Hindi kampante si Amihan sa pagkamatay ni Minea... Kinakabahan siya dahil kailan man, ay alam na niya na pwede na siyang salakayin ni Hagorn sa Lireo kasama si Pirena, at magiging kampante lamang siya kung mabawi na nila ang brilyante ng apoy.
Malaking problema talaga ang pagkawala ng Inang Reyna Minea, ito ay naging dahilan para sa mga Hathor na maging mas matatag...
Sa Gubat ng Etheria...
"Bakit ba dito ako nilagay ng Arde nga iyon.?" Ito ang tanong na bumabagabag sa isipan ni Adhara ngayon. Hindi niya kayang maglaho, at dinala pa siya sa sira at lumang Etheria. Nakita niya si Bathalumang Ether at sinabihan siya.. "Adhara, maligayang pagbabalik, gusto mo bang sumama sa akin?".
"Hindi ako magpapaloko kailan man sa mga nilalang na kagaya mo Bruhang Ether!" sumbat ni Adhara. Agad na pinaalis ni Ether si Adhara sa kanyang nawasak na kaharian.
Nakarating si Adhara sa Lireo, nang walang kaalam- alam kung sino na ang namumuno dito, ang nalaman lamng niya ay namatay na si Minea at may anak siya na humalili sa kanya.
Hindi rin alam ni Adhara na si Haring Armeo ay matagal nang namayapa at ang brilyante ng Adamya at Sapiro ay nasa kamay na ng mga Sang'gre na anak ni Inang Minea. Hindi rin niya alam na malakas at hindi nagpapatalo ang mga Sang'gre.
Sinubukan niya na lumaban sa mga kawal, pero marami ang mga kawal ng Lireo at idagdag pa si Alira Naswen na ang mashna ng mga kawal sa Sapiro, babae man siya pero matatag ang kanyang loob at handa siya sa anumang labanan.
BINABASA MO ANG
Encantadia
FantasyIEncantadia 2016-2017 ( Credits GMA Network) "Hindi ang kayamanan o kapangyarihan ang nakakapagpaligaya ng isang nilalang kundi ang tibok at alab ng kanyang pagmamahal sa kanyang puso." to ay isang nakakamamangha na lugar kung saan makikita mo na an...