Chapter 7

828 25 0
                                    


POV ni Hagorn


Hindi na mahahanap ni Minea at ng lahat ng diwata ang susi sa puno ng Asnamon o mas kilala bilang puno ng lagusan tungo sa mundo ng mga tao.


Magpakasaya ka muna Raquim at hindi magtatagal at mawawala din ang tuwa sa iyong buhay. Hindi kana magtatagal diyan sa mundo ng mga tao...HAHAHAHAA!   .... "Agane ihanda mo na ang ating mga kawal at lulusob tayo sa mundo ng mga tao."


Ang mga anak naman ni Minea ang susundin ko, uunahin ko muna ang ikalawang Sang'gre na nainirahan kasama ni Raquim. Pababayaan ko na lamang ang anak namin ni Minea na si Pirena kasi, siya ang nag-iisa kong tagapag-mana.


"Tayo na!" Sigaw ko sa kanila at nagsimula na kaming maglakad sa daanan kung saan hindi kami makikita ng mga diwata at sapiryan.. tungo sa puno ng Asnamon.  Nasasabik na talaga akong magdusa si Raquim. Matapos niyang agawin si Minea sa akin!


Balita ko na ang pangatlo at ang bunsong Sang'gre ay anak ng isang Sapiryan pero, hindi si Raquim at naghihintay ako na makita ang Enuo na iyon.. Papaslangin ko silang lahat, dapat lang na ang Hathoria ang maghari sa Encantadia.



Sa mundo ng mga tao...

Naglalaro si Amihan kasama ang mga lagang ibon ni Minea, hindi niya alam na may nagmamasid pala sa kanyang mga lalaking tao at may planong kunin siya. nagkaroon kasi ng interes ang mga lalaking iyon, kasi, nakita nila si Amihan na nakikipag-usap sa mga ibon.


"Pwede natin siyang pagkakitaan sa mga palabas at pwede rin natin siyang ibenta!" sabi ng isa. Sumang-ayon din naman ang kasama niya at sinabihan siya na "Pare.. doon ka sa kabila at dapat natin siyang magitnaan upang hindi siya makatakas." nag-alala naman ang kasama niya "Ano ang gagawin natin kay Raquim?" Kalmado namang sumagot ang isa na, "Hindi ito malalaman ni Raquim, dapat yumaman muna tayo ahahahahahah!!!".


Kawawa naman ang mag-ama pati sa mundo ng mga tao ay hindi nila nakita ang kapayapaan. May mga tao pa rin na sakim at walang ibang inisip kundi ang kanilang mga sarili at kung papaano sila magiging makapangyarihan.


Narinig at nakita ni Amihan at tumakbo siya papunta sa kanilang bahay. Huli na siya at may nakasalubong din siyang tao na gusto siyang kunin. Tumakbo na lamang si Amihan sa ibang direksyon.


Naging mabilis si Amihan gaya ng hangin, subalit hindi sapat ang kaniyang bilis at siya ay malapit nang malaglag sa bangin, wala nang ibang pagpipilian si Amihan: Ang malaglag sa bangin o ang magpahuli sa mga masasamang lalaki.


Umiyak si Amihan at nagmaka-awa "Pakawalan niyo na ako! Tigilan niyo na ang kakabuntot sa buhay namin ng tatay ko..."  Hindi ito sapat upang maawa ang dalawa kaya tinulak ni Amihan ang isa at nagalit ito. Kinuha niya ang kutsilyo at natakot si Amihan..


Akala ni Amihan na mamamatay na siya yumuko na lamang siya nang biglang... naglaho siya.. Natakot ang mga lalaki at tumakbo humingi sila ng tulong sa mga nagtatrabaho sa kanilang baryo at nagtipon na sila upang sugudin ang bahay nina Raquim.


Sabay na nagulat si Amihan at Raquim kung bakit... naglaho si Amihan. Isinumbong ni Amihan sa kanyang ama ang nangayri. Natakot din si Amihan sa kanyang pagalalaho at sinabihan din siya ng kanyang ama na, "Anak dapat ka nang maniwala sa Encantadia... itoay parte ng kapangyarihan mo, ngayon ay uuwi na tayo at babalik na tayo sa kaharian ng nanay mo."



Natuwa si Amihan pero nagulat si Raquim at may mga tao na may dalang baril at sinabi nila na "Raquim lumabas na kayo kung ayaw niyong masaktan, hindi kayo nababagay na tawaging tao.. mga multo kayo! Maligno!"


Agad na umakyat si Raquim sa itaas at kinuha niya ang isang mahiwagang kahoy na may Encantasyon. Ito ay may kapangyarihan na makalimutan ng tao ang mga ala-ala niya kasama ang diwata at maging ang mga nakita niya.


Itinaas ni Raquim ang sandata at namangha si Amihan at naniwala na nga siya sa Encantadia. Nakakatawa dahil, narinig nila ang mga sinabi nila na "Paumanhin Raquim.. hindi namin alam kung bakit kami nandito.." 


Hinawakan naman ni Raquim si Amihan at akala nila na tapos na ang kanilang suliranin. Ngunit... wala nang kapangyarihan ang kahoy.. at itinapon na ito ni Raquim at kinuha niya ang kanyang mahiwagang espada.


Humawak si Raquim kay Amihan at inutusan niya si Amihan na.. "Anak maglaho ka gaya ng ginawa mo kanina at sasamahan kita patungo sa lagusan ng sa gayun ay maka-uwi na tayo sa Encantadia."


Nakarating sina Raquim sa lagusan subalit hindi sila natuwa sa nakita nila... isang pulutong ng mga Hathor, si Agane at ang kanilang hari na si Hagorn na sumigaw na "Hulihin sila at patayin hahaha!".


Mabilis na tumakbo sina Amihan at Raquim, binomba naman sila ng mga Hathor. Naisip ni Raquim na magtungo sa Bayan upang maligaw ang mga hathor at maging si Hagorn dahil wala silang alam sa daanan at sa lugar ng mundo ng mga tao.


Nasundan pa rin sila ng ilang mga Hathor at wala na silang ibang naisip pa na paraan upang makatakas kundi, ang harapin ang mga kawal ni Hagorn. Napaslang ni Raquim ang mga Hathor at tumakbo sila sa gubat.


Doon sinabihan ni Raquim si Amihan na "Anak tumakbo ka nang mabilis at huwag kang lumingon pabalik." Hindi ito magawa ni Amihan kaya nagtago na lamang siya nakita niya kung paano nakipaglabanan ang kaniyang ama at ang mga masasamang Hathor... dumating ang Heneral ng mga Hathor at naglabanan si Raquim at Agane.


May biglang boses na sumisigaw na,,,"Agane hanapin mo ang anak ni Raquim at ako na ang bahalang kumitil sa buhay niya!" Nagpakita si Hagorn mula sa lagusan at naglabanan na sila ni Raquim nasugatan ni Raquim si Hagorn pero hindi niya ito napaslang kasi nakita na ni Agane si Amihan at nag-alala siya sa kaniyang anak.


Kaya naman hindi na sinayang ni Hagorn ang pagkakataon at napaslang niya ang ama ni Amihan. Sumigaw si Amihan na "Itay!!!"


Niyakap ni Amihan ang kaniyang ama na wala na halos ng hininga at habang papa-alis na si Hagorn, may binitiwang huling salita si Raquim sa kaniyang anak. "Amihan, hindi ka nababagay sa mundong ito... e correi diu... (mahal kita).


Nagalit si Amihan at sinubukan niyang labanan si Hagorn.. pero huli na siya nalaglag ni Hagorn ang susi ng lagusan at nakuha ito ni Amihan. Inutos naman ni Hagorn na, "Umalis na tayo dito dahil paparating na si Minea mamaya na yang susi!".


Huli na ng makarating si Minea at nawalan na ng malay si Amihan at kinuha siya ni Ades upang dalhin ng Lireo. Habang walang humpay naman ang iyak ni Minea nang makita niya ang kaniyang minamahal na wala nang buhay. 

EncantadiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon