Chapter 43

630 9 2
                                    


Sana sugportahan niyo pa rin ito!!

Mabuti na lamang at naka-ilag si Danaya, agad siyang nagtago sa kahoy. Tumakbo tungo sa kanya si Pirena, pero nawala na siya sa kanyang paningin.

Huli na si Pirena, dahil nag-anyong aso na si Sang'gre Danaya. Tumakbo ito ng mabilis kahit na nanghihina na ito.

Nung nakita na ni Danaya na wala na ang salbahe niyang kapatid, bumalik na siya sa kanyang totoong anyo.

Kawawang Danaya, hindi man lang niya magawang gamutin ang kanyang sarili dahil wala na sa kanyang pangangalaga ang Brilyante ng Lupa.

Nanghihina na siya at wala na siyan ibang magawa kundi ang umuwi muna sa tinitirahan ng dalawang lalaki na mula sa Encantadia. Sa kanyang paglalakad, may nakita siyang babae na pinagtutulungan ng grupo ng mga lalaki.

Kahit na wala man siya sa Encantadia inisip niya pa rin ang kanyang tungkulin bilang isang Sang'gre. Tinulungan niya ang babae kahit siya ay sugatan."Tumakbo kana." sigaw niya sa babae.

Nakatakas ang babae ngunit siya naman ang na ipit sa sitwasyon na ito. Wala sa kanya ang kanyang brilyante at wala siyang sapat na lakas upang labanan ang apat na lalaking yun. May dala pang baril ang isa sa kanilahabang ang isa ay may dalang kutsilyo.

Ilang sandali pa, may tumulong na lalaki kay Danaya, tila galing siya sa taas dahil bigla na lamang siyang bumagsak. "Harapin niyo ako mga salbahe!" sigaw niya at nagtagisan sila ng mga lalaki.

Malakas ang tumulong kay Danaya at takot na tumakbo ang mga ashtading mga yun

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Malakas ang tumulong kay Danaya at takot na tumakbo ang mga ashtading mga yun. "Avisala Esh-" sabi ni Danaya, naputol nniya ang kanyang pasasalamat dahil pag lingon niya ay bigla na lamang nawala ang lalaki at nakita niya ang isang balahibo.

Ngumiti na lamang siya sa itaas at pinasalamatan niya ang Bathalang Emre sa pagtulong sa kanya. Gabing gabi na at nakarating na si Danaya sa bahay ng  mga mababait na lalaki na iyoon. Nasa harapan na siya ng pintuan pero hindi pa siya kumakatok.

Inisip niya, "Makakaabala lamang ako sa kanilang pagtulog at magiging pabigat lamang ako dito, naaawa ako sa kanila." Pero wala na siyang  ibang mapuuntahan at nangangamba siyang hanapin na naman siya ng kanyang traydor na kapatid.

Kumatok siya at bin

uksan siya ng lalaki na may kataasan ang buhok. "Sang'gre Danaya mabuti at nagbalik ka, kumain ka naba? Bakit sugatan ang braso mo?" sunod-sunod na mga tanong ng lalaki.

Agad naman na inutusan niya ang kanyang kasama na ikuha ang Sang'gre ng maiinom at pagkain. May kinuha rin na kahon ang lalaki at ginamot nito ang braso ni Danaya. Nagpasalamat si Danaya sa labis na kabaitan ng dalawa sa kanya.

"Bakit niyo ba ito ginagawa sa akin? Bakit ang bait bait niyo? Hindi ko na alam kung paano ko kayo pasasalamatan sa lahat." nahihiyang wika ni Danaya. "Wala kang dapat na ipagpasalamat  sa akin anak."

Nung sinabi yun ni Enuo, tumulo ang kanyang luha at sinabihan niya si Danaya, "Ako si Enuo ang iyong ama!" Hindi pa masyadong naniwala si Danaya pero tumulo ang kanyang luha nung nabanggit ni Enuo si Alena.

Nagyakapan ang mag-ama at naikwento na rin ni Danaya ang pagdating ni Pirena sa mundo ng mga tao. Ikwenento din niya ang lalaking tumulong sa kanya at nabanggit niya ang balahibo na kanyang nakita.

"Isang mulawin!" manghang mangha si Enuo nung sinabi niya ito sa kanyang anak. "Mulawin?" tanong naman ni Danaya. Nagsalita ang kasama ni Enuo at pinaliwanagan niya si Danaya tungkol dito. "Ang mga mulawin ay nakatira sa Encantadia noon, pero lumisan sila nung inatake ng mga Pashneyang Hathor ang kanilang lugar."

"Ganun po ba?" tanong ni Danaya. "Oo anak, kaya swerte ka dahil magmula nun, nanirahan na dito ang ilan sa kanila at nagiging mailap na sila kahit sa kapwa nila diwata, kaya swerte ka dahil tinulungan ka niya." sagot ni Enuo.

"Hindi nga ako nakapagpasalamat sa kanya dahil bigla siyang nawala, hindi ko masyadong natatandaan ang mukha niya at may kasuotan pa siya sa kanyang ulo na ngayon ko pa nakita.'' sambit naman ni Danaya.

"Kailangan mo ang tulong ng mga Mulawin mahal na Sang'gre." mungkahi ng lalaki. "Halika anak, may ibibigay ako sa iyo. sabi ni Enuo. Binuksan niya uli ang kahon at may kinuha siyang plauta.  "Heto kunin mo ito kailangan mo ito lalo na ngayon na nais mong makabalik sa Encantadia.

"Ano po ang gamit ng plauta na ito." tanong ng Sang'gre habang hinahawakan niya ang plauta. Nakatitig siya dito dahil namamangha siya sa disenyo. "Ang plauta na yan ay ang pantawag sa mga mulawin, gamitin mo yan upang matulungan ka ng mga mulawin, huwag kang mag-alala mabait sila, mailap lang kung minsan." paliwanag ni Enuo.

Niyakap uli ni Danaya si Enuo. Nagpaalam ito sa kanya, "Hanggang sa muli nating pagkikita ama, at pangako dadalhin ko dito si Alena sa susunod." Pinigilan man siya ng dalawa sa kanyang pag-alis dahil gabi na, pero buo pa rin ang desisyon ng Mahal na Sang'gre.

Nais man niyang manatili at makasama ang kanyang ama, pero inisip niya ang kapakanan ni Amihan, ng Lireo at ng buong Encantadia

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Nais man niyang manatili at makasama ang kanyang ama, pero inisip niya ang kapakanan ni Amihan, ng Lireo at ng buong Encantadia. Kaya huli niyang pinasalamatan ang dalawa at naglaho siya.

Habang sina Muyak naman at Milagros.

Paiyak na sinabi ni Milagros kay Muyak, " Ayaw ko na dito Muyak dapat na talagang bumalik na tayo sa Encantadia dahil palagi na akong sinasaktan ni Tiyo dito."

"Huwag kang mag-alala aking alaga, hahanap ako ng paraan may pupuntahan tayo bukas at hindi tayo titigil hanggat hindi tayo nakakabalik sa Lireo." sagot naman ni Muyak.









Salamat talaga sa pagbabasa! PLS VOTE and  COMMENT ;)

EncantadiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon