Pinagawan ni Amihan si Lira ng isang silid at pinababantayan niya siya kay Ades dahil natitiyak niya na ligtas ang kanyang anak kung si Ades ang nagaalaga habang siya ay may ginagawa o gagampanan pa niya ang kanyang tungkulin bilang Reyna. Sinisiguro naman ni Ades na mayroon silang proteksiyon kaya may sampung kawal na nakabantay sa labas ng silid ni Lira.
Dumating na ang araw na nakatakda upang manganak na si Sang'gre Pirena sa kanyang magiging anak. Nagalala si Amihan kay Pirena, "Aking kapatid, hindi ba darating dito ang ama ng iyong magiging anak?'' Nagsinungaling na naman si Pirena at sinabing, "Namatay na siya sa isang digmaan at kakayanin ko naman ito Amihan."
Naisilang na ni Pirena ang kanyang anak na si Mira at pinadali niya si Gurna na dalhin ang kanyang anak sa Hathoria, "Gurna!!! Dalhin mo siya sa Hathoria, doon mo siya itago mula kay Amihan ang anak ko dahil gagamitin ko siya laban sa kanyang anak. Darating ako ngayong gabi, at sasabihin ko na lamang kay Amihan na patay na ang aking anak.
Lumabas si Pirena sa kanyang silid at hindi alam ni Amihan at Danaya na naghihintay sa labas upang makita ang kanilang Hadiya. Walang kaalam alam sina Danaya, na dugo ng isang pashneya, ang inilagay niya sa isang tela, at sinabing hindi nabuo ang kanyang anak.. (fetus thingy..)
Nagdrama na naman si Pirena at sinabing, "Bakit hindi ako biniyayaan ni Emre ng isang anak, nagsisi naman ako sa aking mga kasalanan." Niyakap ni Amihan si Pirena at sumali si Danaya. Nalungkot ang buong Lireo sa sinabi ni Pirena na, pumanaw na "daw" ang kaniyang anak na si Mira.
Alam na alam kasi ng dalawa niyang tapat na kapatid kung gaano kasakit na mawala ang minamahal mo sa buhay gaya ng pagkawala ni Inang Minea at ang sinasabi ni Pirena na wala na ang Pangatlong Sang'gre na si Sang'gre Alena.
Tuloy- tuloy na ang pagsisinungaling ni Pirena, at ngayon may pinaplano naman siyang gawin sa anak ni Amihan na si Sang'gre Lira. Si Gurna lamang ang nakakaalam sa binabalak ni Pirena at ngayon, naghahanap na siya ng irarason upang makaalis siya ng Lireo at makapunta na siya sa nagbabagang kaharian ng Hathoria.
Sa Hathoria, doon naghihintay ang munting si Mira na kawawang sanggol sapagkat kinilala na siya ng kanyang Ina at ng kanyang mga ashti na siya ay pumanaw na. Tuwang tuwa naman si Hagorn sa pagkakita niya sa kanyang apo. Nalaman ito ni Gurna at itinago niya muna ang sikreto na si Pirena ay ang anak ni Hagorn kay Minea.
Samantalang, naghapunan na ang tatlong Sang'gre at nagwika si Amihan, "Pirena, huwag ka nang malungkot alam ko na masakit para sa iyo na mawalan ng anak at isa pa, ngayon ko lang din nalaman na pumanaw na ang ama ng iyong anak dahil sa isang digmaan."
Nagkunwari namang malungkot si Pirena at sinabi niyang, "Amihan, wala ka nang dapat aalahanin pa, dahil sapat na sa akin na kasama ko kayo ni Danaya, at sana mamayapa na ang dalawang mahal ko sa buhay at makapunta na sila sa Devas.
Ang totoo naman, wala nang dapat ikalungkot pa si Pirena, dahil buhay a buhay ang kanyang anak. Idagdag mo pa ang nangyari sa isang kawal na pinaslang niya na itinakda ni Arde na mging ama ng kanilang anak. Dapat lang din na mapunta ang kawawang kaluluwa ng kawal na pinaslang ni Pirena.
Umalis muna si Pirena at nagpaalam siya kay Amihan at Danaya, "Gusto ko munang magpahangin sa labas..." "Gusto mo bang ipasama ko sa iyo ang dalawa o tatlo sa ating mga kawal? O mas gusto mong makasama kami ni Danaya sa iyong pagpapahangin?" alok ni Amihan.
Nagalanganin na si Pirena at sinabing, "Mas gusto ko munang maging mag-isa Amihan, gustuhin ko man na makasama kayo ni Danaya, pero gusto ko munang makalimutan ang masamang nangyari sa aking anak.'' "Magingat ka Pirena.'' pagpapaalam ni Danaya.
Nakarating na nga si Pirena sa kaharian ng Hathoria... agad niyang kinuha ang kanyang anak at muli niya itong nilapit kay Hagorn upang mabigyan ng basbas. Isinalaysaay na rin ni Pirena na wala pang nakakaaalam sa mga kapatid niya na buhay si Mira.
Kinuha ni Hagorn ang kanyang apo at binasbasan ito. "Sana makipagtulungan ka sa iyong Ina na makuha mo ang kaharian na dapat maging sa iyo, ang kaharian ni Minea na dapat mong maangkin at sana maging mainit ang iyong damdamin gaya ng nagliliyab na apoy.''
'
"Kukunin ko muna ang aking anak at may gagawin ako sa kanya upang makasiguro ako na hindi siya makukuha ni Amihan, at nang makasiguro din ako na si Mira ang magmamana sa lahat ng kayamanan ng Lireo! HAHAHAH!" Hindi alam ni Hagorn kung ano ang pinaplano ni Pirena pero sinangayunan niya ito at ibinigay sa kanya ang susi sa puno ng Asnamon.
Nagbalik si Pirena sa Lireo at naglaho siya sa silid ni sang'gre Lira pero agad naman siyang naglaho dahil nakita niya si Ades na nagbabantay kay Lira at inaalagaan ito. Ayaw niya na masira ang kanyang plano at inutos niya kay Gurna na pumasok na sa eksena at iligaw si Ades.
"Ades maari mo bang ibigay ito sa isang kawal na nagngangalang Muros?'' "Bakit hindi ikaw ang magbigay niyang Gurna, may ginagawa pa kasi ako, binabantayan ko pa ang anak ni Amihan. " wika ni Ades.
Naglungkutlungkutan naman si Gurna at nakonsensiya si Ades at sinabing, "bantayan mo muna ang anak ni Amihan ha... siguraduhin mo na ligtas siya at ibibigay ko pa ang bagay na ito kay Muros. Kapag may nangyaring masama kay Sang'gre Lira mananagot ka sa akin Gurna."
"Oo naman Ades, sisiguraduhin ko na ligtas ang anak ng Mahal na Reyna at babantayan ko siya ng maigi habang ikaw ay wala pa." wika ni Gurna.
Agad namang naglaho pabalik sa loob ng silid ni Lira si Pirena at dala dala niya ang kaniyang anak. Lumapit siya kay Lira at sinisimulan na niyang gawin ang kaniyang binabalak sa Sang'gre.
Dear Readers! Nakaka excite right? Sana nagustuhan niyo at baka bukas ko pa mai-update ang susunod na chapter.. busy sa klase... PLS VOTE AND COMMENT KUNG ANO ANG nadarama niyo kay Pirena
BINABASA MO ANG
Encantadia
FantasyIEncantadia 2016-2017 ( Credits GMA Network) "Hindi ang kayamanan o kapangyarihan ang nakakapagpaligaya ng isang nilalang kundi ang tibok at alab ng kanyang pagmamahal sa kanyang puso." to ay isang nakakamamangha na lugar kung saan makikita mo na an...