Sa kaharian ng Lireo...
Habang naglalakad ang Reyna Amihan at ang dating Reyna Minea, biglang sumalakay si Asval, hindi alam ng lahat kung sino ang lalaking iyon, hindi nila alam na siya pala ay ang dating kaanib ng Sapiro na si Asval.
Nalaman kasi ni Asval na si Ybarro at Ybrahim ay iisa kaya, may kaagaw na siya sa kaharian ni Haring Armeo, ang Sapiro.
Inakala ni Asval na hindi pa binigay ni Minea ang brilyante sa kanyang mga anak, kaya nagpadalos dalos siya sa paglusob sa Lireo. Magaling na mandirigma si Asval at magaling din siyang manlinlang ng diwata, ang hindi niya kayang linlangin ay si Minea at si Hagorn sapagkat mautak si Minea at kahit na ganyan ang ugali ni Hagorn, ginagamit din niya ang kanyang utak.
Alam ni Asval na maraming kawal na nakabantay sa lahat ng lagusan sa palasyo ng Lireo kaya naghanda na siya ng kanyang armas at tinakpan niya ang buong mukha niya at may butas lamang sa kanyang mata para siya ay makakita. Talagang pinaghandaan na ni Asval ang paglusob sa Lireo ngunit nagiisa lamang siya.
Ang totoong pakay niya sa pagpunta dun ay ang paslangin si Minea, gusto niya kasing mabawasan ang kanyang mga kaagaw sa mga kaharian, at ang isusunod naman niya ay si Ybarro.
Walang nakakaalam sa panganib ng buhay ni Minea, at sa paguusap nila sa kanyang anak na si Amihan, biglang umihip ang hangin na para bang may sinasabi kay Amihan, pero hindi nalaman ni Amihan na may nagmamasid na pala sa kanila ng kanyang Ina.
Si Danaya at Alena naman ay nasa silid nila at naguusap tungkol sa magiging silid ng anak ni Amihan, naghuhula din sila kung ano ang magiging pangalan ng anak ni Amihan at naisip din nila na baka ang ipangalan sa anak ni Amihan ay Alena o di kaya ay Danaya.
Natutuwa pa ang mga Sang'gre ngayon,... hindi nila alam na malapit na ang oras ng pagatake ni Asval mula sa torre ng kanluran.
Ang nakita ni Cassiopeia sa kanyang mga mata.
Tinaguriang "mata" si Cassiopeia dahil sa kapangyarihan niyang makakita ng mga bagay na hindi nakikita ng isang pangkaraniwang diwata lamang.
Nakita niya ang pagbabalik ni Adhara mula sa Balaak tungo dito sa Encantadia at nakita din niya ang pagluluksa ng mga Sang'gre. Gusto niyang tulungan si Amihan, pero hindi siya isang Bathala, wala siyang karapatan na makealam sa tadhana ng isang nilalang.
Nangako si Cassiopeia ni Emre na siya ay magiging tapat sa kanya pero, hindi niya maiwasan ang pagtulong sa nangangailangan pero may kapalit na ginto, hindi alam ng lahat na amng gintong hinihingi ni Cassiopeia ay para sa anak ni Amihan.
Sinabi niya sa kanyang sarili, "Malapit na ang araw ng pagbabalik ni Adhara, Ashtadi (pasaway) talaga si Arde.. bakit niya pa binigyan ng pagkakataon si Adhara na manirahan muli sa Encantadia, gulo lamang ang kanyang dadalhin dito."
BINABASA MO ANG
Encantadia
FantasyIEncantadia 2016-2017 ( Credits GMA Network) "Hindi ang kayamanan o kapangyarihan ang nakakapagpaligaya ng isang nilalang kundi ang tibok at alab ng kanyang pagmamahal sa kanyang puso." to ay isang nakakamamangha na lugar kung saan makikita mo na an...