Nagtagumpay si Gurna na mapaalis niya ng saglit si Ades, kaya agad niyang tinawag si Pirena, "Pirena! Pumunta ka na dito at magpakita kana, habang wala pa si Ades, gawin mo na ang gusto mong gawin sa paslit ni Amihan."
Agad namang naglaho si Pirena sa harap ni Gurna at kinuha niya ang anak ni Reyna Amihan, "Magbantay ka sa pintuan at sabihan mo ako kung paparating na ang Ades na yun, ngayon na, at magmadali ka na dahil Ilang saglit pa ay darating na rin sila Amihan at Danaya.
Inilagay ni Pirena ang kanyang anak na si Mira sa malaking kama ni Lira at nagtabi sila, "Mga magaganda kayong mga sanggol na Sang'gre pero may isa sa inyo na magpapaalam na dito sa Encantadia.. hahaha at hindi pwede na ang anak ko iyon, kaya ikaw iyon munting Lira!"
Para makasiguro si Pirena na ang kanyang anak ang maging tagapagmana ni Amihan, pinagpalit niya ang anyo ni Lira kay Mira. Ngayon, ang anyo na ni Sang'gre Lira ay napalit sa anyo ni Sang'gre Mira na anak ni Pirena.
Pinalitan din niya ang boses at maging ang pananamit nito, upang maloko niya si Amihan na si Mira ay si Lira. Sa tuwiran, pinalitan ni Pirena ang totoong Lira kay Mira, upang ang kanyang anak ang maging Reyna na tagapagmana ni Amihan, at mula sa kanyang anak na si Mira, dito niya kukunin ang korona sa pagaakalang susunod ang anak niya sa kanya.
Ginamit rin ni Pirena ang Brilyante ng apoy upang bigyan ng basbas ang kanyang anak, na dapat pa rin na siya ang kilalanin nitong ina, kahit na simula ngayon, si Amihan na ang magiging "ina" niya.
"Pirena paparating na si Ades at magmadali ka na diyan.." babala ni Gurna kay Pirena. Umalis na si Pirena at nagpunta na siya sa gubat ng Lireo, kung saan pinaplano niyang paslangin ang anak ni Amihan.
Nagbalik na si Ades at kinuha na niya ang bata, umalis na rin si Gurna sa silid ni Lira... Ngayon, walang nakakaalam na ang Lira na hinahawakan at binabantayan ni Ades ngayon, ay si Mira. Kawawa naman si Amihan, pati ang anak niya ay hindi nilubayan ni Pirena at pinalitan pa ito ng sarili niyang anak.
Sa gubat ng Lireo...
Nagpapahinga doon ang isang Lambana na si Muyak. Tinatanaw niya ang mga naglalarong mga Adamyan na sina Banak at Nakba. Umuupo na siya sa isang kahoy, nang bigla niyang nakita ang isang nilalang na nakapula ng suot at may kahina- hinalang kinikilos.
Hindi napakali si Muyak at sinundan niya ang nilalang na iyon, nung nakakita na ang nilalang ng isang malaking bato. at kinuha nito ang kanyang punyal. Nakita ni Muyak na si Sang'gre Pirena pala iyon, na may hawak na bata at plano niya itong paslangin.
Walang ibang maggawa si Muyak dahil wala siyang kalaban laban kay Sang'gre Pirena. Hindi niya nakikilala ang batang dala niya, at hindi niya namamalayang si Lira pala ito dahil pinagpalit na nga ang mukha nila ng PEKENG si LIRA.
Muntik ng saksakin ni Pirena ang bata, pero parang namamasdan ng taksil na Sang'gre na may nagmamasid sa kanya, kaya itinigil muna niya ang plano niya at tiningnan niya ang paligid. Agad namang nagtago si Muyak sa isang puno at muli niyang tiningnan si Pirena sa kanyang gagawin.
Sinaksak ni Pirena ang anak ng Mahal na Reyna!!
PERO.. hindi ito tinablan dahil kung naaalala niyo binasbasan siya ni Sang'gre Danaya na hindi siya matatamaan ng anumang uri ng sandata na galing ang kasangkapan sa paggawa sa lupa. Binasbasan din siya ni Alena na magkaroon ng kakaibang lakas.
Lumiwanag ang kulay na berde at dilaw sa paligid ng bata at napikon si Pirena. "Pashneya (hayop)!! Binasbasan ka na siguro ng mga walang hiya kong kapatid kaya hindi kita maggawang saktan!. Ngunit dadalhin kita sa isang lugar kung saan, walang mag- aalaga sa iyo at mamatay ka doon!
Kinuha ni Pirena ang bata at naglakad siya, narinig ni Muyak ang lahat. Gusto sana niya na magsumbong kay Reyna Amihan, pero inuna niya ang pagsunod muna kay Lira at baka kung saang lugar siya dalhin ni Pirena at wala din siyang mukhang ihaharap kay Amihan kapag papabayaan na lamang niya ang kanyang anak.
Sinundan ni Muyak si Pirena at nagtungo ito sa puno ng Asnamon. Nagulat si Muyak dahil, hawak ni Pirena ang susi ng lagusan na matagal nang nawala kay Reyna Minea noon. Binuksan ni Pirena ang lagusan at doon siya nagpunta hawak ang totoong anak ni Amihan.
Gaya rin sa Encantadia, mayroon ding isang puno na kahawig ng Asnamon sa mundo ng mga tao at doon ang kabilang bahagi ng lagusan. Doon nagpunta si Pirena at iniwan niya si Sang'gre Lira doon na walang kaalam-alam si Amihan.
Umalis na si Pirena at ilang sandali pa at magsasara na ang lagusan pabalik sa Encantadia. Wala namang magagawa ang isang Lambana na gaya ni Muyak, dahil alam niya na hindi niya kayang buhatin ang sanggol at alam din niya na wala siyang mahihingan ng tulong at dadakpin lamang siya kapag makita siya ng mga tao.
Ang iniisip lamang ni Muyak ngayon, ay kung papaano niya hahanapan ng tirahan si Lira. Ilang saglit pa at umiyak si Muyak sa halong pagaalala at takot para sa anak ni Amihan, habang tinitingnan niya ang papasarang lagusan. Inisip ni Muyak ang tumakas, pero inuna niya ang kapakanan ng mahal na Sang'gre.
Ang kahoy na iyon ay nasa likod lamang ng simbahan. Naghintay si Muyak na may makakitang mabuting loob kay Lira at sila ang magpalaki sa kawawang bata na iyon.
Ilang saglit pa ay dumating ang mag-asawang Amanda at Dado. Sila ay hindi biniyayaan ng isang anak at sila ang nakakita kay Lira, "Tingnan mo Dado! Siya na marahil ang sagot sa ating dasal na magkaroon tayo ng anak." wika ni Amanda. Tumingin naman si Dado sa itaas, at nagpasalamat sa panginoon, "Maraming salamat ngayon, hindi na kami malulungkot ni Amanda."
Sa mga pananalita ng mag-asawa, natitiyak ni Muyak na kukupkupin si Lira. At aalagaan siya ng mabuti ng magasawang iyon. Kahit papaano ay parang nabunutan ng tinik sa lalamunan si Muyak at sinundan niya ang mag-asawa sa kanilang bahay, upang bantayan si Lira..
Pls vote and comment.. Thank You.. #lateupdate #kawawasiLIRA #encantadia ..
BINABASA MO ANG
Encantadia
FantasyIEncantadia 2016-2017 ( Credits GMA Network) "Hindi ang kayamanan o kapangyarihan ang nakakapagpaligaya ng isang nilalang kundi ang tibok at alab ng kanyang pagmamahal sa kanyang puso." to ay isang nakakamamangha na lugar kung saan makikita mo na an...