Nagsagupaan ang dalawang Sang'gre laban sa nilalang na may hawak ng susi na magpapanalo sa sinumang makakuha nito. Nagtataka na si Amihan kasi, nasiyasat niya na sa paglalabanan nila, ay hindi sila sinusugatan ng nilalang.
Naglaho ang nilalang o si Minea, at pumunta sa tore ng palasyo at naglaho din si Amihan at Pirena doon upang sundan siya. Sinipa ng nilalang si Amihan at napaatras siya. Si Pirena naman ay ginamit ang kaniyang sandata sa paglaban.
Naging mahirap kay Pirena at Amihan ang labanan, pero sa lahat ng mga Sang'gre, sila ang tumagal. Nakita nina Imaw ang galing ng dalawang Sang'gre sa labanan. Natuwa rin ang mga babaylan at huwes sa pinakita nila, pero nahihirapan sila dahill sumatsat si Pirena dito, kahit alam niya na si Amihan pa ang sasabak dito,.
Muntik ng makuha ni Amihan ang susi... pero naitulak siya ni Pirena at muntik nang malaglag sa torre. Mabuti na lamang at hinawakan siya ni Pirena at kumapit siya sa mga kamay niya. Sumigaw si Pirena na , "Maglaho ka na lamang Amihan pabalik dito."
Sinubukan ni Amihan na maglaho papunta sa torre pero, hindi niya maggawa. Hindi kasi nila alam na hindi sila makakapaglaho kapag, may nakahawak sa kanila ng mahigpit o nakatali sila sa isang bahay. Kaya hindi maggawa ni Amihan ang paglalaho.
Naisip ni Pirena na magiging sagabal lamng ito sa kanya at sinabi niya kay Amihan na, "Patawad Amihan... pero nais ko na ako ang maging Reyna ng Encantadia at sagabal ka lamang kapatid ko.." "AAAaaaaaAAahhHHHHHH!" sigaw ni Amihan nung binitawan siya ni Pirena.
Nagulat si Amihan dahil akala niya na katapusan na ng buhay niya, hindi naman aiya nagalit kay Pirena dahil maintindihing Sang'gre si Amihan. Sinalo siya ng nakalaban nilang nilalang at tinanong niya "Sino ka ba?" at nagpakita si Minea sa totoo niyang anyo.. at ilang saglit pa lamang ay bumalik na siya sa anyong nakalanban nila.
Nagpasalamat si Amihan at pinuri niya ang kanyang ina, "kahit ano pa ang maging anyo mo, mabait ka pa rin at nananaig pa rin ang puso mo." Naglaho silang dalawa pabalik ng tore.
Nagulat ang lahat nung nalaman nila na si Minea pala ang kinakalaban ng mga Sang'gre ng Lireo. Hindi natuwa ang bunsong Sang'gre at sinabi niya kay Alena na, "Hindi talaga marunong maawa yan si Pirena at naging sakim pa siya, iipin mo ha, nagawa niyang bitawan si Amihan kahit na alam niyang ikakamatay niya ito.'' "Mabuti na lamang at tinulungan siya ng ating Ina." wika ni Alena.
Sa pagbabalik ng nilalang at ni Amihan sa tore agad kinuha ni Pirena ang susi at naglaho siya pabalik ng trono. Kinabahan si Amihan na si Pirena ang mananalo at naglaho na si Minea pabalik. Nagpanatili si Amihan sa tore at nalungkot siya.
Agad namang naglaho si Danaya at Alena papunta kay Amihan upang mapanatag ang kaniyang loob, "Ginawa mo ang lahat Amihan, binigay mo ang lahat ng makakaya mo." wika ni Danaya. Nagyakapan silang tatlo at bumalik na sila sa trono upang malaman ang balita tungkol sa kung sino ang nanalo.
Nagulat si Pirena kung papaano nalaman ni Amihan ang pagiibang anyo ni Minea at sinabing, "Mandaraya ka talaga Amihan, kahit kailan hindi mo makukuha ang korona ng ating ina sapagkat alam na naman ng lahat na ako ang mananalo kasi, ako ang nakakuha ng susi ni Ina at hindi kayong tatlo."
Wika naman ni Amihan na , "hindi mo siguro kilala ang ating ina Pirena, hindi niya tayo sinusugatan at kahit kailan hindi niya kakayaning makita tayong nasasaktan.''
Tinawanan ni Pirena silang tatlo at ipinakita niya ang susi, hindi natuwa si Danaya at muntik na niyang suntukin si Pirena. Sa lahat ng mga Sang'gre medyo may pagkalalaki si Danaya pero alam niya kung saan lulugar at alam din niya kung paano kontrolin ang kaniyang galit lalo na kapag nagagalit siya kay Pirena.
Nanahimik na ang lahat at nagwika na si Minea "Una sa lahat, binabati ko ang lahat ng anak ko sa pagbibigay ng lahat ng makakaya nila sa naganap na labanan namin. Hindi niyo ba alam na nahirapan ako sa labanan? Nahirapan ako kasi, ayaw ko na may masugatan sa inyo. Mabuti na lamang at hindi tuluyang nalaglag si Amihan."
Natamaan si Pirena sa mga sinabi ni Minea at yumuko siya dahil tila nahihiya siya sa kasakiman na ginawa niya sa hharap ng kaniyang ina. Nagsalita din si Pirena, "Bakit ba napakahalaga ang pagligtas kay Amihan pwede bang sabihin niyo na kung sino ang nanalo, at isa pa, tungkulin ng isang ina ang pagligtas ng kaniyang anak!"
Ngumiti si Minea at pinangaralan niya si Pirena, "Oo Pirena isa akong Reyna, pero isa rin akong Ina, mahal ko kayong lahat at hindi ba tungkulin niyo rin ang pagprotekta sa isa't isa? Sinabi ko sa inyo noon na walang ibang magkakampihan kundi kayo? dahil kayo ay magkakapatid at iisa ang dumadaloy na dugo sa inyo."
Hindi na nakinig si Pirena at binaliwala niya ang mga sinabi ng kaniyang Ina....
At biglang may inanunsiyo si Minea, "Bukas, malalaman niyo na ang bagong Reyna ng Lireo at pagiisipan ko pa ang mga bagay na ito."
Nabigla ang lahat sa mga sinabi ni Minea at nagtipon ang mga babaylan, huwes at ang reyna. Iniisip ni Pirena na siya na ang gagawing Reyna dahil siya ang nakakuha ng susi. Binati naman siya ni Gurna sa naggawa niyang tagumpay.
Kinabukasan,... nasasabik na ang lahat na marinig mula kay Minea, kung sino ang tatanghaling Reyna ng Lireo at hindi na rin makahintay si Pirena sa pagaakalang siya ang mananalo.. hindi niya alam na may pag-asa pang manalo si Amihan, Danaya, at si Alena sapgkat sinabi ni Minea na "magaling silang lahat"
At sinabi na ni Minea kung sino ang nagwagi...!!!
"Binabati kita,..... Amihan sapagkat ikaw ang nanalo at ikaw ang susunod na Reyna ng Lireo.. kaya hali ka! Tumabi ka sa akin sa trono ko at ipapakita ko sa lahat na ikaw ang nanalo."
Hindi natuwa si Pirena at sinabing "Ayaw mo talaga akong maging Reyna Ina!!!! Narinig ko kayo ni Imaw na pinaguusapan niyo na mas pipiliin niyong manalo silang tatlo kaysa sa akin!"
"Hindi ganun anak, ang susi na yan ay hindi ang susing sinasabi ko kundi ang susi ng pagiging mabuti at mapagmahal..at isa pa pinabayaan mo rin si Amihan sa pagkahulog niya sa tore na isang bagay na hindi dapat magingkatangian ng isang Reyna.:"
Hindi naniwala si Pirena at tinutukan niya ng sandata si Amihan...
Agad lumapit si Danaya at sinabing "Huwag mong hintayin na mapaslang kita Pirena dahil talagang napipikon na talaga ako sa kasakiman at kasamaan mo! Lapastangan!''
Kahit alam ni Pirena na labag ito sa batas, hinamon niya si Minea, "Sa ngalan ng buong Encantadia Ina! Hinahamon kita! Maglabanan tayo muli at kung manalo ako, ako ang gagawin mong Reyna ng Lireo at hindi ang lampang Amihan na yan!"
Nakakasabik na ang pangyayari.. papatulan kaya ni Minea si Pirena? Alamin yan sa susunod na kabanata.... Thank You!!
BINABASA MO ANG
Encantadia
FantasyIEncantadia 2016-2017 ( Credits GMA Network) "Hindi ang kayamanan o kapangyarihan ang nakakapagpaligaya ng isang nilalang kundi ang tibok at alab ng kanyang pagmamahal sa kanyang puso." to ay isang nakakamamangha na lugar kung saan makikita mo na an...