Chapter 33

370 21 4
                                    

101 in Fantasy !!! Thank You sa Lahat ng Comments at votes at sa support ninyo!!! Salamat talaga!



Napagpasyahan na nina Amihan at ng buong kunseho ang paglilitis kay Sang'gre Danaya. Pinatawag na siya at pinapunta muli siya sa punong bulwagan at doon sila nag-usap.


Binasa na ni Aquil ang pagpapasya...

"Sang'gre Danaya, ikaw ay nagkasala sa pagpatay ng diwata na kakampi natin at sa pagnakaw sa minahan dito sa Lireo.  Ang nakatakdang parusa rito ay kamatayan, pero sa halip na paslangin ka, ay kukunan ka na lamang ng karapatan bilang isang Sang'gre at ipapatapon ka sa mundo ng mga tao hanggang sa nakatakdang oras."


Napaiyak ng husto si Danaya at pilit pa rin niyang ipninaglalaban ang kanyang sarili, "Wala akong kasalanan! Mga Ashtadi! (pasaway)... ganun na lamang ang paniniwala niya sa kanyang sarili dahil alam niya na wala siyang kasalanan at may kutob siya na si Pirena ang may kagagagawan nito.


Kaya hinuli na si Danaya ng unang pangkat ng mga kawal pero, nanglaban siya... inilabas niya ang kanyang Brilyante at yumanig ang Lireo sa ginawa niya. Galit na galit ang kanyang mukha at naaawa si Amihan sa kanya. Napigilan naman ni Amihan at Pirena ang pagwawala ni Danaya.


Hinuli na siya ng iba pang mga kawal at wala na siyang laban pa dahil ginamit na rin ni Pirena at Amihan ang kanilang mga makapangyarihang Brilyante.  Sinunod na lamang ni Sang'gre Danaya ang pasya nila kahit na wala siyang sala.


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Tumingin din sa kanya si Aquil na may halong awa at kaba sa anumang mangyayari kay Danaya sa mundo ng mga tao. Naniniwala siya kay Danaya na wala siyang ginawa, pero may sapat kasi na ebidensiya. Hindi nila alam na kagagawan ito ng ashtadi na si Pirena.


Naglakbay ang Reyna Amihan kasama na si Sang'ge Pirena upang ihatid si Danaya sa puno ng Asnamon, ang lagusan... Inilabas ni Pirena ang susi na ipinagkatiwala ni Amihan sa kanya at ginamit niya ito upang buksan ang puno ng asnamon at itinulak ng mga kawal si Danaya at nakarating na siya sa ibang mundo.


Naglaho si Amihan dahil ayaw na niyang makita pa at maalala ang nangyari kay Danaya... umalis na rin ang mga kawal at may ibinulong si Aquil habang papa-alis siya.. "Magkikita pa rin tayo mahal kong Sang'gre Danaya."


Tuwang tuwa na ngayon ang mga traydor na si Gurna at Pirena parang gusto nilang magdiwang dahil sa wakas, wala nang magiging sagabal sa kanya upang salakayin ang Lireo. Wala na si Alena at si Danaya, ngunit hindi nakuha ni Pirena ang brilyante ni Danaya, hahanapin lamang niya iyon pagkatapos niyang salakayin ang Lireo.


Nagpaplano na ngayon si Hagorn at si Pirena sa pagsalakay nila sa Lireo, gagawin nila ito bukas magkikita sila sa gubat ng Hathoria at nakahanda na rin doon ang mga bagong pasabog mga sandata at mga armas. Natuwa riin ang sakim na si Hagorn sa balitang, pinarusahan na ang bunsong anak ni Minea kay Enuo.


Habang doon naman sa mundo ng mga tao...


Iyak ng iyak si Danaya at tinitingnan pa rin niya ang puno ng lagusan, bawat segundo ay iniisip niya ang pagbukas nito. Nanghihina rin siya,... ilang saglit pa ay naglakad siya at nakita niya na iba ang tingin ng mga tao sa kanya.


Sa paglalakad niya narinig niya ang mga salitang, "Nababaliw na ba siya.", "Bakit ganyan ang kasuotan niya?"... "Wala namang piyesta rito ah." "Baliw!"... Tuloy pa rin ang lakad ni Danaya at hindi niya dinibdib o kahit man lang pinakinggan ang mga salitang iyon. Iniisip pa rin niya ang parusa na iginawad ng kanyang kapatid na Reyna sa kanya.

 Iniisip pa rin niya ang parusa na iginawad ng kanyang kapatid na Reyna sa kanya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Ibinulong niya sa hangin ang kanyang mga hinanakit, "Amihan, bakit ka nagpa-uto sa Pirena na yun.. ano ba ang ginawa ko upang gawaran mo ako ng ganitong parusa? Alam mo naman na may kapangyarihan si Pirena na manggaya o mag-iba ng anyo.." sa bawat lugar na kanyang dinaanan nakakita siya ng lugar na puno ng damo at doon siya natulog..


Hindi niya inisip ang kati ng damo, ang ingay ng paligid at ang dumi ng hangin na sa tuwing humihinga siya, nalalanghap niya ang baho ng basura sa kanyang paligid. Naghintay din siya ng panahon na walang makakita sa kanya at inilabas niya ang kanyang Brilyante.. "Aking Brilyante, gabayan mo ako sa mundong ito.., sana ay magtagal pa ang aking buhay."


At natulog na si Danaya..


Sa Lireo naman..

"Mira maghanda ka at lulusubin ko na ang Lireo bukas." wika ni Pirena sa kanyang anak. "Hindi ko na kaya ito Ina! Subukan mo na ipagpatuloy ito at isusumbong kita kay Reyna Amihan, isa kang traydor! Akala mo ba na hindi ko alam na ikaw ang may pakana ng parusa ni Ina kay Ashti Danaya!" sumbat ni Mira.


Kinabahan si Pirena na baka may makarinig sa kanyang anak at tinakot niya ito, "Para ito sa kabutihan mo at manahimik ka na lamang isa kang Ashtadi!!" Naglaho si Mira at inutusan ni Pirena si Gurna na sundan siya at siguraduhin na hindi malalaman ni Amihan na susugudin niya ang Lireo bukas..







HI GUYS!!! THANK YOU talaga!!! Comment naman kayo diyan... Avisala EShma



EncantadiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon