THANK YOU TALAGA SA NAGVOVOTE, BUMABASA AT NAGCOCOMMENT DITO!!! LATE UPdate
Sa magulong mundo ng mga tao...
Inilabas ni Danaya ang Brilyante ng Lupa at nagtago siya sa isang lugar na wala masyadong tao at inutos niya sa kanyang Brilyante. "Aking Brilyante, gumawa ka ng panibagong daan at lagusan tungo sa Encantadia... gawin mo ang lahat ng makakaya mo." Nararamdaman ni Danaya ang pagyanig ng lupa doon pati na ang mga tao.
Nagtatakbuhan na ang mga marami at si Danaya naman ay naghihintay na maisakatuparan ang kanyang minimithi na makabalik na sa kanyang tahanan at tulongan ang kanyang kapatid. Kaya nakikita na niya na natatakot na ang mga tao sa lindol at kahit na ilang segundo pa niyang hinintay, wala pa ring lagusan ang lumalabas.
Nawawalan na ng pag-asa si Danaya na may kakayanan ang kanyang Brilyante na gumawa ng bagong lagusan kaya itinigil na niya ang lindol at naglakad na siya habang umiiyak. Naaawa na siya kay Amihan at nababalisa na siya sa kakaisip sa Lireo at maging sa buong Encantadia lalo na't wala siya dun at ang Brilyante ng Lupa upang tumulong.
Naglakad siya at nakarating siya sa isang lugar kung saan nakita niya ang tatlong mga bata... Narinig niya mula sa kanila na.. "Ako ay isang Prinsesa!" habang sinusuot nito ang kanyang korona at sabi naman ng nakakatanda sa kanila, "Tayo lamang ang mga prinsesang gutom.." at nagyakapan sila.
Nakakatuwa silang tingnan naisip rin ni Danaya silang tatlo ni Amihan at Alena noon. Nung mga bata pa sila, sila yung palaging nagkakaintindihan at sila yung palaging nagbibigayan hindi gaya ni Pirena. Ngunit parang nabuksan ang puso ni Danaya nung narinig niya na, "Wala man tayong mga pagkain, magkakasama naman tayong magkakapatid at yun ang pinakamahalagang bagay dito.".. tumulo ang luha ni Danaya.
Hindi kinaya ni Danaya ang awa pinuntahan niya ang puno ng isang saging na walang bunga at inutusan niya ang kaniyang Brilyante, "Aking Brilyante, ibigay mo sa puno na ito ang kanmyang pinakamasarap at pinakamatamis na bunga nang magkaroon ng pagkain ang mga batang paslit na nakita ko."
Kinuha ni Danaya ang prutas at naglakad siya tungo sa mga bata...
"Heto kainin niyo ito mga Prinsesa..".. wika niya habang ibiibigay ang saging na dala niya. "Maraming salamat sa iyo.." "Ako pala si Sang'gre Danaya.." sabi niya. Nagtanong naman ang maliit na bata, "Sang?" "Sang'gre, ibig sabihin nun ay Prinsesa na gaya niyo, kaya kumain na kayo at aalis na ako." Ngumiti ang mga bata sa kanya at winagayway nila ang kanilang mga kamay bilang pagpapaalam kay Danaya.
Sinabi ni Danaya sa kanyang sarili, "Masaya ako at kahit na wala ako sa Encantadia ay naggamit ko ang aking Brilyante sa kabutihan at napasaya ko rin ang tatlong bata kanina. Sana magkaayos na talaga kami ni Pirena kahit na ubod siya ng sama at sana buhay pa si Alena.
Napalitan ang ngiti ng kaba at takot sa mukha ni Danaya at hindi siya makapaniwala sa nakita niya. Si Hagorn at ang kanyang mashna na si Agane kasama ang pangkat ng mga Hathor. Inilabas ni Danaya ang kanyangf Brilyante at hinawakan niya ang dalawang bata at naglaho sila.. "Dito ka lamang ha... babalikan ko ang kapatid mo" sabi niya..
"Danaya Huwag kang duwag at harapin mo ako kundi papatayin ko ang batang to!! Lumabas ka na at magpakita ka dahil alam ko na nandito ka lamang sa paligid at ginagamit mo lamang ang ivictus mo!". Nakahanda na si Hagorn at ginamit na niya ang kapangyarihan na mula kay Ether.
Agad naman siyang naitulak ni Danaya at mabilis ring naglaho si Danaya kasama ang bata at pinayuhan niya sila, "Umalis na kayo rito at sana mapagkakariwalaan ko kayo na hindi niyo ito sasabihin ninu man.." Tumakbo na ang mga bata palayo sa kanila.
Iniisip ni Danaya... na pwede na siyang tumakas dahil hindi naman kabisado ni Hagorn ang mundo ng mga tao. Ngunit alam niya na hindi ito titigil sa paghahanap sa kanya at manggugulo lamang ito sa mga tao kaya hinarap niya siya.
Napaslang ni Danaya ang mga kawal ni Hagorn at nahirapan siya sa mga ito dahil marami sila at kahit na mayroon siyang Brilyante, may kapangyarihan naman si Hagorn na iginawad ni Ether sa kanya. Lumaban naman siya sa Mashna ng Hathoria at natalo siya dahil sa lakas nito at sa lakas ng kapangyarihan ni Hagorn at idagdag mo pa ang sampung mga Hathor.
"Ibigay mo sa akin ang Brilyante mo kung gusto mo pang mabuhay, !!!" sigaw ni Hagorn.. Kahit na hirap na si Danaya sa pagsasalita, "Hindi ko ito ibibigay sa iyo kahit na ano pang mangyari!!
Hindi inakala ni Hagorn ang gagawin ni Danaya, ang akala niya ay ilalabas niya ang Brilyante upang isuko ito pero, inutusan niya ito> "Aking Brilyante, magtago ka muna at huwag kang magpapakuha sa sinumang Hathor, bigyan mo rin ako ng sapat na lakas upang makalaban ang mga pashneyang to!" at nawala ang Brilyante ng Lupa at nagkaroon ng malakas na pagsabog.
Natumba si Hagorn pero bumangon siya at hinawakan ang ulo ni Danaya. ''Paalam na sa iyo Danaya... mamatay ka na!!" Nang biglang tumunog ang isang sasakyan. "BEEEP BEEP!!" natakot si Hagorn at umalis siya kasama ang mga tauhan niya pabalik ng Encantadia.
Kinuha naman si Danaya ng dalawang lalaki at isinakay siya sa sasayan....
Sino kaya ang nakakuha at lumigtas sa buhay ni Danaya?....
BINABASA MO ANG
Encantadia
FantasyIEncantadia 2016-2017 ( Credits GMA Network) "Hindi ang kayamanan o kapangyarihan ang nakakapagpaligaya ng isang nilalang kundi ang tibok at alab ng kanyang pagmamahal sa kanyang puso." to ay isang nakakamamangha na lugar kung saan makikita mo na an...