Chapter 2

3K 44 2
                                    


Makalipas ang Anim na taon..

POV ni Minea

 Kakaiba ang napaginipan ko kagabi.. napanaginipan ko si Raquim at tila magkaka-anak kami..

(Ilang minuto ang nakalipas)

Dumating si Prinsipe Raquim sinabihan niya si Minea na "Minea napanaginipan mo ba.." hindi pa natapos si Raquim at sinabi ko na... "Oo Raquim at may tatak akong bulaklak sa aking mga kamay...at ibig sabihin nito.. magkakaroon tayo ng anak."


Minahal ko talaga si Raquim dahil bukod sa magiting siyang prinsipe, mapagmahal at maunawain siyang Sapiryan..


POV ni Sang'gre Pirena

Natutuwa ako sa narinig ko Gurna.. na magkakaroon ako ng kapatid.. Nasasabik na  akong makita siya Gurna. ... Sinabihan naman ako ni Gurna na.."Huwag kang magpakasaya Pirena at lalong hindi ka dapat manabik sa pagdating ng bago mong kapatid, sapagkat siya ay magdadala lamang ng kamalasan sa iyong buhay... dahil siya ay magiging kaagaw mo sa korona ng iyong ina at magiging kaagaw mo rin siya sa pagmamahal ng iyong ina sa iyo..at isa pa... mahahati na ang oras ng iyong ina para sa iyo.. dahil mas aalagaan niya ang bago mong kapatid."


Hindi naman siguro ganun Gurna alam ko na si Ina ay isang mabuting tao, siya ay mapagmahal at nasisiguro ko na siya ay magiging pantay sa amin ng aking magiging bagon kapatid...

Matagal nang nagsisilbi si Gurna sa aking ina.. noon pa man ay nagtrabaho na siya bilang isang dama. Hindi ko alam kung sino ang papanigan ko, dahil kung may lakad naman din ang aking ina.. si Gurna naman kasi ag palagi kong kasama dito sa aking siid. 


Buo rin ang pagtitiwala ko kay Gurna dahil alam ko na hindi niya pa ako niloloko at alam na alam ko na hinding- hindi niya ako lolokohin.


******************************************************************************************


Nakakatuwa na si Pirena ay may nadadamang pagmamahal sa kanyang kapatid pero pilit pa ring, nilalason ni Gurna ang kanyang isispan na dapat ikagalit niya ang pagkakaroon ng bagong kapatid.


Oo, matagal nang nagsisilbi si Gurna kay Minea at yun ay dahil kay Hagorn, siya ay inutusan ni Hagorn na maging tagapagbantay ni Pirena at siya rin ang nagsisilbing ispiya sa Lireo.Walang sinuman ang nakaka-alam kung ano ang pakay ni Gurna sa Lireo ang alam lamang ng lahat kasali na si Sang'gre Pirena na siya ay isang tapat at mabuting dama ng Lireo pero.. hindi pa nila nakikita ang totoo niyang kulay.


Nung gabing iyon, pinuntahan ni Gurna si Hagorn upang ibalita sa kanya na may bago nang Sang'gre sa Lireo at ang ikinagalit ng todo ni Hagorn ay ang nalaman niya na ang Sang'gre na iyon ay bunga ng pagmamahalan nina Minea at Raquim.


Kaya lalong uminit ang dugo ni Arvak nung nalaman niya ito at gaya ng nakasaad sa propesiya ni Cassiopeia.. idineklara ni Arvak na magkakaroon sila ng away o isang madugong labanan.

Sa kabutihang palad nalaman agad ni Haring Armeo ang gagawin ni Arvak at kaya naman naghanda siya sa magaganap na labanan. Nag-aalala ang asawa ni Haring Armeo dahil may sanggol sila.. nagaalala siya sa kanyang kaligtasan dahil kapag mamamatay si Haring Armeo ay hindi na makikita ni Prinsipe Ybbrahim ang kanyang Ama at maging ang kanyang ina.. dahil sa oras na matalo ang Sapiro makukuha ni Arvak ang brilyante ng lupa at mas lalo silang lalakas at lalong hindi sila titigil hanggat hindi nila nakukuha ang bilyante ng hangin na nagbibigay hininga sa lahat ng diwata sa Encantadia.


Inutusan ni Haring Arvak si Agane: isang babaeng heneral ng mga Hathor na maghanda na upang matalo nila ang Sapiro..



Makalipas ang ilang buwan lahat ng ibinigkas ni Cassiopeia ay nagkatotoo kinabahan ang Hathoria kung sino ang mawawala sa kanila pero.. itinuloy pa rin nila ang digmaan.


Ito na ang araw ng labanan at ito rin ang araw kung kailan isisilang na si Sang'gre Amihan ang magiging kapatid ni Pirena...


Naglakad na ang mga Hathor at mga Sapiryan at nagkita sila sa baybayin ng Sapiro. Hindi magiging pantay ang magaganap na labanan sapagkat, dalawa ang hawak na brilyante ni Arvak at ang brilyante ng lupa lamang ang hawak ng mga Sapiryan. 


Hindi kasi maaring tumulong si Reyna Minea sa kanila dahil siya ay nalalapit ng magsilang ng kanyang anak. Kaya nagpadala ng mga kawal si Reyna Minea sa baybayin ng Sapiro upang tulungan ang mga magigiting na Sapiryan ngunit marami pa rin ang mga kalaban na Hathor.


Ilang saglit pa at sumigaw na si Agane na Atayde Hathoria (sugod Hathoria)

Sumigaw rin si Aquil at Muros ang dalawang mandirigma ng Lireo na Atayde Lireo!! Atayde Sapiro sigaw naman ni Raquim.


At nagsimula na nga ang madugong labanan. nagtuos ang dalawang Hari si Haring Armeo laban kay Haring Arvak. Hindi rin nagpahuli si Hagorn at sa selos at galit niya kay Raquim si Raquim ang pinili niyang katunggali sa labanan.


Marami ang napaslang na Hathor...

Sa Lireo naman ay nagdadasal si Reyna Minea na, "Mahabaging Emre tulungan mo ang aking mga kapanalig, huwag mong hayaan na manalo ang mga nilalang na tuso sa kapangyarihan at naway gabayan mo ako sa aking panganganak ni Amihan sana mailuwal ko siya ng maayos at sana magdala siya ng kapayapaan dito sa Encantadia."


Hindi alam ni Haring Armeo na sinugod pala ni Agane ang Kanyang mag-ina at pinaslang na ni Agane ang kanyang asawa. Huli na ng nalaman ni Haring Armeo ito.


Kaya nagalit siya at nasugatan niya si Arvak at nasaksak naman si Haring Armeo ni Haring Arvak.

Gustong tulungan ni Asval si Armeo, si Asval ay isang sapiryan na gustong maging hari..


Napatumba naman ni  Raquim si Hagorn at inutusan niya ang mga kawal na kalabanin si Hagorn dahil gusto niyang tulungan si haring Armeo


Ang brilyante ng lupa ay may kakayahang magpagaling ng sugat pero hindi ito nilabas ni Armeo dahil alam niya na kukunin ito ni Arvak. Muntik nang ma- paslang si Armeo pero buti nalang at nakailag si Armeo at dumating si Asval at Raquim.

Naglabanan si Raquim at si Arvak at napaslang si Arvak tulad ng nakasaad sa propesiya ni Cassiopeia.

Kinuha ni Raquim ang Brilyante ng Apoy at Tubig at huli na si Hagorn dahil alam niya na wala na siyang kalaban laban kay Raquim. Sabay ng pagkatalo ng Hathoria ay ang panganganak ni Minea kay Amihan at natuwa si Amihan at nagpasalamat si Minea kay Emre.


Sabi ni Asval "Raquim, malakas na tayo kaya na nating pamunuan ang buong Encantadia" pero hindi sumangayon si Raquim.. May mga huling salita pa na binitiwan si haring Armeo at ito ay "Raquim heto.. ang Brilyante ng lupa kunin mo at ibigay mo ito kay Minea.." Sinunod ni Raquim ang utos ni Haring Armeo at nagluksa ang sapiryan sa pagkawala ng kanilang Hari at Reyna .


Ang Hathoria naman ay nabigo sa pagkawala ni Haring Arvak at naging Hari na si Hagorn ng malupit na Hathoria

EncantadiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon