Chapter 8

819 22 0
                                    



Ang pagluluksa at pagbabalik ni Amihan sa Encantadia.


Ang pagkuha ni Minea nina Amihan ay hindi umabot sa tamang oras... hindi pa gumigising si Amihan at hindi pa siya  nakakasama ng kaniyang Ina dahil, si Minea ay nagluluksa sa silid; kung saan nakahimlay si Raquim.


Nagluksa at nalungkot ang buong Encantadia... pero may mga masasamang nilalang na lubos na ikinatuwa ang nangyari kay Raquim. Si Hagorn ay natuwa ng lubos at ganun din si Asval at ang mga kasama niya kasi, ang buong akala nila ay makukuha na nila ang Sapiro. Hindi nila alam na may tagapagmana na inaalagaan ni Apitong sa kanilang kuta.. si prinsipe Ybrahim o ang tinatawag nilang si Ybarro.


Umiyak ng husto si Minea at sinisi niya ang kaniyang sarili "Raquim, bakit mo ako iniwan? Kasalanan ko ang lahat dahil pinapunta kita sa mundo ng mga tao." Narinig ito ni Ades at kinumporta naman niya ang Reyna at sinabing, "Mahal na Reyna wala po tayong ibang sisisihin kundi si Hagorn, wala namang nag-gustong mamatay si Raquim."


Sumandal si Minea kay Ades at nakita ito ni Gurna.. ibinulong ni Gurna sa kaniyang sarili, "Sipsip talaga ang damang yan!" Umiyak si Minea at umalis na si Ades upang silipin si Amihan kung nagigising naba siya.


Lumapit si Pirena sa silid ni Minea at sinabihan siya ni Gurna "Pirena! Humanda ka dahil  nagbalik na ang isa mong kapatid ang pangalawang Sang'gre". Umikot ang mata ni Pirena at sinabi niyang, "Alam ko na ang gagawin kaya manahimik ka." Yinakap ni Pirena ang kaniyang Ina at unti unti siyang umalis patungo sa silid niya kasama si Gurna.


Nagising na si Amihan at agad niyang yinakap ang kaniyang ina, Sa wakas! nagkita na muli ang mag-ina. Nilapitan ni Amihan ang kaniyang ama at nakita niya ang mga paru-paro. Ang mga paru-paro ang maghahatid kay Raquim sa kabilang mundo kung saan nainirahan ang Bathala.


Nagtanong si Amihan kay Minea na, "kukunin na naba nila si tatay?" sinagot naman siya ng mahal na Reyna "Oo anak, halika na... huwag na tayong malungkot sapagkat ayaw ng ama mo na makita tayong umiiyak." Dahan dahang umalis ang mga diwata at diwani sa silid at kinuha na ng mga paru-paro ang katawan ni Raquim.



Sinuklayan ni Minea si Amihan at sinabihan niya na. "Anak, handa ka nabang makita ang mga kapatid mo?" Nakita ni Minea ang pananabik sa mga mata ni Amihan kaya, pumunta na sila sa trono kung saan naghihintay para sa kanila ang tatlong Sang'gre.


"Mga anak, ipinapakilala ko sa inyo ang inyong Adeya  (kapatid) na si Sang'gre Amihan,.!''


Niyakap ni Dayana at Alena ang kanilang kapatid at nagpakilala sila sa kanila, binigyan naman sila ng papuri ni Amihan at sinabi niya sa kanila, "Ang gaganda naman ng mga kapatid ko! Ikinatutuwa ko kayong makilala". Nag-usap sila at sinabi ni Danaya na "Ganun din kami Amihan" wika naman ni Alena na "Maligayang pagbabalik sa Lireo Amihan!"


Tumingin si Amihan kay Pirena at itinanong niya kay Alena at Danaya kung sino siya.. sinabi ni Minea na., "Siya ang nakakatanda mong kapatid Amihan siya si Sang'gre Pirena.!"


Ngumiti si Amihan kay Pirena at niyakap niya si Pirena. Tinulak naman ni Pirena si Amihan at sinabi niyang "Kung masaya ka na nakabalik kana dito, pwes ibahin mo ako dahil kahit kailan hindi ako magkakaroon ng kapatid na gaya niyo!" 


Napikon si Danaya at sinabi niyang, "Ang sama mo talaga ikaw pa naman ang pinakamatanda, ikaw pa ang hindi marunong umintindi!".  Nagalit naman si Pirena at mauntik naman silang mag-away at tumakbo si Pirena sa kanyang silid .. "Teka lang Amihan kakausapin ko muna ang iyong Adeya."


Naging masaya si Gurna sapagkat naging epektibo ang kaniyang paglalasn ng isipan kay Pirena. 


Umiyak si Amihan at kinausap niya ang kaniyang mga kapatid na. "Avisala eshma (maraming salamat) sa inyong dalawa dahil masaya kayo na nakita ako, pero ayaw ko na magsimula ng gulo dito... kaya aalis na lamang ako," Pinigilan naman ni Alena si Amihan "Adeya, ganun lang talaga ang ugali ng Pirena na yun.... unawain mo na lamang at lalamig din ang ulo nun mamaya.


Pinasyal ni Alena at Danaya ang kanilang kapatid sa palasyo ng Lireo at nagpasama sila ni Mashna (Heneral ng mga kawal) Aquil upang ilibot si Amihan sa Encantadia. Hindi sila nagtungo sa Hathoria at nagulat sila na alam na ni Amihan kung sino ang naninirahan dun.


Nakabalik sila ng maaga dahil gumamit sila ng kapangyarihang maglaho pabalik ng palasyo. Nagtawanan sila sa tuwa at gumawa sila ng munting korona para sa kanilang tatlo. Naging malapit na ang puso nila sa isa't isa. Si Pirena na lamang ang kulang at mabubuo na sila.



Sa silid ni Pirena


"Anak hindi ka dapat maging ganyan, sinabihan na kita noon na pantay pantay ang pagtingin ko sa inyong magkakapatid at wala ni isa sa inyo ang lumalamang at wala akong pinipili sa inyo." sabi ni Minea sa kanyang anak.


Napanatag ang loob ni Pirena at inisip niya na maging mabait na lamng sa kaniyang mga kapatid, dito mas magiging malapit ang loob ni Minea sa kanya at akala niya na kapag magiging peke ang kaniyang pag-tingin ni Amihan, Alena at Danaya ay magiging Reyna na siya.


Kinabahan si Gurna at agad niyang kina-usap si Pirena, "Ano ba ang iniisip mo!  kalaban at kaagaw mo ang mga kapatid mo at hindi yan ang tamang paraan upang makuha mo ang iyong korona." Tumingin lang si Pirena kay Gurna at lumabas siya sa kaniyang silid.


May nakitang magagandang bulaklak si Pirena sa daanan at pinitasniya ito at plano niya itong ibigay kay Amihan bilang paghingi ng patawad.


Pumunta si Pirena sa lugar kung saan nagtipon ang kaniyang mga kapatid at Ina at ibinigay niya kay Amihan ang bulaklak at sinabi niyang, "Amihan aking kapatid, patawad kung uminit ang ulo ko, pero babawi ako sa iyo sa susunod." "Hindi na kailangan Pirena, maari ba kitang mayakp?" tanong ni Amihan.



Naging masaya ang apat na Sang'gre at ikintuwa naman ito ni Minea. Mas mabuting isipin ang pagkakaisa nina Amihan, Danaya, Alena at ni Pirena at hindi ito mapapalitan ng anumang bagay.


Binigyan din sila ni Minea ng ginintuang aral na nagsasabing, "Hindi ang sandata at dahas ang magdadala ng kapayapaan , kundi ang puso niyo." 


Hindi pinayagan ni Minea na makita ang kaniyang mga anak na humawak ng anumang sandata dahil labag ito sa kaniyang kalooban t natatakot siya na matulad kay Raquim ang kaniyang mga Sang'gre na magiging tagapag mana niya.







EncantadiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon