Naging malubha ang pinsala na natamo ng Hathoria sa kapangyarihan ng mga brilyante... marami ang natabunan at nailibing ng buhay dahil sa paguho ng Palasyo samalakas na alon at lindol. Panginoon! sigaw ni Agane habang hinahanap niya ang kaniyang Haring Hagorn. Nahihirapan sa paghahanap si Agane dahil nasusunog na ang ilang bahagi nito.
Tumakbo ng mabilis si Hagorn upang makatakas at pumunta siya sa lumang Etheria kung saan siya nagtatago. Inutusan naman ni Hagorn si Agane na maging alaerto at tumakas na mula kay Minea. Inutusan din ni Hagorn ang kaniyang mga kawal na itaguyod muli ang pagbangon ng Hathoria.
Sumigaw si Hagorn habang napadapa siya dahil sa sumpa na ginawa sa kanilang mukha na may tatak na itim "Pashneya ka Minea!". Nabigla si Hagorn nang nilapitan siya ni Ether ang masamang Bathaluman ng Encantadia upang mnaggulo. Nagtanto na si Hagorn na hindi kausapin si Ether dahil isa na ito sa malalakas na nilalang na kinalaban nila noon.
Ngunit tila nagbago ang isip ni Hagorn nung sinabihan siya ni Ether na, "Kawawa ka naman Hagorn,.. wala ka ngayong makakapitan at wala ka ring sapat na lakas dahil sa sumpa ng apat na brilyante.. kahit nga ang isang kawal ay kaya ka nang paslangin..."
Nagalit si Hagorn subalit pinagpatuloy pa rin ni Ether ang kanyang salaysay "Hagorn isa akong Bathaluman, kaya kitang bigyan ng lakas (ngumiti si Hagorn kay Ether) ngunit sa isang kondisyon, dapat ikaw ang manguna sa pakikipagdigmaan dito sa Encantadia at huwag na huwag kang magigay ng kapayapaan dito, dapat pairalin mo ang kasamaan".
Hindi alam ni Hagorn na ginagamit na siya ni Ether upang magkagulo ang Encantadia at muling utaguyod ang Etheria. Sa katangahan at kasilawan sa kapangyarihan ni Hagorn, sumang- ayon siya sa inalok ng masamang Bathaluman sa kanya. Nagkaroon ng malakas na kapangyarihan si Hagorn at naramdaman niya ang liksi ng kaniyang dugo.
Tumawa naman si Ether sapagkat na-uto niya si Hagorn. Nasiyahan naman si Hagorn sapagkat alam niya na magagamit niya ang kaniyang bagong kapangyarihan laban kay Minea at maging sa mga brilyante. Inutusan ni Ether si Hagorn, "Umalis kana Hagorn at muli mong itayo ang Hathoria at maghasik ka ng lagim sa Encantadia hahahaha!"
Sa kabilang palad naman, sa Gubat ng Adamya, may isang sapiryan na naglalakbay nung naganap ang digmaan ng Sapiro at ang Kaharian ng Hathoria. Ang alam ng lahat ay patay na si Prinsipe Ybrahim ngunit nagkakamali sila...
Matapos salakayin ni Agane ang karwahe ng Reyna ng Sapiro sinubukang lumaban ng mahal na Reyna kay Agane ngunit napaslang siya. Hindi nakita ni Agane ang bata sa loob ng karwahe subalit nakita ito ng isang Sapiryan. Nakita din ng Sapiryan ang nangyari sa Reyna ng Sapiro, hindi niya ito natulungan sapagkat nag-iisa lamang siya at marami ang Hathor na nandoon kasama si Agane.
Ang Sapiryan na iyon ay nagngangalang Apitong. Si Apitong ay walang asawa at hindi biniyayaan ng isang anak. Kaya naman hindi na niya pinakawalan ang oportunidad na magkaroon ng ina- asam-asam na anak. Kinuha niya ang Prinsipe ng Sapiro at pinangalanan itong Ybarro. Ngumiti si Apitong sa knayang nakitang bata.
Ang tahanan ni Apitong ay tahanan ng kaniyang mga kasama na nagnanais din ng kalayaan kaya tumulong sila sa unang labanan ng Sapiro, Lireo, Adamya laban sa Hathoria. Tulad ng nakararami hindi rin gusto ng mga kasamahan ni Apitong, at maging si Apitong ay kinamumuhian ang palakad at ugali ni Hagorn. Ni minsan nga ay hindi nila kinilalang Hari si Arvak at Hagorn kaya, nagkaisa-isa sila sa isang adhikain na magkaroon ng kalayaan.
Ipinakita naman ni Apitong ang kaniyang nakitang bata. Ipinakilala niya ito sa kanila at piangalanan niya itong Ybarro. Nagtanong ang nakararami kung saan niya nakita ang isang batang gaya ni Ybarro sapagkat may angkin itong mukhang nababagay sa mga dugong maharlika. Nagsinungaling naman si Apitong para hindi mawalay sa kanya si Ybarro, sinai niya na nakita niya siya sa baybayin ng Sapiro. Sinabi din niya na wala na siyang ibang matutuluyan kaya niya kinupkop si Yabarro.
Hindi gusto ni Apitong na magsinungaling, subalit kailangan niya itong gawin upang hindi makuha ng mga kawal si Prinsipe Ybrahim o ang batang tinatawag niya ngayong Ybarro. Natuwa naman ang mga kasama ni Apitong sa biyaya na natanggap niya mula kay Bathalang Emre. Ito na marahil ang pinakamahalagang biyaya na natanggap niya.
Sa Hagorn naman ay masayang umuwi sa Hathoria napaganda kasi para sa kanya ang natanggap niyang kapangyarihan mula kay Ether. Hindi niya inisip na ito ay isang sumpa na tuluyang makakapagbagsak ng Encantadia at makakapag-walay sa mga diwata.
Minabilis ni Hagorn ang muling pagtatayo ng Hathoria, nagnakaw sila ng mga gamit upang makuha nila ang kanilang ninanais. Hindi na naki-alam pa si Minea dito, dahil ang ina-alala ni Minea ay ang kanyang anak na si Amihan at si Raquim; ang kanyang mahal. Ipinakita ni Hagorn ang kanyang lakas kay Agane.
Ikinatuwa naman ito ni Agane dahil alam niya na magagamit nila ang kapangyarihan na ito, upang talunin si Minea. Mga tanga naman kasi kung minsan mag-isip ang mga Hathor, walang makakatalo sa isang nilalang kapag hawak niya ang apat na brilyante.. maliban na lang kung si Emre ang kakalabanin nila, sapagkat mawawala ang kapanyarihan nito kapag ginawa nila iyon.
Nagdiwang sa saya si Hagorn subalit nung narinig niya ang masamang balita mula kay Agane.., "Panginoon, umalis na po sina Amihan kasama si Raquim sa mundo ng mga tao." Biglang pumuot ang dugo ni Hagorn at sinabiniya kay Agane na, "Tawagin mo si Gurna at sabihan mo siya na may mahalaga siyang misyon na gagampanan." Sumang-ayon naman si Agane at pumunta siya ng hangganan ng Lireo upang makita at maka-usap si Gurna.
Ang misyon kasi ni Gurna ay nanakawin niya mula sa mga kamay ni Reyna Minea ang susi sa lagusan. Gusto kasi ni Hagorn na sa mundo ng mga tao niya paslangin si Raquim. Gusto rin niyang salubungin si Raquim sa kanyang kamatayan.
Nag-taka si Gurna at sinabi niya na, "Hindi madali ang pinapagawa ni Hagorn, subalit kakayanin ko ito, sabihan o siya, na matatagalan pa na makuha ang susi. Marami na kasing nagbabantay na kawal sa Lireo." Ngumiti si Agane at sumang-ayon siya, "Sige Gurna, magmadali ka dahil ayaw na ayaw ko na magalit ang panginoon ko sa akin."
Kaya pinagpatuloy nila ang plano nila sa Susi...
BINABASA MO ANG
Encantadia
FantasyIEncantadia 2016-2017 ( Credits GMA Network) "Hindi ang kayamanan o kapangyarihan ang nakakapagpaligaya ng isang nilalang kundi ang tibok at alab ng kanyang pagmamahal sa kanyang puso." to ay isang nakakamamangha na lugar kung saan makikita mo na an...