Chapter 4

1.3K 29 0
                                    


Naging masaya ang Lireo at Sapiro sa muling pagbabalik ni Sang'gre Amihan.. habang ang Hathoria naman ay nananabik na na magkaroon ng digmaan at nagagalit sila dahil nabubuhay pa si Amihan na siyang magiging isa sa mga malalakas na kaaway nila kapag lumaki na siya.


Natutunan na nina Minea at Raquim ang nangyari kaya dinagdagan nila ang kawal at mga mandirigma sa loob at pati na rin sa labas ng palasyo ng Lireo upang makasiguro sila at mapanatag na ang kanilang loob sa kaligtasan ni Amihan. Nagsanay din ng mabuti ang mga kawal upang lalong lalakas ang kanilang hukbo laban sa Hathoria.


Ngunit... hindi pa naging sapat para kay Reyna Minea ang ginawa nila, kaya naisip niya ang isang ideya na alam niya na masakit para sa kanya ngunit ikabubuti naman ito ng kanyang anak. Alam ni Minea na si Pirena ay may gulang na, kaya na niyang tumakbo o maglaho gamit ang ivictus(kapangyarihang maglaho) upang makatakas sa kaaway... kaya nagusap sina Minea at Raquim.


Napagpasyahan na ni Minea ang gagawin niya. Isa sa kanila ni Raquim ang mananatili sa Lireo at isa sa kanila ay magiging kasama ni Amihan sa mundo ng mga tao. Nung una, akaala ni Raquim na nagbibiro lamang ang Reyna ngunit seryoso ang kanyang mukha. Alam ni Raquim na masakit ito para sa kanya ngunit para sa kabutihan ng kanyang anak, sumangayon siya at niyakap niya si Minea atsinabi niyan, "Minea mahal na mahal kita.. hindi ko pababayaan ang anak natin at tandaan mo magiingat ka dito sa Lireo at huwag na huwag kang mawawala sa akin." Ngumiti si Minea kay Raquim at naging masaya silang dalawa para kay Amihan. Pagdating ng umaga dapat makaalis na si Raquim at Amihan tungo sa mundo ng mga tao.


Kinabukasan, hinanda na ni  Minea ang susi sa lagusan tungo sa mundo ng mga tao, at kailangan na ni  Raquim at Amihan na makaalis ng Encantadia.


Gamit ang susi binuksan ni Minea ang lagusan tungo sa mundo ng mga tao. Binuksan niya ito at ito ay nagliwanag. Ang susi ay naging polseras ni Minea sa unang tingin, mukha lamang itong pulseras na gawa sa mamahaling bato at ginto... ang hindi nila alam, ito ay isang napakahalagang bagay. Wala na kasing ibang daanan na nalalaman si Minea at ang mga mamamayan ng Lireo kundi ang agusan. Mas madali ang paglalakbay tungo sa mundo ng mga tao kung ito ang iyong gagamitin... kaya naman marami ang gustong kumuha nito mula kay Minea.


Bumukas na ang lagusan at dala- dala na ni Prinsipe Raquim si Amihan at handa na siya. Muling nagyakapan ang dalawa at upang hindi masaktan ang puso, lumayo at naglaho si Minea pabalik sa palasyo. Hindi na rin lumingon pabalik si Raquim at pumasok na silang dalawa ni Sang'gre Amihan sa lagusan.  Ikinatuwa naman ito ni Pirena dahil alam niya na wala na siyang magiging kaaway at kaagaw sa kanyang Ina. Labis niya itong ikinatuwa at napasayaw pa siya sa kanyang silid sa tuwa... Ang hindi niya inisip ay maaaring manganib ang buhay ng dalawa sa mundo ng mga tao, lalo na't iba't iba ang kanilang ugali. Lalo na rin na hindi nila alam kung saan sila titira sa mundo ng mga tao.


Napunta na si Amihan at ang kanyang ama sa isang tulay.. sa mundo ng mga tao.. Kakaiba ang tingin ng mga tao sa kanila parang tanga kasi sila kung makapagdamit lalo na na mainit ang panahon doon, at sila ay nakabalot pa ang suot. Inisip rin ng ibang mga tao na sila may dadaluhan na piyesta ngunit malayo pa ang pagdiriwang. Siguro naman inisip din ng ibana sila ay may dadaluhan at sasalihan na costume parade natatawa pa nga ang kalahatan sa kanila...


Hindi na inisip ni Prinsipe Raquim ang mga sinasabi ng mga tao, at tiniggnan na lamang niya si Amihan at pinatuloy niya ang kaniyang paglalakad... Hindi pa sila nakahanap ng matitirahan hanggat kumagat na ang dilim at muntik pa silang masagasaan ng sasakyan habang naglalakad. Pumunta na lamang sila sa isang lugar kung saan maraming puno at doon sila natulog. Naiisip pa rin ni Raquim ang kaniyang pinakamamahal na si Minea at pati na rin ang buong Encantadia.


Sa Encantadia naman sa palasyo ng Lireo naging kampante na ang loob ni Minea at binigyan siya ni Ades ng maiinom na tubig, pinasalamatan niya si Ades at kiniha niya ang punyal na ginamit ni Gurna at inisip niya, na si Hagorn ang nagtangka sa buhay ng kanyang anak kaya nagtungo siya sa Hathoria upang singilin ang nagawang kasalanan ni Hagorn. Sa gubat.. naninirahan si Cassiopeia ang sinaunang reyna... kilala siya dahil may taglay siyang kapangyarihan na makita ang anumang bagay, tinutulungan niya ang mga diwata kapalit ng ginto... wala pang nakaka-alam kung ano ang kailangan niya sa ginto. Tumawa si Cassiopeia dahil alam niya na si Gurna ang nagtangka sa buhay ni Amihan at hindi si Hagorn.


Wala namang ginawang pagpigil si Cassiopeia sa balak ni Minea.. at hinayaan na lamang niya si Minea na tahakin ang tadhana niya.


Dala ang apat na brilyante naglaho si Minea sa harap ni Hagorn. Nagalit siya kay Hagorn at isinalaysay niya ang naganap sa kaniyang anak. Ngumiti lamang si Agane at sinabi niyan, "nagkamali ka nang pinuntahan Minea, ako pa sa iyo.. bumalik kana ng Lireo kung ayaw mong masaktan." Nagalit si Minea at hinagis niya sa harapan niHagorn ang kanyang punyal. Sinabihan naman siya ni Hagorn na, "Hindi ka parin nagbabago Minea, wala ka paring kasing ganda." Sinumbatan naman si Hagorn ni Minea, "Ikaw din naman Hagorn hindi ka parin nagbabago wala ka pa ring kasing sama!"


Inilabas ni Minea ang apat na brilyante at nagulat at natakot ang mga Hathor sapagkat alam nila na makapangyarihan ang  mga ito. Nasindak naman si Hagorn at ninais niya na agawin kay Minea ang mga brilyante. Dahil sa kasamaan nila nagalit si Minea at may sinabi siyang isang sumpa.


Sumpa ni Minea ..::: "Inuutusan ko ang apat na makapangyarihang brilyante na hawak ko, na bigyang katotohanan ang sasabihin ko na encantasyon,. Sa oras na mamamatay kayo mga Hathor... lalo ka na Hagron.. walang bangkay na matitira mula sa inyo.. maglalaho kayo !!!! at sa oras na saktan mo  pa ang kahit isa sa mga anak ko,.. magkakamatayan tayo!!! Inuutos ko rin sa apat na brilyante na tuluyang ghumuho ang kaharian ng Hathoria!!!"


Nagdilim ang kalangitan, at lumindol ng malakas sa Hathoria at gumuho ang kanilang kaharian marami ang nasawi at tulad nga sa nabanggit na sumpa, sila ay naglaho... umalis na rin si Minea at lumakas ang hangin sa Hathoria at nahirapan silang sagipin ang kanilang napakasamang hari : si Hagorn...

EncantadiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon