"BAGO PA ANG Lahat THANK YOu so MUUUCCHH!!! sa support sana ishare niyo ang story na ito sa mga friends niyo na Encantadiks... Salamat!! 2.1k!!!"
Chapter 31..
Dinala na ni Pirena si Alena sa mundo ng mga tao na kinilala bilang si Akesha, at si Hitano naman bilang si Berdano.
Bago pa man tuluyang umalis si Pirena ay ginamit niya muna ang kanyang brilyante ng Apoy, at inutusan niya ang kanyang brilyante.. "Brilyante ng Apoy, inuutusan kita na gamitin mo ang iyong kapangyarihan upang madaling makasabay sina Berdano at Akesha sa mga salita at pamumuhay dito sa mundo ng mga tao."
Parang may naramdamang kakaibang katalinuhan sina Berdano at Akesha at nagkaroon sila ng marka sa kanilang ulo tanda na ang kapangyarihan ni Pirena ay gumagana. Nagtataka rin si Akesha kung bakit makapangyarihan si Pirena, sinabi din niya na.. "Pamilyar ang pangalan na yan.."
Bago pa ding tuluyang nakaalis si Pirena ay inutusan niya si Hitano, "Hitano, huwag ka nang bumalik sa Encantadia at mamuhay ka dito kasama ang kapatid ko, huwag na huwag mo siyang ibalik doon at magpakasaya ka, subalit kapag nakita mo ang anak ni Amihan, Paslangin mo ito, dahil yun ang bagay na hindi ko naggawa sa kanya."
Tinanong naman ni Berdano si Pirena, "Ibig mo bang sabihin na ang Lira na nakilala ko sa Encantadia ay hindi anak ni Reyna Amihan?"Oo, anak ko siya at ang totoo niyang pangalan ay Mira, buhay na buhay pa siya at nagpanggap lang ako na patay na si Mira pero pinalitan ko siya bilang si Lira...,. kaya aalis na ako."
Pag-alis ni Pirena ay nagtataka sila Hitano kung bakit parang may sinasabi ang wika at kakaiba ang panahon na kanilang nararanasan, bulong naman ni Pirena sa taksil na kawal, "Kagagwan siguro to ng mga kapatid ko.""May naghahanap sa iyo na bruha Akesha, kaya magmadali na tayo.'' paliwanag ni Hitano.
Sumara na ang lagusan sa puno..
Nagsimula na din sina Berdano at Akesha na maghanap ng matitirahan at makakain... sana naman ay magkita-kita na si Alena at Lira doon at makilala man lamang niya siya, dahil siya ay ang kanyang Ashti... na akala ng mga Encantado na patay na.
Sa mundo naman ng Encantadia...
Unti-unti nang bumabalik ang sigla sa mga buhay nina Amihan at Danaya, parang nakalimutan na nila ang sakit ng "pagkamatay" ni Alena. Pero hindi pa rin tinitigilan ni Danaya ang paghahanap sa kanyang kapatid. Sa katunayan, siya ang may kagagawan ng pagbabago ng panahon kanina..
"Siguro patay na nga ang aking kapatid, hindi ko na nararamdaman ang mga apak niya sa lupa dito sa Lireo maging sa Encantadia, wala na nga siya, kaya mas mabuti na nandito ako upang protektahan ang dalawa ko pang kapatid at ang anak ni Amihan.." iniisip ni Danaya.
Bigla namang naglaho sa harapan niya si Pirena, binati niya ito, "Avisala Apwe Pirena." "Avisala Danaya," wika ni Pirena pero ang totoong iniisip ni Pirena ay, "Bakit nandito pa ang isang to, bakit nandito pa ang ashtadi na Danayang to dapat na siyang mawala gaya ni Alena."
Naglakad naman si Pirena tungo sa silid ni Amihan at nagselos siya sa kanyang nakita... "Ang ganda ganda naman ng anak ko.. manang-mana ka sa akin at ng mga Ashti mo.. hahah" nagkukulitan sina Amihan at si Lira.
Nagseselos si Pirena dahil gusto niyang gawin ang mga bagay na iyon sa kanyang totoong anak ngunit nanaig pa rin ang kanyang kasakiman kaya niya ginawa ang mga bagay na ito. Wala na rin siyang ibang pagpipilian pa kaya, ipinagpatuloy pa rin niya ang pagpapanggap na si Mira ay si Lira at pumasok siya sa silid ni Amihan.
"Amihan aking kapatid, nais ko sana na makausap ka," "At ano ang pag-uusapan natin ngayon Adeya Pirena?" tanong ng mahal na Reyna. Sinagot naman siya ni Pirena, "Kung hindi mo mamarapatin, nais ko sanang hiramin sandali si Mi li lira.... Si Lira, ay nais kong ipasyal sa Adamya upang makita niya ang ganda ng dagat doon."
Pumayag naman ang Mahal na Reyna Amihan sa pag-aakalang ikabubuti ito ng kanyang anak, kaya naglaho na si Lira kasama ang kanyang totoong nanay. Hindi sila pumunta sa Adamya kundi sa nagbabagang kaharian ng Hathoria.
"Bakit mo ako dinala rito Pirena!" wika ni Mira.. sagot naman ni Pirena na may halong galit, "Huwag mo akong ma Pirena diyan bigyan mo naman ako ng galang bilang iyong Ina! " Lumapit si Hagorn pero hindi nito naggawang mahawakan si Mira dahil naglaho0 na ito pabalik sa magandang kaharian ng Lireo...
"Ashtadi!!!' sigaw ni Pirena, sa paglalaho ni Mira. Kaya sila na lamang ni Hagorn ang nag-usap.
"Hagorn, ihanda mo na ang iyong sarili at ang iyong mga kawal, gusto kong alisin si Danaya sa mundong ito at alam ko na kung papaano, gagamitin ko ang natural ko na kapangyarihan." wika ni Pirena.
"Kung ganun sa susunod na Linggo ay sasalakayin na natin ang kaharian ni Minea at kukunin na natin anglahat ng kayamanan nito maging ang Brilyante na nagbibigay ng hininga sa lahat ng nilalang dito sa Encantadia HAHAHAHA!!!" pagkasabik ni Hagorn sa magaganap na digmaan.
READERS!! NAGUSTUHAN NIYO BA? VOTE NAMAN DIYAN>>
TAPOS NA ANG EXAM NAMIN KAYA TULOY-TULOY NA ANG UPDATES!!
BINABASA MO ANG
Encantadia
FantasyIEncantadia 2016-2017 ( Credits GMA Network) "Hindi ang kayamanan o kapangyarihan ang nakakapagpaligaya ng isang nilalang kundi ang tibok at alab ng kanyang pagmamahal sa kanyang puso." to ay isang nakakamamangha na lugar kung saan makikita mo na an...