Thank You Talaga sa Support niyo!!!:)
Nag-aalala na ang mga kasama ng Mahal na Reyna maging ang kanilang Mashna na si Aquil ay nag-aalala na rin, hindi na niya ustong maghintay pa dahil alam niya na mapanganib sa Lireo ngayon, at kakaunti lamang ang kawal na natitira doon...
Bigla ring napaisip si Aquil kung ano na ang nangyari kay Sang'gre Danaya sa mundo ng mga tao.
Nagkita na ang mahal na Reyna at ang mga kasama niya sa bundok, akala ni Amihan na itatanong nila kung ano na ang nangyari sa palasyo pero nagulat siya nung itinanong ni Prinsipe Ybrahim, "Hindi kaba nasaktan Amihan?''
Ngumiti naman si Amihan pero ibinalita niya sa lahat, "Nakuha na nina Pirena at Hagorn ang Lireo... wala na tayong magagawa kundi magtago muna dito, kailangan nating mag-ingat dahil may kapangyarihan si Hagorn at nakilala ko na rin si Mira... siya ang naging anak-anakan ko, dahil maging ang sariling anak ni Pirena ay ginamit niya, teka lang nasaan ba si Mira?"
"Hahanapin namin ang iyong Hadeya Amihan" wika ni Muros. "Sino yang batang kasama mo Mahal na Reyna?" tanong ni Alira. "Siya ang nagligtas sa aking buhay siya ay kabilang sa pag-asa nating mabawi ang Lireo, siya ay mula sa mundo ng mga tao ang pangalan niya ay Paopao."
Pinakain ng mga dama si Paopao at natulog na ito sa isang maliit na kama. Naintindihan ni Amihan kung bakit ganun na lamang kapagod si Paopao, isa lamang siyang bata mula sa mundo ng mga tao at hindi pa siya sanay sa digmaan.
Umalis rin si Amihan at nagtungo siya sa Lireo, mabuti na lamag at wala si Hagorn pero nakita niya ang kanyang traydor na kapatid na masayang masaya na nakaupo sa trono, hinihimas niya ang upuan at damang-dama niya ang pagkapanalo.
Habang ang mga binihag naman nilang mga dama ay inutusan ni Pirena, "Hindi ko naibigan na kulay asul pa rin ang upuan ko, lahat ng kulay asul dito ay palitan niyo ng pula, susugin niyo rin ang lahat ng kagamitan ni Amihan dito!"
Nagalit si Amihan pero hindi pa ito ang panahon upang labanan niya si Pirena kailangan muna niyang hanapin si Ades at si Mira... Bigla niyang naisip, nagkasala sa kanya si Mira noon, nung hindi siya nagpaalam at pumunta siya sa mundo ng mga tao.
Nalaman rin ni Amihan mula kay Mira na may pinupusuan siya doon. Nasubukan na rin ni Mira na makatulog sa bahay ng tao doon at wala namang masamang nangyari sa kanya dahil mabuti ang lalaking napupusuan ni Mira.
Kaya naglaho muli si Amihan tungo sa puno ng Asnamon at nakita niya nga si Mira, "Mira, aalis ka ba anak?..." "Ina... Ashti, nakita kong nakabukas ang lagusan pero hindi ko alam kung bakit.. magpapa-alam muna ako, doon muna ako sa mundo ng mga tao."
"Babalik ka rito kapag nabawi ko na ang Lireo., at kapag nahanap mo rin ang iyong Ashti Danaya pabalikin mo siya rito." niyakap ni Amihan si Mira. Umiyak si Amihan dahil labag sa kanyang kalooban ang pag-alis ng kanyang anak-anakan.
Kahit masakot man, mas pinili ni Amihan na gawin ito dahil doon sa mundo ng mga tao, alam na ni Mira kung saan niya matatagpuan ang kanyang kaibigan at sigurado siya na mas ligtas doon kaysa sa Encantadia. Nung bata pa din si Amihan doon din siya nanirahan sa mundo ng mga tao at nasubukan na niya ang mga bagay doon na wala dito sa Encantadia.
Habang sa mundo naman ng mga tao...
Nagising na si Danaya, napadpad siya sa isang bahay kasama ang dalawang lalaki na parang mas nakakatanda pa sa kanya, binuksan niya ang kanyang mga palad, pero naalala niya na wala na pala sa kanya ang kaniyang Brilyante, at naalala niya na sila ang tumulong sa kanya laban kay Hagorn.,
"Magandang umaga Sang'gre Danaya!" masayang pagbati ng isang lalaki. "Ma-ma magandang umaga, paano mo nalaman ang pangalan ko?". "Galing kami sa Encantadia gaya mo, pero naninirahan na kami dito sa mundo ng mga tao matagal na ang nakalipas." paliwanag ng isang lalaki at lumapit ito sa kanya.
Hindi maipaliwanag ni Danaya kung bakit pero kampante siya sa dalawang iyon kahit na wala sa kanya ang Brilyante ng Lupa na nagbibigay ng Proteksyon sa kanya. "Huwag kayong mag-alala sa oras na makuha ko ang aking Brilyante, babalik ako dito at bibigyan ko kayo ng gantimpala."
Tinapik ng lalaking may kataasan ang buhok ang likod ni Danaya, "Hindi mo na kailangan pang bayaran kami, sabihin mo lamang ang pangangailangan mo at nakahanda kaming ag-lingkuran ka." "Maraming salamat sa inyo!" pasasalamat ni Danaya.
Matapos kumain ni Danaya, nagpaalam siya na umalis muna at hindi pa siya nakakasiguro kung kailan siya makakabalik.
Habang si Mira naman ay nahanap niya si Anthony at natuwa si Anthony sa pagbabalik ni Mira! Doon na muna maninirahan si Mira dahil alam niya na aalagaan siya ni Anthony at hindi pa niya nasasabi sa kanya na may pagtingin siya sa binata.
Thank You! Mga silent Readers, comment naman kayo... :)
BINABASA MO ANG
Encantadia
FantasyIEncantadia 2016-2017 ( Credits GMA Network) "Hindi ang kayamanan o kapangyarihan ang nakakapagpaligaya ng isang nilalang kundi ang tibok at alab ng kanyang pagmamahal sa kanyang puso." to ay isang nakakamamangha na lugar kung saan makikita mo na an...