Sa balaak (hell)
Doon naninirahan ang isang isinumpang Bathala na nagngangalang Arde at doon din napadpad ang kaluluwa ni Adhara nung siya ay napaslang ni MInea...
Gusto ni Adhara na makabalik na ng Encantadia at paslangin ang mga Sang'gre at makuha ang apat na brilyante na noon pa niyang gustong makuha mula sa kamay ni Cassiopeia. Kaya naman, nasasabik na si Adhara sa magiging labanan ni Minea at Pirena ...
Pinangako kasi ni Bathalang Arde na, makakabalik lamang siya sa Encantadia kung mamamatay na si Minea kaya tinanong niya si Arde, "Mahal na Arde., ito na ba ang panahon na ikakamatay ni Minea?" tumawa si Arde at sinabing, ":Gaya ng pinangako ko sa iyo may panahon din ang Minea na yan.... kaya maghintay ka Adhara."
Naghintay ng naghintay si Adhara kung kailan mapaslang si Minea, at siya namang maging araw ng kanyang muling pagkabuhay... "Humanda ka sa pagbabalik ko Cassiopeia!" wika ni Adhara.
Balik sa Lireo ang tahanan ng mga diwata...
"Lumaban ka sa akin Ina! Papayag lamang ako na maging Reyna si Amihan kung matatalo mo ako!" hamon ni Pirena kay Minea... "Hindi na natin kailangan pang gawin ito anak, sapat naman ang buhay ng isang Sang'gre... at hindi mo na kailangang magalit kay Amihan."
Kumuha ng sandata si Pirena at sinigawan niya si Minea..."Tama na ang satsat diyan! Labanan mo na ako! Dito natin makikita na ako talaga ang karapatdapat na maging Reyna ng :Lireo at wala nang iba!"
Tinanggap ni Minea ang hamon ni Pirena pero inilagay niya sa kanyang isip na kahit ganyan si Pirena, hindi niya ito susugatan. Binasa na ni Aquil ang batas sa paglalaban "Malinaw na tinanggap ng Reyna ang hamon, kaya matatapos lamang ito kung may isang napaslang o babawiin ni Pirena ang hamon mula kay Minea."
Kinuha ni Alena ang dating espada ni Minea at ibinigay ito sa kanya. Ang espadang yun ay matagal nang hindi nagagamit ni Minea at huli niya yung ginamit sa paglaban niya kay Adhara noon... Hindi siya makapaniwala na gagamitin niya ito ngayon sa sarili niyang anak.
Nagsimula na ang labanan....
Naging maliksi at malakas si Pirena at natulak niya si Minea.. Nakikita ang mga pangyayari sa Encantadia sa Devas at sa Balaak at natuwa si Adhara kasi akala niya na mamatay na si Minea ...
Huminto si Minea at sinabing, "Tama na Pirena wala ka nang dapat patunayan sa akin, itigil na natin to anak," niyakap ni Minea si Pirena at tumalikod.... nang biglang umatake si Pirena upang paslangin si Minea, pero agad din namang kumuha ng armas ang tatlong Sang'gre at napatumba nila si Pirena.
Sa Balaak naman, sigaw ng sigaw si Adhara na, "Huwag kayong tumigil!" kahit ano pa ang gawin ni Adhara hindi siya maririnig ni Pirena dahil iba ang kinatatayuan ng Balaak sa Lireo ang Balaak ay para lamang sa taong patay na masama ang naggawa noong buhay pa sila...
Natumba nga si Pirena at umiyak siya at agad siyang bumangon, sinubukang tulungan siya ng isang kawal at tinamaan niya ito. Nagalit ng husto si Minea kay Pirena at sinabing "Tama na!" Hindi nakinig si Pirena, "Hindi ako makapaniwala na pagkakaisahan niyo ako, kayo na sarili ko pang kadugo ang nagtulungan upang matalo ako!"
Sinubukan ni Amihan na pakalmahin si Pirena, "Pirena, ginawa lamang namin iyon, kasi lapastangan na ang ginawa mo sa Inang Reyna natin." kahit ano pa ang sinabi ni Amihan, Alena at Danaya ay binaliwala lamang ito ni Pirena.
''Kaya bukas, hindi na ako maninirahan dito mga wala kayong kwenta! Simula ngayon, hindi ko na kayo itinuturing na mga kapatid, at pinuputol ko na rin ang pagiging mag-ina natin Minea!,.... at ikaw Amihan, ihanda mo na ang iyong sarili dahil sa pagbalik ko, kukunin ko ang lahat ng para sa akin na inagaw mo."
Pinigilan ni Alena si Pirena at sinabing, "Hindi na ba magbabago ito Pirena,? Hahayaan mo ba na maging masama ka dahil lang dito?" "Bitiwan mo ako!" sigaw ni Pirena... Agad siyang pumunta sa kanyang silid at kinuha ang mga gamit niya..
Sa silid ni Sang'gre Pirena...
Nagusap si Pirena at Gurna at sinabi ni Gurna na "sasama ako sa iyo Pirena, doon tayo pupunta sa Hathoria upang makipagtulungan tayo kay Hagorn, kukunin din natin ang mga brilyante at alam ko kung nasaan ito, gagamitin natin ang brilyante laban sa iyong ina."
"Ngunit puno ng mga kawal ang silid ng armas Gurna." nagalala si Pirena. Numiti si Gurna at tinanong niya si Pirena, "Naaalala mo pa ba ang pagkawala ni Amihan noon? Hindi mo ba naiisip na paano ko nakuha kay Minea si Amihan?" nagtataka si Pirena "KUng ganun papaano?''
Ginamit ni Gurna ang pulang alikabok mula sa Hathoria na sinumang makakaamoy nito ay makakatulog pero, sa saglit lamang na panahon...
Kaya hindi na nagsayang pa ng oras sina Gurna at nakapasok si Pirena sa silid ng armas at nakita niya ang brilyante at ang korona ng Lireo ... "Babalikan kita korona ko, hindi pa ngayon ang plano kong kunin ka." Nanatili si Gurna sa labas ng pintuan upang magbantay.
Unang sinubukang kunin ni Pirena ang Brilyante ng Hangin pero naging hangin ito, sinunod niya ang lupa at naging buhangin ito, at ang tubig at nabasa ang kaniyang kamay. Natakot siya na baka masunog ang kaniyang kamay kaya hindi pa niya kinuha ang Brilyante ng Apoy
Dahan dahang, nilapit ni Pirena ang kanyang kamay sa Brilyante ng Apoy at ito ay nagliwanag, nakuha na ni Pirena ang brilyante at nagalala na si Gurna, "Pirena bilisan mo gigising na ang mga kawal."
"Huwag kang mag-alala Gurna ngayon, pumunta ka na ng Hathoria at hintayin mo ako dun alam ko na kung ano ang gagawin." kaya tumakbo na si Gurna... patungong Hathoria nakita siya ni Ades at sinabing "Traydor ka Gurna! Nakatakbo ng mabilis si Gurna..
Gumising na ang mga kawal at pumasok sila sa silid, agad namang ginamit ni Pirena ang kanyang kakayahang mang-gaya ng mukha at wangis... ginaya niya ang Mashna ng mga Kawal na si Aquil.. "Ano pa ang ginagawa niyo, padaanin niyo na ako."
Matapos pinadaan ng mga kawal si Pirena sa pagaakalang siya ay si Aquil, dumating ang Reyna Minea, ang tatlong Sang'gre at ang totoong Aquil at ipinahuli si Pirena, naglaho si Pirena papuntang Hathoria at dala-dala niya ang brilyante ng apoy.
Naisip ni Minea na ito na ang panahon upang koronahan ang Bagong Reyna at ipamahagi ang tatlong natitirang brilyante ng kalikasan...
Ano kaya ang makukuhang brilyante nila? Babalik pa kaya si Pirena? Alam ko na yan ang mga tanong na iniisip niyo kaya wait for Chapter 14
BINABASA MO ANG
Encantadia
FantasyIEncantadia 2016-2017 ( Credits GMA Network) "Hindi ang kayamanan o kapangyarihan ang nakakapagpaligaya ng isang nilalang kundi ang tibok at alab ng kanyang pagmamahal sa kanyang puso." to ay isang nakakamamangha na lugar kung saan makikita mo na an...