Chapter 28

417 21 1
                                    


Sa mundo ng mga tao, lumaki ang totoong si Lira, nagpakilala sa kanya ang lambanang si Muyak at alam na rin ni Milagros na siya ay hindi isang tao...  Naging matulungin at masayahing bata si Milagros at kahit na alam na niya na may totoo siyang ina sa Encantadia, minamahal pa rin niya ang kanyang ina-inahan na si Amanda.


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Naging simpleng bata lamang si Lira sa kanyang paaralan kahit na alam na din niya na anak siya ng Reyna ng Lireo, hindi pa rin lumalaki ang ulo niya, mabait at mapagkumbaba lamang siya.  Inaaway nga siya minsan ng mga kaklase niya pero, hindi niya ito pinapatulan. Abala rin si Milagros/Lira sa kanyang pagaaral at hindi sa paglalaro. Makakapaglaro lamang siya kung matatapos na niya ang kanyang takdang-aralin at mga gawaing pambahay.


Sa katuwiran, hindi masyadong nararanasan ni Lira na siya ay isang bata, dahil nga sa trabaho sa bahay at mga gawain niya. Tinitiis lamang niya ito dahil alam niya na utang na loob niya ang kanyang buhay sa mag-asawang Dado at Amanda dahil sila ang kumupkop sa kanya.


Ang buong akala rin ng mag-asawa na hindi alam ni Milagros na nakita lamang siya sa puno sa likod ng simbahan. Pero nalaman niya ang lahat ng katotohanan mula kay Muyak. Minsan nga namamasdan ng kanyang ina-inahan na may kausap siya na hindi nila nakikita.


Ganun pa man, kahit masayahin si Lira sa mundo ng mga tao, hindi pa rin nawawala sa isip niya ang Encantadia na sinasabi ni Muyak. Sabik na sabik na siya na makita ang mga nilalang na naninirahan doon gaya ni Muyak at lalo na ang kanyang Ina na si Amihan.


Kawawa naman si ang totoong Lira sa mundo ng mga tao, dahil nagsisikap siya at nagtatrabaho at hindi nandoon upang mamuhay bilang isa sa mga Sang'gre.


Sa mundo naman ng Encantadia...


Namumuhay ng masaya si Mira sa Lireo, bilang anak ni Amihan na si Lira. Natutuwa ang kanyang ina, pero kadalasan, nagagalit na si Mira sa pagpapanggap niya na anak ni Amihan dahil talagang naaawa na siya.


Kaya kahit na sa anim na edad ni Lira... kinausap niya ang kanyang totoong ina sa kanyang silid, "Pirena, alam ko na pinaplano mo na saktan ang aking ina-inahan na si Ashti Amihan, pakiusap huwag mo yang gawin. Isa pa, bakit ko ba kailangang magpanggap na ako si Lira?"


Agad namang sinumbatan ni Gurna si Mira, "Alam mo na hindi mo alam ang iyong sinasabi dahil isa ka lamang paslit kaya, Mira... este Lira... makinig ka na lamang sa iyong Ina at sundin mo na lamang siya dahil alam niya ang kanyang ginagawa." Umalis si Mira sa kanyang silid at hindi na pinakinggan pa si Gurna.


"Alam mo naman Gurna na hindi makikinig sa iyo ang aking anak, dahil sa akin lamang makikinig yan... gaya ng ginawa ko kay Amihan, lalasunin ko rin ang isipan ni Mira at siya ang gagamitin ko laban kay Amihan, sa oras na makuha na niya ang korona ng ina-inahan niya." sabi ni Pirena.


"Kung ganun, tingnan na lamang natin kung mananaig ba ang kasamaan ng puso ni Mira lalo na, na alam mo na galing siya sa dugo mo. Pero ang tanong ko maganda bang ideya ang naisip mo na si Amihan ang magpalaki kay Mira?, Hindi ba't magiging mabuti rin ang puso ni Lira?'' tanong ni Gurna. Hindi naman nakinig sa kanya si Pirena dahil para sa kanya, tama lahat ang ginagawa niya.


Ngayon, nagsasanay naman si Lira kasama ang kanyang Ashti Danaya upang matuto siyang depensahan ang kanyang sarili kung sakaling manganganib ang kanyang buhay. Seryosong- seryoso naman si Danaya sa pagtuturo niya kay Lira pero kinukulit lamang niya ang kanyang Ashti.


Nung matapos sila sa pageensayo, pinuntahan ni Danaya si Reyna Amihan, "Alam mo ba Amihan na parang may pagka- hawig ang kinikilos ni Lira sa kinikilos ni Pirena noon nung mga bata pa tayo,...mas suplada nga lang ang kanyang ina,  pero mabait naman si Lira."


Tumawa si Amihan at tinawag na ang kanyang anak dahil dapat na niya munang tigilan ang paglalaro at magbibihis na siya ng kanyang damit na pang palasyo at ihahanda na ng mga dama ang kanilang hapunan.


Dumating naman si Pirena at nadulas ang kanyang dila, "Kumusta ang pagsasanay mo anak." Lumaki ang mga mata ni Gurna at agad namang nagpaliwanag si Pirena, "Anak dahil malapit na rin sa aking puso si Lira, kaya kung hindi mo mamarapatin ang mga nasabi ko Amihan, patawad."


Lumakad na silang apat tungo sa kusina at may nakahanda nang masarap na paneya(tinapay) para sa kanila na mainit init pa dahil bagong luto ito ng mga dama. Marami ring mga prutas na nakahain sa mesa nila at kumain na silang tatlo.


Naging masaya sila hanggang sa inantok na si Lira at matutulog na rin ang tatlong mga Sang'gre. ...


Habang payapang natutulog ang mga Sang'gre, nanggugulo naman si Adhara sa kanlurang bahagi ng Adamya kaya hinuli siya ng mga kawal. Walang ibang maggawa si Adhara, dahil wala sa kanya ang makapangyarihang tungkod. Kaya inilagay siya ng mga kawal sa Calsero.


Ang Calsero ay isang bilanguan kung saan nilalagay ang mga diwatang may malaking kasalanan. At dahil marami nang nasawi dahil sa kagagawan ni Adhara... ay ikinulong siya doon. Nagagalit siya at lalo siyang naiinis kay Amihan na anak ni Minea at sinusumpa niya, "Sa oras na makalabas ako rito... papaslangin kita Amihan."


Tumawa naman sa kanya ang dalawang babaeng kawal na naroroon at sinabihan siya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Tumawa naman sa kanya ang dalawang babaeng kawal na naroroon at sinabihan siya.,.. "Huwag ka nang umasa na makakalabas ka pa diyan, ang Reyna lamang ang makakapagsabi na pwede ka nang lumabas pero ngayon, na may galit ka sa kanya... parang mabubulok ka na diyan! hahaha!"


Nagalit ng husto si Adhara...





OH MY G!! I can't believe it Encantadia is now 127 in Fantasy.. Thank you for your support and comment your reaction and continue your raining votes!!

EncantadiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon