Chapter 45

1.3K 15 3
                                    

Avisala Eshma Rank #642 in Fantasy Thank you talaga! At Creadits ito lahat sa GMA


Dahil sa basbas ng Brilyante ng Apoy, madaling natuto sina Hitano at Alena sa mundo ng mga tao. Ginawa ito ni Pirena upang siya ay magtagumpay.



"Akesha, mag-almusal kana." tinawag siya ni Hitano. Ginamit niya ang kanilang ibang pangalan dahil ayaw nilang matunton sila ng mga diwata at gusto din ni Hitano este, Berdano na solohin si Alena.


Kawawang Sang'gre palagi siyang tulala at tila wala sa kanyang isipan dahil may nakikita siya sa kanyang nakaraan. Pero wala namang makakapagpaliwanag sa kanya dahil pinipilit pa rin ni Hitano na mabura na ang lahat na ala-ala niya sa Encantadia.



"Berdano, Saan ba tayo galing?" bigla na lamang niyang tanong. "Mag-asawa tayo at matagal na tayong naninirahan dito. Hindi tayo biniyayaan ng anak. Kung ano-ano na ang iniisip mo, kumain ka na lamang."



Sinunod na lamang ni Akesha si Berdano at nag-almusal na siya. Naninirahan sila sa isang paupahan na bahay. Nagtataka pa rin si Akesha sa mga bagay, at para bang nararamdaman niya na may dapat siyang malaman.


Isang araw, umalis muna si Berdano at iniwan niya ang Sang'gre sa bahay nila. Nainip ang Sang'gre kaya naman pumunta si Akesha sa silid ni Berdano at nagtingin tingin siya sa paligid. "May tinatago kaya si Berdano sa akin?" naisip niya at paulit- ulit niyang tinatanong ang kayang sarili.



May bumabagabag kasi sa isipan ni  Alena. Sa tuwing nakikita niya si Berdano, para bang may mga tanong na nais niyang mahanapan ng sagot. Minsan nga ay parang hindi niya lubos makilala ang kayang sarili. Kung tatanungin naman niya si Berdano ay palagi lang nitong sinasabi na pagod lang siguro siya at minsan ay binabago niya ang usapan.




Kaya hindi maiwasan ni Akesha ang pangamba at matakot kay Berdano. Nararamdaman niya na siya ay may malaking sikretong tinatago sa kanya.



Umupo muna si Akesha sa kama ni Berdano at huminga siya ng malalim. Tumingin siya sa ilalim ng kama ni Berdano kung may nakatago ba doon pero, isang tsinelas lamang ang nakita niya.

Nakita niya ang isang kabinet at binuksan niya ito. Gaya ng inaasahan mga damit lang ni Berdano ang nakita niya. Kaya kinuha niya ang ilan sa mga ito at nagulat siya nung nakita niya ang isang kahon. "Ano kaya ang laman nito." Agad niyang binuksan ang kahon.



Nakita niya ang isang bagay na balot na balot ng tela. Binuksan niya uli ito at namangha siya nung lumantad sa kanya ang isang espada. Bigla uling may nakita siya sa kanyang isipan ang espada na iyon at marami pang mga armas na pangdigma.



"Bakit may ganitong armas si Berdano? Saan ito nanggaling?" Gusto niyang tanungin si Berdano pero alam niya na magsisinungling lamang ito gaya ng hindi niya pagsabi at pagsagot sa mga tanong niya.



"Bakit may ganitong armas si Berdano? Saan ito nanggaling?" Gusto niyang tanungin si Berdano pero alam niya na magsisinungling lamang ito gaya ng hindi niya pagsabi at pagsagot sa mga tanong niya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.




Muli niyang tiningnan ang hawak hawak niyang espada at nabasa niya ang mga letra na nakaukit dito at para bang nagsasabi ito ng isang pangalan, at hindi lang isang pangalan kundi parang pangalan ng taong nagmamay-ari ng sandata, "HITANO" ito ang mga letrang naka-ukit doon.






Agad niyang ibinalik ang lahat nung narinig niya na may kumakatok, at tumatawag sa kanya, "Akesha? Akesha, Buksan mo ang pinto!" at sigurado siyang si Berdano iyon.



Hindi muna niya inisip ang nakita niya dahil lagot siya pag nalaman ito ni Berdano at sigurado siya na hindi siya nito pagbibigyan at hindi niya ito palalampasin.



Binabalak na niya ngayung umalis kasi ayaw na niyang makasama ang Berdano na iyon, dahil nangangamba siya at wala siyang tiwala sa kanya.


Sa ngayon, binuksan niya ang pinto at tinanong siya ni Berdano, "Bakit pawis na pawis ka Akesha?" Sinagot naman niya, "Naglinis ako sa bahay..." Hindi siya makatingin kay Berdano dahil baka malaman niya kung ano ang ginawa niya.




Sa mga kinikilos naman ni Akesha, halata na ni Hitano na may itinatago siya at siya ay nagsisinungaling lamang. Kaya pumasok na siya sa loob at uninom siya ng tubig.





"Dapat malimutan na talaga ni Alena ang lahat sa Encantadia, parang hinahanap na niya ang kanyang nakaraan at sa tingin ko ay may pagdududa na siya sakin." Inisip ni Hitano.






















Sorry kung maikli lang ito than usual, may iuupdate pa ako susundan ko to




Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 30, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

EncantadiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon