Chapter 15

747 14 5
                                    


POV ni Reyna Amihan


Bago pa kami naglakbay,... humingi ako ng basbas mula kay Pinunong Imaw at ng basbas mula sa akin Ina. May sinabi rin si Ina sa akin na dapat kong tuparin dahil sumangayon ako, "Anak, alam ko na malaki na ang kasalanan ni Pirena sa inyo, pero huwag niyo siyang saktan... ipangako niyo yan."

Naglalakbay na kami patungo sa baybayin upang hindi masaktan ang mga mamamayan ng Lireo at upang walang madamay na mga diwata

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Naglalakbay na kami patungo sa baybayin upang hindi masaktan ang mga mamamayan ng Lireo at upang walang madamay na mga diwata. Naghanda na kami ng mga kalasag, armas at mga bagong sandata.



Habang kami ay dumaan sa gubat ng Sapiro, nagpakilala kay Danaya at tumulong sa amin ang isang Sapiryan na nagngangalang Ybarro at ang kaniyang tatay na si Apitong... hindi ko sila nakita dahil nasa karwahe ako. Nagtataka ako kung bakit kilala ni Alena si Ybarro at tila nagseselos si Hitano.


Si Hitano ay isa sa mga tapat na kawal ng Lireo na  may gusto kay Alena. Siya ay nagsisilbi na ng matagal sa Lireo at marami na siyang nagawang magandang bagay sa kapakanan ng Lireo. Ang bunso naman naming si Danaya ay tinutukso naman namin ni Aquil.


Parati kasi silang magkasama sa pagsasanay at para silang aso at pusa kung mag-away at hindi sila nagkakaroon ng oras para pagusapan ang kanilang nararamdaman sa isa't isa.


Nalaman ko naman mula kay Alena na may nagugustuhan siyang nagngangalang Ybarro pero hindi ko pa nakikita ang Sapiryan na ito kahit na hindi pa ipinapakilala ni Alena sa amin si Ybarro, palagi na niyang sinasabi at binabanggit ang pangalan niya.


Naghanda na kaming lahat at naka-posisyon na kaming lahat ako ay nasa unang pangkat at kasama ko si Alena, Danaya at Aquil sa pangkat na iyon. Tumulong din sa amin si Alira Naswen na ang Mashna ng mga Sapiryan.


Hindi ko alam kung bakit hindi nagpakita si Asval... malaki sana ang maitutulong niya kung siya ay nandirito pa upang tumulong sa aming labanan.  Sa kabilang palad naman, si Pirena naman ay katabi ni Hagorn at tuluyan na ngang naging masama siya.


Naging kaanib na si Pirena sa mga Hathor at gusto ko na ako ang kumalaban sa kanya hindi dahil sa gusto kong ipadama sa kanya ang galit ko pero, gusto kong makaligtas siya kasi kapag ang mga kawal ang nakalaban niya, wala siyang ligats at makikitil ang buhay niya.




Throwback Alena and Ybarro...


Sa puno na mahilig puntahan ni Ybarro, nakita niya ang isang magandang nilalang at naging magkaibigan sila. Ang nilalang na iyon ay ang kapatid ni Reyna Amihan na si sang'gre Alena.

EncantadiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon