Chapter 27

427 14 1
                                    

Kinupkop na nga ng mag-asawa si Lira/ Milagros. Habang sanggol pa si Lira, nagpapakita sa kanya si Muyak hanggang naging magkaibigan sila..


Nagalala naman ang mag-asawa na baka hindi nila maibigay ang magandang buhay para sa nakita nialng sanggol, ang sinisiguro lamang nila ay  ang kanilang pang-araw-araw na pagkain at ang kanilang munting tirahan, kung saan hindi pa nila nababayaran ang ilang buwan na upa.


Dahil nadagdagan na ang miyembro ng pamilya nila, tinotodo na nina Amanda at Dado ang pagkakayod ng husto upang magkaroon ng sapat na pera para sa kanila. Matagal na rin umuuwi si Dado mula nung lumipat siya ng lugar ng kanyang pinagtatrabahuan.


Marami namang mga tambay lang sa kanilang lugar, pero sinisiguro ni Dado na ligtas sila ng kanyang pamilya sa kanilang munting tirahan sa mundo ng mga tao. Hinahanapan din naman ng mga taong walang maggawa sa buhay kundi ang make-alam na ang bata na si Milagros ay isang Encanto!...


Natawa lamang si Muyak ng marinig ang mga pinaguusapan ng mga tsismosa sa kanto tungkol sa nakitang bata ng mag-asawa dahil wala silang alam na ang pinakekealaman nila ay isang Sang'gre na makapangyarihan at may mahalagang misyon sa Encantadia..


Nahihiya na kung minsan si Amanda sa mga kapitbahay nila sa kumakalat na balita na Encanto ang batang nakita nila.


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.



Narating na nga ni Lira ang mundo ng mga tao. Doon siya ay nakilala bilang si Milagros. Pinalaki ng mabuti nina Amanda at Dado ang kanilang anak-anakan.


Inisip naman ni Cassiopeia,


"Hindi ko na nakikita si Lira, ang totoong anak ni Amihan sa aking ,mga mata, tila nakarating na siya sa kanyang tadhana na doon lumaki sa mundo ng mga tao. Ginawa ito ni Emre upang mapangalagaan si Lira laban sa mga masasamang nilalang sa Encantadia. Ngayon, may bagong nakikilala nang "Lira" ang Reyna Amihan, at ito ang anak ni Pirena. Si Sang'gre Alena naman ay naninirahan sa gubat ng Hathoria kasama si Hitano. Walang nakakaalam na nandoon siya." binasa ni Cassiopeia sa kanyang isipan.


Balik naman sa Storya..


Nanirahan si Pirena sa Lireo at tuluyan pa rin siyang nagpapanggap na mabuti. nakilala naman ng pekeng Lira ang kanyang Ina dahil kung naaalala niyo, siya ay binasbasan ng kanyang totoong ina na makilala pa rin siya.


Hanggang sa lumipas ang limang taon....



Hanggang ngayon, konektado pa rin si Hagorn at Pirena, pinagpaplanohan pa nila kung kailan sila muling lulusob sa Lireo. Habang sa kabilang palad naman, ang anak-anakan ni Amihan na peke ay nakokonsensiya na para sa kanyang Ashti (tiyahin) na si Amihan.


Iba talaga kasi ang ugali ni Pirena kung ikukumpara natin sa kanyang anak. Nakakatawang isipin na parang hindi gumana ang basbas ni Hagorn sa kanya na maging kagaya ng kanyang ina si Mira. Alam naman ni Mira, na may nawala nang kapatid sina Amihan na si Alena at nakita niya ang mukha niya sa isang larawan... na nakapinta.


Limang taon na ang anak ni Prinsipe Ybrahim at Amihan ngayon, na kasalukuyang nasa mundo ng mga tao. Ilang saglit pa ay biglang nagpakita si Ybarro sa Lireo at nagulat ang buong Encantadia sa pagbabalik niya dahil ang buong akala nila na siya ay patay na.


Natuwa si Ybarro na makita ang kanyang anak na si Lira, pero katulad ni Amihan at ng iba pa, hindi rin niya alam na peke yung Lira na nakita niya dahil anak yun ni Pirena. "Lira!" wika niya sa kanyang anak, "Magandang araw Encantado," bati ni Lira sa kanya.


Hindi pa kasi alam ni Mira kung sino ba talaga ang totoong ama ng totoong Lira kaya naiilap pa siya na lumapit kay Ybarro, kahit alam niya na siya ay isang Prinsipe ng isa sa mga kaharian ng Encantadia.


Hindi na napigilan ni Ybarro ang kanyang damdamin kaya, sinubukan na niyang magpakilala kay Lira na siya ang ama niya. Pero yun ay ang pagdating din ng dalawang magkakapatid na si Danaya at si Reyna Amihan.


"Lira, anak, maari mo ba kaming iwan sandali ng Ashti mo at ng Prinsipe ng Sapiro, may paguusapan lamang kami sandali." malumanay na binigkas ni Reyna Amihan. Kinuha naman ni Ades si Sang'gre Lira at dinala ito sa kanyang silid.


Bigla na lamang inilabas ni Danaya ang brilyante ng Lupa at naglaho si Amihan sa harap ni Ybarro at nagalit ito! "Buhay ka!!! hindi mo ba alam na dahil sa iyo lumayas si Alena at ito ang nagdulot ng kanyang kamatayan!!!" sigaw ni Amihan habang hinahawakan ang leeg ni Ybarro.


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Nagtataka si Ybarro sa mga kinikilos ng dalawang Sang'gre at pinahinto ni Aquil, ang dalawa, "Mawalang galang na mahal na Reyna at Sang'gre Danaya, pero pwede po ba na pakalmahin muna natin ang ating loob at hayaan muna natin si Ybarro na magpaliwanag."


Naging tahimik sila at kumalma na ang loob ng dalawa. "Si Cassiopeia ang nagbigay sa akin ng ikalawang buhay, hindi ko maalala kung bakit nasa baybayin ako ng Sapiro noon habang ako ay sugatan at wala nang malay. Akala ko rin na ayaw na ni Alena na makita niya ako dahil sinabi sa akin ni Wantuk na sinabihan siya ni Hitano na palagi na silang nagsasama ng Sang'gre."


Hindi na nakinig pa si Danaya at umalis ito, sumunod sa kanya si Aquil at Muros at sa wakas, naging matiwasay na muli ang kanilang loob dahil sa kanilang nalaman na inosente pala si Ybarro.


Nanatili naman si Amihan at sinabi nito kay Ybrahim, "Patawad sa naggawa ko kanina, hindi lamang kasi ako handa sa pagkamatay ni Alena." "Nauunawaan kita mahal na Reyna..., hindi ba ito na ang tamang panahon upang malaman na ni Lira na ako ang ama niya? gusto ko na kasi siyang mayakap at makasama bilang anak." sabi ni Ybrahim.


Unti-unting tumayo ang mahal na Reyna at sinabing, "May panahon para diyan Ybarro, pero hindi pa ngayon ang panahon na iyon..." at umalis na si Amihan at ganun din si Ybarro.





I hope You Like the \STORY ... Late update... #TestInMath...

EncantadiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon