Chapter 6

992 27 0
                                    


Makalipas ang ilang taon... nagkaroon ng dalawang bagong anak si MInea at ito ay sina Sang'gre Alena at Danaya. Silang dalawa ay pareho ng ama. Ang ama nila ay si Enuo na ngayon, ay hindi pa nila nakikita mula nung, tinulungan niya sina Minea at Raquim sa paghahanap kay Amihan.


Nagalit din naman ng husto si Pirena sa dalawa. Sinabihan ni Minea ang tatlo na may kapatid pa sila na ika-lawa sa mga  Sang'gre at nagngangalan siyang Amihan. Nasasabik na si Alena at Dayana na makita ang kapatid nila...subalit tumawa lamang si Pirena sapagkat wala siyang interes na makita pa muli si Amihan.


Naging mabuting anak sina Alena at Dayana kay Minea. Habang si Pirena naman ay palaging naghahanap ng gulo kay Danaya. Si Dayana kasi ay medyo may pagka-sutil pero hindi niya ninanais na maging reyna, sapgkat gusto lamang niyang maging simple ang pamumuhay nila.


Si Alena naman, ay kinagigiliwan ni Muyak. Isang lambana si Muyak na naging kaibigan ni Alena. Ang mga lambana ay galing sa Adamya. Mahalaga kasi ang ginagawa ni Alena sapagkat, pinipigilan niya ang pag-aaway ng dalawa.


Sa kabilang palad.... nawawala na ang susi ng lagusan at napasakamay na ito ng mga Hathor hindi alam ni Minea ang ginawang pagnanakaw ni Gurna sa kanya. Si Ades naman, ay palaging binabantayan ang tatlo upang magkaisa.


Naging sakim naman si Hagorn at natutuwa siya sapagkat, nakuha na niya ang susi ng lagusan. Ikinagagalak niya dahil ginawa ng mabuti ni Gurna ang kaniyang misyon. Ngayon, nagpaplano na si Hagorn na sugurin si San'gre Amihan at si Raquim sa mundo ng mga tao.


Nalaman na ni Hagorn na hindi pareho ang mundo ng mga tao sa Hathoria dahil, wala itong mga sagisag o kahit anumang palatandaan na mababasa niya. Hindi rin marunong gumamit ng wikang pantao si Hagorn at alam niya na walang tutulong na tao sa kanya dahil pandidirian o kakatakutan lamang siya doon.


Hindi muna, inisip ni Minea ang susi. Mas inisip niya ang pagpapalaki niya sa tatlong maharlikang diwani.  Hindi niya rin binaliwala ang pangako niya kay Cassiopeia na pangalagaan ang apat na brilyante ng kalikasan sa Encantadia, na bigay ng bathalang Emre.



Sa mundo ng mga tao... 


"Napakahirap pala mamuhay dito sa mundo ng mga tao." bulong ni Raquim


Ilang taon ang lumipas at patuloy pa rin ang pakikipagsapalaran nina Amihan sa mundo ng mga tao. Natutunan rin ni Amihan ang mga salitang galing dun at ang mga bagay dun. Nag-iba na rin ng pandamit sina Raquim at Amihan.


May nakilala rin silang mabait na taga mundo ng mga tao. Nanirahan sila Amihan sa isang maliit na kubo. Nagtatrabaho na rin si Raquim doon upang magkaroon sila ng pagkain ni Amihan. Sa kabila ng mga pagbabago hindi pa rin kinalimutan ni Raquim si Minea at ang Encantadia, sinalaysay niya kay Amihan ang lahat nang iyon pati na ang mga naganap doon.


Hindi pa naniniwala si Amihan sa kanyang tatay. Nalulungkot si Amihan sapagkat nag-iisa lamang siya dahil ang mga bata doon ay pumapasok sa paaralan. Naging mabuti naman si Amihan sa kanyang pagsasanay kasama ang kaniyang ama.


Gumagamit pa ng sandata na kahoy si Amihan at hindi pa niya alam ang kanyang kapangyarihan. Ginampanan naman ni Raquim ang kaniyang tungkulin. Naging malakas naman si Amihan at inisip ni Raquim na magiging matatag na Reyna siya ng Sapiro.



Isang araw, ginamit ni Minea ang mga alaga niyang ibon upang pangalagaan si Amihan laban sa mga masasamang tao sa mundo na baliktad ng Encantadia. Mis na mis na kasi ni Minea si Amihan at naghahanap na siya ng paraan para mahanap sila sa mundo ng mga tao.


Inutusan ni Raquim si Amihan na bumili ng tinapay, narinig ni Amihan na may dalawang babaeng nagbubulong at pinaguusapan siya,... "Alam mo... iba talaga ang tatay ni Amihan, hindi siya pinapag-aral at hindi pa niya alam ang mga tao dito." sabi ng isa.
Hindi pinansin ni Amihan ang dalawa at nagpatuloy siya sa paglalakad.



Sa kanyang daanan, may isang batang lalaki na salbahe ang humarang sa kanya at sinabihan siya,"akin na yang tinapay mo kung ayaw mong masaktan!" Hindi nakinig si Amihan at sinigawan niya... "Nagtatrabaho ang tatay ko para makakain kami at mabuhay kami ng marangal kaya bakit ko ibibigay sa iyo ito~!?"



Napikon ang batang salbahe at tinulak niya si Amihan. Walang magawa si Amihan at wala ring tumulong sa kanya. Ang mga tao din doon ay pinagtatawanan lamang siya. Sa halip na pigilan nila ang bata, ay sinabi pa nila "Kunin mo Yan!"



Umiyak si Amihan... at dumating ang alagang ibon ni Minea.. tinuka nila ang bata at natakot ito at tumakbo. Natakot rin ang mga tao, dahil ngayon palang sila nakakita ng ganun kalaki at kagandang ibon.


Nagpasalamat si Amihan sa ibon at umuwi siya sinabi niya sa kanyang tatay ang nangayri at pinangaralan naman siya ni Raquim na.. "Anak, sa susunod dapat mag-ingat ka.. mabuti na lamang at napagtanggol ka sa ibon ng nanay mo." Nagtataka si Amihan sa mga binigkas ng kaniyang ama. Sa loob ng kaniyang puso...unti unti na niyang pinipilit na maiwala sa Encantadia.


Niyakap ni Raquim si Amihan at kumain silang dalawa.


Nag-usap si Raquim at Amihan "Anak naku! nakalimutan ko palang ibigay sa iyo ito" wika ni Raquim at ipinakita niya ang hawak niyang kendi kay Amihan. Nasasabik si Amihan na ibigay ni Raquim sa kanya ang kendi pero lumabas sa bahay ang kaniyang ama at kumuha ng kahoy.


Tumawa si Raquim at tinukso niya si Amihan, "Hindi ko ibibigay ang kendi na ito... maliaban na lamang kung matatalo mo ako sa labanan", sumang-ayon si Amihan sapagkat gusto niyang makuha ang kendi na hawak ng tatay niya.


Tumingin naman sa kanila ang ibon, at gamit ang mga mata ng ibon, nakita ni Minea angpagmamahal ng isang ama sa mga ginagawa ni Raquim at napanatag ang kaniyang loob.


Natuwa si Raquim at ibinigay na niya ang kendi kay Amihan. Pinasalamatan naman ni Amihan ang kaniyang mabuting ama, "Maraming salamat itay!" tinanong naman ni Raquim "Nagustuhan mo ba anak?" ngumiti si Amihan at kinain niya ang pasalubong ng kaniyang ama.


Inatake ni Raquim si Amihan at  agad naman itong dumepensa. Ang dali kasi matuto ni Amihan





Readers! Thank you for your support sorry for the late update.. still working on the next chapter Avisala!!!






EncantadiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon