Chapter 38

474 16 2
                                    

FIRST OF ALL... THANK YOU SO MUCH!!! back to the amajing story,... LOLz



Ang Digmaan PART II.


Hindi na napigilan ni Amihan na uumiyak dahil sa kataksilan na ginawa ni Pirena sa kanya, ang buong akala pa naman niya ay tuluyan na siyang nagbago ngunit nandito pa rin sa harapan niya ang Pirenang tuso sa kapangyarihan at handang pumaslang ng sinuman; makuha lamang niya ang gusto niya.


Ayaw rin ni Amihan na madala sa kanyang nararamdamang galit at hinanakit kaya sinubukan niyang magtimpi at pigilan ang kanyang sarili...


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Ginamit na nga ni Amihan ang kanyang Brilyante, kaya natumba lahat ng Hathor at ito na rin ang pagkakataon ni Alira, Aquil, Muros at  Ybarro na umalis na at hanapin ang mga Sang'gre.


Akala nila na sila Amihan at Lira ay nandun sa trono, pero wala sila doon at nagpunta sa trono si Hagorn at sinubukan niyang umupo, Inutusan naman ni Hagorn ang kanyang mga kawal na bumangon pero nanghihina sila kaya, umalis siya at sumigaw, "PAshneya ka Amihan!"


Dahil rin sa panghihina ng tagapangalaga ng Brilyante ng Apoy na si Pirena, nawala ang kanyang sumpa sa mga sandata sa mga kawal ng Lireo at bumalik na ang anyo nito. Hindi na ito namumula sa init at hindi na ito parang natutunaw.


Gayun pa man, hindi sumagi sa isipan ni Aquil na magpunta sa silid ng mga sandata at armas, dahil akala niya na hindi pa nawala ang sumpa.


Sa lahat ng mga kaanib ng Hathoria at sa mga kaanib ng Hari nila, si Hagorn lamang ang natitirang nakatayo at hindi nanghihina dahil sa pansamantalang proteksyon na ginawad ni Ether sa kanya. Nakikita ni Ether ang lahat ng kaganapan sa Lireo at tuwang-tuwa siya dito, nasasabik na siya na mapaslang ang lahat ng mga diwatang sumasamba kay Emre dahil gusto niyang siya lamang ang  sambahin ng mga ito.


"Yan ang nababagay sa mga taksil na gaya mo Pirena, ayaw ko pa naman na saktan ka, ngunit pinipilit mo ako na gawin ito sa iyo... " Hirap na hirap nang uminga si Gurna ngunit sinubukan niya pa ring lumapit kay Pirena at humawak sa kanya sabay sabing, "Amihan, hindi mo ito dapat ginawa sa amin."


Muntik nang maglaho si Amihan at biglang!>>... naramdaman niya na may natumba sa kanyang likuran, naramdaman niya na may natumba at nakita niya ang kanyang anak na si Lira (fake) at tuluyan na itong nanghina tungo sa kanyang kama.

 naramdaman niya na may natumba sa kanyang likuran, naramdaman niya na may natumba at nakita niya ang kanyang anak na si Lira (fake) at tuluyan na itong nanghina tungo sa kanyang kama

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Anong nangyayari sa iyo Lira, kaanib kaba ng mga Hathor?,.. anak hindi ko kayang makita ka na nanghihina kahit na magtagumpay pa ako laban sa Hathoria!..." nag-aalalang tinig ni Amihan. "Mahal na Reyna, kailangan mo munang tanggalin ang sumpa na nandito upang makahinga si Lira.'' payo ni Imaw.


Agad na tumayo si Amihan at inutusan niya ang kanyang Brilyante "Binabawi ko ang sumpa ko sa mga Hathor, sa mga kaanib, kadugo at kapanalig nila!.. inuulit ko binabawi ko ang aking Encantasyon mula sa kanila!!!" At humangin ang buong paligid, at nakahinga na si Pirena, si Gurna at si Lira. Nakabangon na rin ang lahat ng Hathor na natumba sa iba't ibang bahagi ng Lireo.


"Lira!!" unti-unting bumabangon na si Lira at hinawakan ni Amihan ang kanyang mga kamay at napakalamig nito, kinakabahan siya. Tila may gusto siyang sabihin kay Amihan pero, hindi niya kayang gawin dahil sa takot niya kay Pirena. Niyakap naman siya ni Amihan, "Anak!"


Kinuha ni Mira ang mga kamay ni Amihan na nakabalot sa kanya, at sumigaw siya, "Ashti! Amihan!" . Nilabas ni Pirena ang kanyang Brilyante at tinakot niya si Mira "Shedda Ashtadi! (tigil.. pasaway ka!)" "Anong sinasabi niyang Ashti? ako ay ang kanyang Ina hindi niya ako tiyahin,.." nagtatakang tanong ni Amihan.


"Ashti KIta dahil HINDI ako si Lira... ako ang anak ng sinungaling na si Pirenang yan! AKo si Mira, at totoo hindi ako patay... buhay na buhay ang tunay na anak ni Pirena na nakilala mo bilang iyong anak. Humihingi ako ng tawad sa iyo mahal na Reyna, hindi rin ako nababagay na iyong maging pamangkin... PATWAD!!" lumuhod si Mira. Agad namang sumigaw si Pirena, "Para ito sa kabutihan mo anak!"


"Kabutihan? Tinatawag mong kabutihan ang pagpapanggap na ako ay isang anak ng isang Reyna at hindi isang anak ng isang taksil na Sang'gre? Anong klase kang Ina! Hindi ko kailangan ng isang Ina na gaya mo! Si Reyna Amihan lamang ang kinikilala kong nanay k0!"


Hinang-hina naman ang boses ni Amihan, sa mga salita na narinig niya mula kay MIRA para siyang sinaksak ng paulit-ulit sa puso niya. "Tumayo ka Mira, alam ko na wala kang kasalanan dito kaya, Mira, anak... tinuturing din kitang anak ko dahil malinis ang intensiyon ng puso mo.. mahal na mahal kita." Niyakap naman ni Mira si Amihan, "MAhal na mahal din kita ina."


"Kung si Mira ay ang nakilala kong Lira, nasaan na ngayon ang totoong Lira na anak ko Pirena!!!" Wala nang alam si Mira tungkol dito, kaya nanahimik na siya at lumapit na siya kay Imaw, "Patay na ang anak mo Amihan, inilagay ko siya sa isang gubat at kinain na siya ng mga pashneya!" pagsisinungaling ni Pirena.


"PAshneya ka!!!" inilabas ni Amihan ang kanyang buong lakas, at dahil wasak na wasak na ang puso niya, hindi niya kinaya ang kapangyarihan ni Pirena. "Mahal na Reyna." sigaw ni Imaw.


Siya namang pagdating ni Hagorn at sinugatan niya ang lik0d ni Amihan...






PASHNEYA ka PIRENA>>>!!! Thank You talaga! Mga silent readers! vote naman kayo! at comment.. Thank you talaga 3728298696796721x

EncantadiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon