ni Minea.


Sinabi ni Minea sa kanila na "Alam niyo na ayaw kong makita ang aking anak na may hawak na sandata... pero mas hindi ko ninanais na makita silang sinasaktan ng mga Hathor. Kaya Muros inuutusan kitang maghanap ng sandata para sa kanila. " lumakad si Muros papalabas ng Punong Bulwagan at pinagpatuloy ni Minea ang paguusap niya kay Aquil. "Ikaw naman Aquil bilang Mashna ng mga Kawal ng lireo nais kong turuan at sanayin mo ang mga anak ko.. at sisimulan mo ito bukas." "Masusunod mahal Na Reyna".... sabi ni Aquil.


Tinanong ni Ades si Aquil kung ano ang pinaguusapan nila ng Reyna at isinalaysay ito ni Aquil sabi naman ni Ades, "Kung ganun maghahanda ako ng makakain nila bukas." Agad namang sinabi ni Gurna na aalis lamang siya saglit.


Yun pala pumunta si Gurna sa kaharian ng Hathoria at sinabihan si Hagorn na sasanayin na ni Aquil ang mga Sang'gre bukas... tumawa lang si Hagorn at sinabi niyang, "Kung ganun.. mas marami na akong makakalaban sa magaganap na Ikalawang digmaan!"


Kinabukasan...


Nagkita na ang mga Sang'gre at si Aquil sa lugar kung saan sila tuturuan. Sinabi ni Amihan na "nagsanay din kami ni Tatay sa mundo ng mga tao noon." naging interesado si Aquil na makita ang galing ni Amihan at nagalit si Pirena at sinabi niyang "tama na ang usapan magsimula na tayo dito."



Nagsanay ng todo sina Aquil at ang mga Sang'gre at mabilis na natuto ang mga Sang'gre at sinabi niyang "Magaling ngayon, Tuturuan ko naman kayo sa pag-atake," Gamit ang sako na may buhangin, at ang mga kahoy at nagsimula na silang magsnay. Natuwa ang mga dama dahil sa galing na ipinakita ni Amihan sa pagsasanay at itinulak siya ni Pirena at agad na tumangi si Pirena, "Wala akong ginawa sa kanya, tila isa lamang siyang lampa."


Hinusayan ng mabuti ng mga sang'gre ang kanilang pagsasanay upang maging kagaya sila ng kanilang Ina at magiging karapatdapat na tawaging Mga Anak ni Minea. dapat rin na galingan nila ito upang makalaban sila sa mga Hathor sa oras na may magtangka man ito sa buhay nila.


Inabutan sila ng Ilang oras... sa kanilang ginagawang pagsasanay.


"Sige magsimula ulit tayo!" sigaw ni Aquil.

Hindi na sumang-ayon si Danaya at palagi niyang sinasabi na napapagod na siya. Sinabihan naman siya ni Aquil na "Kung sino pa ang pinakabata siya pa ang palaging umaangal, Sutil ka talaga Danaya.."sumimangot si Danaya at muntik niyang tamaan si Aquil nang tumingin ito sa kanya.


"Kung napapagod kana, eh.. ganun din kami Danaya kaya bakit natin siya susundin, isa lamang siyang kawal este heneral ng mga kawal." hindi nagustuhan nina Amihan, danaya at Alena ang pagmamayabang ni Pirena at sinabihan niya siya na," Kaibigan ng ating Ina si Aquil kaya dapat natin siyang igalang." Ngumiti si Aquil pero sinabi niya na., '' Sige na mag simula na tayo!"


Binulong ni Pirena kay Amihan na "Maglaho tayo..." ipinasa ito ni  Amihan kay Alena hanggang nakarating ito kay Danaya. "Isa, Dalawa ,... Tatlo takbo!" biglang naglaho ang mga sang'gre at tinawanan si Aquil ni Banak at Nakba mga nilalang sa Adamya.


Lumaki ang mga Sang'gre at sila ay nagiging malakas at mabilis...





EncantadiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon