Chapter 10

813 27 0
                                    


POV ni Minea


Ang paglaki ng aking mga anak ay isang napakahalagang bagay. Ang mga ito ay may kaugnayan sa kasaysayan at ang hinaharap ng Encantadia. Alam ko na sa Darating na panahon ay, may hahalili sa akin na isang magaling at mabuting pinuno.


Ngayon, kakausapin ko muna si Pinunong Imaw sa usaping ito. Alam ko na matagal nang naninirahan si Imaw dito kaya alam niya na ang mga bagay na dapat gawin tungkol sa Encantadia. May tungkod din siyang tinatawag na Balitataw kung saan nakikita ang naganap na pangyayari o ang nangyari sa nakaraan, pero hindi sa lahat ng panahon niya ito ginagamit para matuto kami sa mga pangyayari.


Dito sa Encantadia, ang  tadhana ay hindi mo masasabi o mahuhula kasi, minsan gumagawa ng paraan ang mga Bathala upang sirain, o pagandahin ito. Minsan rin nasusukat rin ang tadhana mo kung gaano ka katatag sa pagharap ng iyong mga problema.


Ang katotohanan, ang tadhana mo ay hindi pag-aari ninuman, ito ay nasa kapalaran mo at ito ay susunod kung ano ang gusto mong mangyari sa buhay. Ito ay hindi nananakaw ngunit kung ikaw naman ay mahina sa pagtitiwala, mawawala ito sa iyo.



Pag-uusap nina Imaw at Reyna Minea...


"Pinunong Imaw, ang panahon ay dumating na upang mamili ako ng Sang'gre na hahalili sa akin at tatawaging Reyna ng Lireo." pag-aalalang sabi ni Minea. "Mahal na Reyna, mamaya dapat mong itipon ang iyong mga anak at sabihan mo sila tungkol dito.. para hindi sila mabigla." sabi ni Imaw.


"Alam ko po iyon, pero mas madali sana kung ang pipiliin ko na lang ay si Pirena dahil siya ang pinakamatanda sa lahat at siya ang mas may matagal na karanasan dito. Si Pirena din ang may angking kakayahan sa kanila at hindi siya nagapapatalo... Subalit hindi ako panatag sa dugong dumadaloy sa kanya." (may dugong Hathor kasi si Pirena)


Hindi alam nina Imaw at Minea na narinig pala ni Pirena ang kanilang pinag-uusapan kaya naman umiyak si Pirena at  pumunta siya sa silid niya kasama si Gurna.



POV ni Pirena


Masaya ako noon sa pagaakalang magiging patas ang aking Ina sa akin.. "Tama ka Gurna ayaw niya akong maging Reyna sapagkat mas minahal niya sina Amihan, Alena at Danaya na alam naman ng lahat na mas malakas ako sa kanila at wala silang maitatapat sa akin."


Ang mga ganitong bagay ay hindi ko dapat  palampasin, pero narinig ko din na wala pa namang napili si Ina sa kanilang tatlo at sigurado ako na magpapatawag siya ng salu-salo mamayang gabi. Dapat akong maghanda at maging matatag sa aking sarili upang ako ang mapili ni Inang Reyna.


Hindi ko maiwasan na magalit dahil sinabi ng Ina ko iyon...


Mga pashneya talaga ang mga kapatid ko..!! Hindi ako magpapatalo at magpapalamang sa kanila kahit na magkampihan pa sila ng Ina ko. Hindi ako matutuwa kung sila ang pipiliin niya kasi, wala silang naggawang mahalaga! Yang Amihan na yan ang palaging pumupunta sa isipan ko.


Si Amihan ay walang kakayahang pumaslang ng isang nilalang dahil maawain siya hindi gaya ko na handa akong ipagtanggol ang aking sarili laban sa mga nilalang na gustong manakit sa akin. Pero, may kakayahang lumipad at maging mabilis si Amihan... na wala ako.,


Si Alena naman  ay may boses na nakakaagaw pansin at nakakabighani... pero kapag nagagalit siya kaya niyang gamitin ang kaniyang tinig bilang panlaban niya, dahil kaya nitong wasakin ang tenga mo maging ang mga bato ay kaya nitong wasakin.


At ang bunso naming si Danaya, ay may kakayahang mag-anyo pashneya. Pero sutil naman yang Danaya na yan! Noon pa man ay siya yung iyakin naming lahat. Pero ngayon, tila nagbago na ang kaniyang ugali at mas naging seryoso siya. Palagi kaming nag-aaway ni Danaya noon pa man.



Pinatawag na ni Minea ang kaniyang mga anak sa silid kung saan magtitipon tipon sila upang ipaliwanag ni Minea kung ano ang mangyayari.


Pag-uusap ng mag-ina sa silid kainan...


"Umupo kayo mga anak ko.." yaya ni Minea sa apat na Sang'gre. "Nabalitaan ko mula kay Aquil na kayo ay maruno nang gumamit ng sandata at handa nang ipaglaban ang inyong mga sarili. pero.... sinabi din sa akin ng Heneral ng mga kawal na minsan.,, sumasakit daw ang ulo niya dahil sa paglalaho niyo ng hindi nagpapa-alam.'' wika ni Minea. Tumawa ang mga Sang'gre at hindi nila naisip na pasakit na pala sila ng ulo..


Dumating ang mga mahiwagang paru-paro na nagsisilbing palatandaan na ang isang kaharian ay nangangailangan na ng bagong Reyna at kailangan na ni Minea na pumili ng bago niyang tagapagmana at ang Sang'gre na susuot sa korona niya...


Ang Reyna rin ay magkakaroon ng brilyante upang ito ay mapangalagaan niya... Naging interesado naman si Pirena dahil kapangyarihan ang pinag-uusapan kasi, isa siyang tuso na Sang'gre na hindi marunong makontento.


"Sino po ba ang napili niyong maging Reyna Ina?" tanong ni Amihan. Sumagot naman si Minea na "Wala pa akong napipili sa iyong apat anak, titingnan ko muna ang kakayahan niyo sa paglaban at maging ang lakas ng inyong kapangyarihan."


Agad namang tumayo si Pirena at nagsabing, "Bilang pinakamatanda sa lahat ng Sang'gre Ina, at bilang una niyong anak... gaya ng tradisyon ng ibang kaharian wala nang ibang dapat humalili sa inyo kundi ako... " Hindi sumang-ayon si Danaya at tumayo din siya at hinarap niya si Pirena at pinarinig niya na... "Ako ay ang bunso dito pero kaya ko ring pamunuan ang isang kaharian Ina."


Hindi pinansin ni Alena at Amihan ang dalawa at tumawa si Pirena kay Danaya at sinabing, "Pwes... titingnan na lang natin.. dahil sa nakikita ko, puro ka lamang salita, madadaan ba yan sa gawa?" Sinigawan din ni Danaya si Pirena,"Minamaliit mo ba ang kakayahan ko!" Ngumiti si Pirena at unti unti siyang lumapit kay Danaya. "Kahit kailan Danaya, hindi ko inisip na magiging karibal kita, sapagkat mahina ka lamang."



Muntik nang tamaan si Pirena kay Danaya at sinabi ni Minea na "Sheda!! (tigil) Hindi niyo makukuha ang ninanais niyo sa ganitong paraan." Tanong naman ni Amihan, "sa ano po bang paraan ina?" Tumayo si Minea at sinabing ." Bukas, bago pa man dumating ang dilim, magkakaroon kayo ng isang pagsubok!"


Unti-unting lumakad si Minea papalabas ng silid at hindi siya natuwa sa ugaling ipinakita ni Pirena kay Danaya, naawa din siya kay Danaya dahil... sa mga matatalim na salitang binitiwan ni Pirena laban sa kanya.


Naisip ni Minea na ito na nga ang sinasabi niyang kinakatakutang mangyayari na magiging masama at sakim si Pirena gaya ng kanyang ama na si Hagorn.


majesca hcnivnajking  and



EncantadiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon