May maraming projects at mga assignments ako, kaya hindi ako naka-update.. AGAPE AVE>> Avisala Eshma.. "Encantadia" is now #68 in Fantasy!!! Avisala Eshma.
Nasaktan ng husto si Amihan dahil punong puno na ng mga sugat ang kanyang katawan. Mabuti na lamang at dumating si Ybarro at sina Aquil. Kahit na wala silang brilyante na laban kay Pirena o kahit anumang kapangyarihan na panlaban nila kay Hagorn, hindi sila nagdalawang isip na iligtas ang mahal na Reyna.
Kaya, nagtuos sila sa loob ng silid ni Sang'gre Mira. Inagawan din ni Mira ng espada ang isa sa mga kawal ni Hagorn at tumulong siya sa labanan, inilabas din niya ang kanyang galit sa kanyang totoong ina na si Pirena sa pamamagitan ng paglaban niya sa mga Hathor. Naglalaho ang mga Hathor kapag sila ay napapaslang na, at napupunta sila sa Balaak , dahil ito sa sumpa ni Minea noon sa Hathoria...
Nagkaroon sila ng pagkakataon na tumakas, kaya hindi na nila sinayang pa ang panahon at ginamit ni Amihan ang natitira niyang lakas, nagkaroon ng malakas na pagsabog at tumilapon ang mga Hathor, na ikinamatay nila, natumba rin si Hagorn at si Pirena. "Pashneya, ako nang bahala sa kanila!" utos ni Hagorn nang lumaho na sila Amihan.
Hindi namalayan ni Amihan na sa paglalaho nila, ay hindi niya nahawakan si Mira, kaya hindi ito nakalaho, pinlano ni Amihan na bumalik sa silid pero pinigilan siya ni Imaw, "Hindi mo na kailangang gawin pa yan Mahal na Reyna, sapagkat, si Mira ay tunay na anak ni Pirena, hindi niya siya maaring saktan at may kapangyarihan naman ng ivictus si MIra kaya maglalaho iyon."
Narinig ni Ybrahim ang pinagsasabi ni Imaw kaya tinanong niya, "Anong hindi anak ni Amihan?" Wika naman ng Mahal na Reyna, "Mamaya ko na ipapaliwanag sa iyo Ybarro.. sa ngayon, inuutusan ko kayo ni Muros na itakas mula rito ang mga dama at ang lahat ng mga kawal pati na si Nunong Imaw, dahil delekado rito, magtungo kayo sa Hilagang bundok at doon kayo maghintay sa pagbabalik ko."
"Ngunit Amihan!" nag-aalalang Prinsipe. "Mas ligtas kayo doon Ybrahim, sundin mo na lamang ang utos ko, utusan mo rin ang iyong Mashna na si Alira na samahan si Aquil sa pangagamot ng mga sugatan." Kaya tumakas na silang lahat.
Naiwan na lamang ang ilan sa mga kawal at si Amihan sa punong bulwagan at naglaho siya nung nakita niya na paparating na si Hagorn.
"Bakit mahigpit ang pagkahawak mo sa akin Gurna!" sigaw ni Mira... "Alam ko na tatakas ka at gagamitin mo ang iyong ivictus upang maglaho ka kaya, hindi kita bibitawan hangga't hindi iniuutos ng iyong ina!" "Sige, gagamitin ko na lamang ang aking buong kapangyarihan upang mamatay tayong dalawa.!" pananakot ni Mira. "at naniwala ka naman! hahaha!'' at nakatakas na rin si Mira.
Nagkita si Mira at si Amihan, sinalubong ni Mira ang kanyang ina-inahan, "In...ina.. Ashti!" "Mira, makinig ka magtungo ka na sa lugar kung saan naroroon sina Aquil at hintayin mo ako doon, pangako magbabalik ako!" Niyakap ni Mira si Amihan at nalaho na ito.
Nanghihina na si Amihan at parang hindi na niya kayang maglakad pa. Ngunit bilang isang Reyna ng Lireo, kailangan niyang gampanan ang kanyang tungkulin at siguraduhin na mauunang makaligtas ang kanyang mga mamamayan bago ang kanyang sarili.
Nagtungo naman ang tusong si Pirena sa silid kung saan nakalagay ang korona ni Amihan,... Kinuha niya ito at ito ay kanyang isinuot. Sinabi niya sa kanyang korona. "Sinabi ko na sa iyo na ikaw ay akin ding maangkin, hindi ka nababagay sa isang lampang gaya ni Amihan, mas bagay ka sa akin at ganun din ako, mas bagay ang pangalan ko bilang REYNA ng Lireo."
Nagkita sina Hagorn at Sang'gre Pirena sa trono at binati siya ni Hagorn, '' Tagumpay tayo anak!" "Bakit mo ako tinatawag na anak? patay na ang aking Ama dahil sa digmaan noon na naganap sa Encantadia laban sa kaharian ng Etheria." nagtatakang tanong ni Pirena. "Oo, siya nga ang tunay mong ama Pirena!" paliwanag ni Gurna.
"Totoo ito, itinago ka mula kay Minea sa akin, dahil ayaw niyang makasama kita, ngunit ngayon, tagumpay na nating naagaw ang Lireo." wika ni Hagorn. "Binabati rin kita ama." wika ni Pirena nagulat siya nang biglang may nagpakita "PAshneya!!!" si Ades, dala niya ang apat na kawal at dalwang dama at sinubukan nilang labanan si Hagorn.
Nabigo sila kaya, ginawa silang bihag ni Agane kasama ang mga Adamyan na nahuli nila sa Adamya kanina, kaunting sandali na lamang at makaka-upo na si Pirena sa trono nang biglang dumating ang totoong Reyna ng Lireo.
"Anong ginagawa mo dito Pirena! Ipaglalaban ko ang Lireo hanggang kamatayan kaya huwag muna kayong matuwa ng taksil mong ama! Gayang gaya ka rin sa kanya, hindi ko na itatanong kung saan mo minana ang ugali mo ngayon!"
"PAshneya!"
Ginamit nila ang kanilang kapangyarihan pero dahil mahina na si Amihan, hindi na niyang nagawang tumakas pa at nasaksak siya ni Hagorn. Nanghina si Amihan at natumba siya, inutos rin ni Hagorn na itapon ang kanayng bangkay sa labas.
Ito naba ang ENDING? Wala naba talaga si Amihan? Abangan...
wow THANK YOU TALAGA!!!
BINABASA MO ANG
Encantadia
FantasyIEncantadia 2016-2017 ( Credits GMA Network) "Hindi ang kayamanan o kapangyarihan ang nakakapagpaligaya ng isang nilalang kundi ang tibok at alab ng kanyang pagmamahal sa kanyang puso." to ay isang nakakamamangha na lugar kung saan makikita mo na an...