Chapter 20

692 23 1
                                    


POV ni Cassiopeia


Nararamdaman ko na may dumating na nilalang sa Encantadia pero masasabi ko rin na parang kilala ko na ang diwata na ito. Ang nakikita ko lamang sa aking mga mata ay ang babaeng nilalang na hindi ko maaninag ang mukha. Kagagawan siguro ito ni Arde o ni Ether.


May mahiwagang kawa si Cassiopeia, ginagamit din niya ito kung sakaling, ang kapangyarihan niya ay hindi nya maggamit. Akala niya na magtatagupay siya pero, ganun pa rin... hindi pa rin niya nakita ang mukha ng nilalang na hindi niya alam na si Adhara pala iyon.


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


May bigla siyang nakita sa kanayang makapangyarihang mata... at iyon ay ang kanyang propesiya na nakatakdang maganap at mayroong malaking epekto ito sa Lireo at sa buong Encantadia.


Ito ay nagsasalaysay, "May dugong maharlika na masusugatan at manganganib ang buhay. Dapat ko siyang gamutin dahil ito ay utos ni Bathalang Emre. May malakas din na kalaban na magiging kaagaw ni Amihan sa kanyang brilyante. Mayroong mabubuhay.... mayroon ding mamamatay."


Kinabahan si Cassiopeia, hindi niya pa sinasabi ang propesiya na ito. Wala pang nakakaalam nito. Hindi rin niya nakita kung saan magaganap ang pangyayari na nakita niya sa kanyang mga mata.


Naalala niya ang pangyayari sa nakaraan at sinubukang alalahanin kung saan niya nakita ang diwatang misteryoso na iyon.




Sa Nagbabagang Lugar sa Balaak...


"Binibigyan ko ng sumpa ang pagbubuntis ni Pirena... siya ay sasabay ng panganganak ni Amihan at siya ay manganganak ng batang magiging kalaban niya, hindi ko gusto na si Pirena ang magwagi sa Encantadia, kundi si Hagorn..." sumpa ni Arde.



Lumiwanag ang buong lugar sa Balaak at nakita ito ni Emre sa Devas at nagalit siya kay Arde. Dahil sa ginawa ni Arde, lalong pinainit ni Emre ang Balaak...



Sa Encantadia naman.....


Nararamdaman na ni Pirena ang sumpa ni Arde. SIya ay nahihirapan na sa pagdadala ng kanyang magiging anak. Magkahalong sabik at kaba ang nararamdaman ni Pirena ngayon, dahil alam niya na hinahanap siya ni Hagorn at gusto nitong hiramin ang kanyang Brilyante.

EncantadiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon