Kay bilis naman ng panahon... naglalaro na si Milagros ng papel na bangka... nang biglang!!
Pumanaw na ang ama-amahan ni Milagros na si Dado. Siya ang itinuturong dahilan ng kanyang tiyuhin dahil muntik nang malaglag si Milagros sa tulay pero sinagip siya ni Dado at nadulas ito. Nung kinuha na ang katawan ni Dado sa ilog. ... nagalit ang ina-inahan ni Milagros, "Ikaw ang dahilan ng lahat ng to! Pasaway ka!".
Doon sa mundo ng mga tao, kung saan malayo siya sa kanyang totoong Ina. Dito naman sa mundo na puno ng hiwaga, kung saan malapit siya sa kanyang totoong Ina ngunit ayaw siya na kilalanin nito..
Mapait para sa mga batang Sang'gre ang pinagdadaanan nila. Kahit... ganun pa man, lumaki ang dalawang Lira sa mundo ng mga tao na si Milagros at sa Encantadia na si Mira.
Ilang taon na ang lumipas, hindi pa rin nagbabago ang adhikain ni Milagros na makauwi na sa kanyang totoong tirahan at makita ang kanyang ina. Nalulungkot pa rin siya dahil nakikita niya na hindi na gaanong masigla ang kanyang ina-inahan at sinisisi niya ang kanyang sarili dito.
Lumapit naman si Amanda sa kanya... "Anak huwag mo nang isipin ang pagkamatay ng tatay Dado mo, ilang taon na yun, kalimutan na natin iyon. Ayaw ng tatay mo na maging malungkot tayo, kaya anak... patawad sa pagsisisi ko sa iyo noon. Wala kang kasalanan doon anak, mahal na mahal kita."
Mabuti naman at naging maluwag na ang loob ni Mila... palayaw niya. Sana naman pati ang tiyuhin niya ay mapatawad na siya. Ang tiyuhin kasi niya na si Berto ay parang kung sino. Puro lang lasing at minsan sinasaktan pa si Mila.
Tuwing nakikita naman ni Muyak ang mga ginagawa ni Berto sa kanyang pamangkin, para na rin siyang nasasaktan at kahit ipaglaban man lamang niya si Lira ay hindi niyakayang gawin. Wala siyang sapat na lakas, wala siyang kapangyarihan na gaya ng mga Apat na Sang'gre sa Encantadia.
Ngunit... tila nakakalimutan ni Muyak na may kapangyarihan si Milagros. Lahat ng Sang'gre sa Encantadia tulad ni Amihan, Danaya, Alena, at Pirena ay may kapangyarihan na likas sa kanila. Hindi pa nalalaman ni Milagros ang kanyang likas na kapangyarihan.
May isa pa namang kapangyarihan ni Milagros na pwede niyang gamitin at ito ay ang Ivictus o ang kapangyarihan niyang maglaho. Magagamit niya ito sa pagtakas at sa mabilisang transportasyon. Sinubukan nila Milagros at Muyak ito sa lugar kung saan walang tao, dahil ayaw nila na may makakita kay Muyak o sa Ivictus ni Lira.
"Ngayon Milagros, subukan mong isipin na pupunta ka sa kahoy na iyon na hindilumalakad.." hindi na nakatapos pa si Muyak sa kanyang sinasabi, at nakarating na si Milagros malapit sa puno ng saging. Namangha si Muyak dahil ang dali, daling matuto ni Milagros.
"Muyak, tama ba yung ginawa ko..WOw naman ha para yung teleportation!! whoHohoho!!" sigaw ni Lira kay Muyak. "Magaling yung ginawa mo Milagros, isa ka ngang magaling na Sang'gre na anak ng makapangyarihang Reyna... pero hindi ko maintindihan ang sinasabi mong Te..Tele.." wika ni Muyak. "hahahaha" tumawa silang dalawa.
Tama ang narinig niyo, si Milagros ay natututo na sa wikang Ingles sa mundo ng mga tao. May nalalaman na rin siya na "LOl, IDK at IKR." Sa kabila ng pagkatuto niya sa wikang Ingles, tinuturuan pa rin siya ni Muyak na magsalita ng Enchanta o wika ng Encantadia.
"Hali ka Muyak!! Humawak ka sa akin..." wika ni Milagros at naglaho sila tungo sa puno ng lagusan sa likod ng simbahan nila. "Bakit hindi ako makapaglaho sa Encantadia Muyak? Bakit ayaw gumana ng Ivictus ko papunta sa Encantadia?'' kawawang tanong ni Milagros.
"Lira, iba kasing dimensyon ang mundo ng Encantadia at tanging ang lagusan lamang ang paraan upang makabalik tayo doon" paliwanag ni Muyak at naglaho sila pabalik sa kaniyang kwarto.
Sa Encantadia Naman....
Lumaki na rin ang naging anak-anakan ng Reyna Amihan.,.. Palagi namang nilalason ni Gurna at Pirena ang isipan ng kanyang anak upang maging masama ito at sundin nito ang lahat ng i-utos niya.
Palaging may sinasabi si Pirena sa kanyang sariling anak, sa tuwing aalis si Amihan at Danaya upang gawin ang kanilang mga tungkulin.. ito rin ang panahon ng paglalason ni Pirena sa utak ng kanyang sariling anak.(BRAIN WASH) kumbaga. Nakikinig lamang ang kawawang si Mira at pinalalabas lamang niya sa kanyang kabilang tenga ang mga winiwika ni Pirena. Tuloy pa rin ang pagpapanggap niya bilang si Lira.
Napapansin na rin ni Pirena na habang lumalaki ang kanyang anak, tumitigas ng ulo nito. Sa kabutihang palad, matigas ang ulo ni Mira sa kanyang totoong ina lamang at hindi sa kanyang ina-inahan na si Amihan maging sa kanyang ashti Danaya
Hindi na talaga ibig ni Mira ang pinapagawa ng kanyang tuso at taksil na Ina.
Palagi na ring sumasama si Mira kay Amihan o di kaya ay palagi itong nagpapasama kay Ades. Ito ay dahil ayaw niya na palagi siyang nilalason ng kanyang Ina. Ayaw din niya na palaging makausap ang kanyang totoong ina dahil ang palaging sinasabi lang nito sa kanya ay, "Mira dapat makuha mo ang korona ni Amihan."
THANK YOU SO MUCH!!! COmments are treasured and your VOTES are my Inspirations!! AVISALA ESHMA SA INYONG LAHAT sana magustuhan din niyo ang pinapublish ko pang storya na CALDIA UNIVERSITY...
BINABASA MO ANG
Encantadia
FantasyIEncantadia 2016-2017 ( Credits GMA Network) "Hindi ang kayamanan o kapangyarihan ang nakakapagpaligaya ng isang nilalang kundi ang tibok at alab ng kanyang pagmamahal sa kanyang puso." to ay isang nakakamamangha na lugar kung saan makikita mo na an...