Chapter 36

454 16 5
                                    


THANK YOU SO MUCH #90 in FANTASY #fantasy!!! Avisala Eshma credits to GMA network...


Sa mundo ng mahika, ang Encantadia...


Ang nakita ni Cassiopeia sa kanyang makapangyarihan na mata...


"Hindi ko akalain na itutuloy ni Pirena ang kanyang binabalak, naawa ako kay Amihan sa katotohanan na kanyang maririnig mula sa kanyang anak anakan na si Mira at sigurado ako na maghahalo ang mararamdaman ni Amihan at manghihina ang kanyang kapangyarihan sa kalungkutan na madarama niya."


Sa kaharian ng Lireo...

Mira:  Ano ang ginagawa mo rito taksil! Bakit hindi mo na lamang ituloy ang binabalak mo at isusumbong kita kay Ina.

Pirena: Alam mo naman Mira na ikaw ay aking anak at ikaw ay Hadeya (pamangkin) lamang ng inyong Reyna Amihan na walang silbi at mang-aagaw.

Mira: Kahit na... siya ang nagpalaki sa akin at siya ang aking ina dahil wala akong ina na gaya mo! Wala akong Ina na taksil kaya patawad sa gagawin ko "Pirena"


Muntik nang maglaho si Mira pero nahawakan ni Gurna ng mahigpit ang kanyang mga kamay kaya hindi niya natuloy ang pagsusumbong kay Amihan. Inutusan naman ni Pirena ang kanyang Brilyante, "Apoy, kunin mo ang init sa puso ng aking anak upang siya ay mawalan ng malay at ibalik mo lamang ito sa oras na magtagumpay na ako."


Natumba si Mira at nawalan siya ng Malay, dumating naman si Amihan at agad na nagsinungaling si Gurna upang pagtakpan ang kasalanan nila, "Mahal na Reyna, sinubukan naming gisingin ang iyong anak, pero... tulog na tulog siya."


Sa pag-aakala naman na ligtas ang kanyang anak ,,... "Pabayaan niyo na siya, Avisala Eshma Pirena sa pagbabatay sa kanya at aalis na rin ako at gagawa pa ko ng liham para sa mga mamayan na inaabuso ng mga Hathor."


"Avisala Eshma Gurna." pasasalamat ni Pirena kay Gurna. Agad naman silang naglaho tungo sa Hathoria... Nainis si Pirena sa kanyang nakita, "Bakit wala ang Hari dito, Saan nagtungo si Hagorn." "Hindi niyo pala alam na nagtungo siya sa mundo ng mga tao upang kunin ang Brilyante ni Danaya." paliwanag ni Gurna.


Tinutukan naman ni Pirena ng espada si Gurna at sinabing, "Inutil ka talaga! Bakit parang kalmado ka lamang!!! Kapag sa oras na makuha niya ang Brilyante ni Danaya, matatlo niya ako kaya huwag kang mauwa diyan bobo!"  Naglaho silang dalawa tungo sa baybayin na pinag-usapan nila Pirena at nakita na niya si Hagorn.


Walang ibang inisip si Pirena kundi, "Nakuha mo ba ang Brilyante ni Danaya?" "Hindi dahil may pashneyang naninirahan sa mundo ng mga tao ang tumulong sa kanya!.." Binulong naman ni Pirena sa kanyang sarili, "Mabuti kung ganun, dahil ako lamang ang pwedeng kumuha nun." "May sinasabi ka Pirena" tanong ni Hagorn.. "wala naman" sagot niya.


"Atayde Hathoria!!!" sigaw ng Mashna nilang si Agane. "Paslangin ang lahat ng Diwatang makikita niyo sa daanan."At sinimulan na nila ang kanilang labanan. Pero hindi pa dumadating si Amihan at wala ding alam ang mga Sapiryan sa digmaan kaya, hindi sila nakahanda.


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Nawala naman ng saglit si Pirena upang kunin sa kanyang pinakamahalagang bagay sa labanan. Nais niyang kunin ang kanyang espada, ang espada na ginamit niya nung hinamon niya si Minea noon at ang espada na pumaslang ng napakaraming inosenteng mga mamamayan.


Sa Lireo naman habang may inaasikaso si Reyna Amihan...


Amihan: Kay ganda namang pagmasdan ang labas ng torreng ito, makikita mo ang bahagi ng Sapiro at Adamya, at hindi mo makikita ang magulong Hathoria... na napakaraming Pashneya na bumubuga  ng apoy na nagpapainit sa klima doon.


Imaw: Agape Ave (paumanhin) mahal na Reyna pero, may kakaiba akong nararamdaman parang may masamang pangitain na paparating at parang nararamdaman ko na may sinasabi ang mga ninuno sa akin at may importante silang ipapahiwatig.


Amihan: Ang buong akala ko nunong Imaw, na ako lamang ang nakakaramdam ng kakaibang pag-ihip ng hangin, na para bang nagbibigay sa akin ito ng babala,. Mula nung iginawad ni Ina sa akin ang Brilyante ng Hagin, ngayon pa ako nakaranas ng kakaibang pangyayari na gaya nito na parang nagsasalita ang aking Brilyante.

Imaw: Hindi ko alam ang gagawin, dapat ba akong mangamba o dapat ko na lamang itong ibaliwala, kasi... may kagandahan itong idudulot


Amihan: Hihingi na lamang ako ng tulong mula kay Pirena Imaw, hindi pa gumigising ang aking anak,. napagod siguro yun ng husto..

Imaw: Huwag niyo sanang mamarapatin, ngunit... malaking kawalan talaga ang pagkawala ni Alena at bakit pa ginawa ni Danaya ang kasalanan na iyon, hindi ko pa naman gustong parusahan siya..


Amihan: Maging ako Nunong Imaw, nagtataka pa rin ako, ngunit kailangan kong maging tapat sa mamamayan ng Lireo at sa aking kapatid, malapit namang sumapit ang isang taon. Isang taon na lamang at makakabalik na si Danaya.


Nagtungo si Amihan sa kubo ni Pirena, dahil alam niya na dito siya pumupunta kung minsan... nabigla siya sa pananamit ni Pirena.. nagtataka rin siya kung bakit may mga napaslang na Hathor dun... akala niya na kinalaban ni Pirena ang mga Hathor..


"Avisala Pirena, patawad sa paggagambala ko sa iyo pero may laban kaba?"tanong ni Amihan habang lumalamig ang kanyang kamay sa pangamba. "Wala naman Amihan, may gagawin lamang akong pagsasanay na matagal ko nang gustong gawin." at naglaho si Pirena


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.




Tinanong naman ni Amihan ang kanyang sarili, "Ihinanda ko lang ang aking espada, baka labanan niya ako. Saan ba yun pupunta at nagmamadali..."






WAR na BUKAS!!! Vomment naman kayo VOte and coMMENT...... Avisala Eshma..



EncantadiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon