Chapter 42

800 21 3
                                    

Thank You Talaga sa support niyo!!! Thrice a week na siguro akog mag-uupdate dito... gusto niyo bang i-change ko ang ending comment lang kayo dito.. :)


Nagsasanay na ngayon si Paopao at si Amihan, isinasanay ni Amihan si Paopao sa kanyang kakayahan sa labanan, ngunit isa pa lamang siyang bata kaya gumawa at nag-isip ang Reyna ng paraan. Nagpakita si Cassiopeia sa kanyang Isipan.


Amihan, kailangan mong gabayan ang ligaw na batang yan, nagkamali ako dahil hindi lamang apat ang bilang ng Brilyante dito sa Encantadia... Ito ay ang ika-limang Brilyante. Alagaan mong mabuti ang batang yan upang hindi siya malagay sa panganib at hindi siya mawala sa landas. Malaki ang maitutulong niya sa iyo pero may kabaliktaran naman ang epekto ng Brilyante nito. Kailangan mo rin siyang ibalik sa kanyang pamilya sa nakatakdang panahon...

At nawala si Cassiopeia sa isipan ni Amihan...


Kaya, dahil sa kautusan ng Sinaunang Reyna ng mga Diwata, ginawa ni Amihan ang gusto nito. Sinanay niya si Paopao gamit ang kanyang Brilyante tinawag niya ang gabay diwa nito at isinamo niya sa kanyang katawan ang gabay diwa at nasanib pwersa sila kaya si Paopao at ang gabay diwa ay naging isa.


Bawat Brilyante, ay mayroong gabay-diwa, sila ang nagbibigay proteksyon sa nangangalaga nito at sila rin ang nagbibigay ng kagustuhan ng sinumang may hawak sa Brilyante. Kung sino ring may hawak sa mga Brilyante ay itinuturing panginoon ng mga gabay diwa, sila ay may kapangyarihan na elemento na nakabatay sa uri ng Brilyante.


Namangha si Amihan kay Paopao dahil sa pag-iisang tao nila sa Gabay Diwa. Hindi niya akalain na pwede palang mangyari iyon dahil ang pangyayaring ito ay minsan lamang nagaganap. Naramdaman din ni Amihan ang bilis at lakas ni Paopao matapos niyang labanan ang Reyna.


Binigyan din ni Amihan si Paopao ng isang payo, "Tawagin mo lamang ang iyong gabay diwa sa oras ng pangangailangan mo Paopao, at sana gamitin mo ang iyong Brilyante sa kabutihan lamang at bilang panlaban sa mga nilalang na gustong maangkin ito."


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Hindi pa alam nina Aquil ang nangyaring pagsasanay ni Amihan at ng batang ligaw. Hindi rin alam ng kahit sino na may kakayahan si Paopao na gawin ang pagsasanib ng kanyang gabay diwa sa ika-limang Brilyante.


Habang sa Lireo naman...


Tuwang-tuwa si Pirena sa kanyang tagumpay, ngunit hindi pa rin siya naging kontento sa dalawang Brilyanteng hawak niya. Tama ang narinig niyo, hawak na muli ni Pirena ang Brilyanteng hiniram ni Hagorn. Hindi rin siya nagpaalam sa kanyang ama kung saan siya pupunta at bigla na lamang siyang naglaho.


Nagtungo si Pirena sa puno ng Asnamon at dala-dala niya ang susi. Hindi rin alam ni Pirena na nasa mundo ng mga tao ang kanyang sariling anak. Hindi rin naman sumagi sa isip niya ang paghahanap sa kanyang anak dahil ang alam niya ay nakuha na niya ang Lireo at kukunin na niya ang naiwan niyang Brilyante ni Danaya sa kabilang mundo.


Kaya, binuksan ni Pirena ang lagusan at doon siya pumasok at ilang sandali pa ay makakarating na siya sa isang mundo, kung saan iniwan niya ang totoong anak ni Amihan na si Sang'gre Lira.


Habang si Danaya naman...


Naka-alis na si Danaya sa bahay kung saan siya kinupkop ng dalawang mababait na lalaki. Binalikan kasi niya ang lugar kung saan siya dumaan at kung saan niya binitiwan sa kanyang pangangalaga ang kanyang Brilyante.


Parang nawawalan na rin siya ng pag-asa dahil nalaman niya mula sa dalawang Encantado na wala silang ibang lagusan na nalalaman. Noon pa ay gusto na nilang makabalik sa Encantadia, pero ngayon, pinili na lamang nilang mamuhay sa mundo ng mga tao at hindi na muling inisip pa ang hinahangad nila. Nasanay na rin kasi ang dalawang Encantadong yun.


Naglakad-lakad pa siya hanggang sa nakarating siya sa simbahan. Wala nang tao dun, ang naririnig lamang niya nung lumapit siya sa pintuan ay ang apoy ng kandila na nakatirik sa labas na pilit pa ring tumatayo kahit na gaano man kalakas ang hangin. Umikot siya at pinuntahan niya ang puno o ang lagusan.


Umiyak siya, hindi niya alam kung bakit siya umiiyak, naalala niya na sa lahat ng kanyang kapatid siya ang tipong hindi iyakin at seryoso lamang sa utos ng kanilang Ina. Hinawakan niya ang puno, hinimas niya ang magaspang na balat nito at tanaw niya ang mga dahon na iniihipan ng malakas na hangin.


Sumigaw siya sa punong kahoy... "Hindi mo ba pagbibigyan ang hiling ko? Nais ko lamang makabalik sa Encantadia dahil wala akong nagawang kasalanan at gusto ko lamang tulungan ang aking kapatid laban kay Hagorn. Paki-usap buksan mo na ang iyong lagusan!"


Naisipan na niyang maglaho, at biglang may liwanag siyang nakita... nagmumula ito sa puno! "Avisala Eshma! Pinagbibigyan mo ba ako sa aking hiling!!!" Tuwang tuwa na si Danaya nang biglang nakita niya si Pirena, binati niya si Danaya, "Avisala, hindi ko alam na makikita ko pala agad ang hinahanap ko!"


"Bakit mo ako hinahanap Pirena at nasaan si Amihan." "Ako si Reyna Pirena, at hindi na si Amihan ang Reyna doon napatalsik ko na siya at gusto kong makuha sa iyo ang iyong Brilyante." pagmamayabang ni Pirena.


Ayaw ni Danaya na ibigay ito at wala naman talaga ito sa kanyang pangangalaga...


Kaya, inilaban ni Pirena ang kanyang kapangyarihan.... itinama niya ito kay Danaya.,


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


ANo na kaya ang mangyayari kay Danaya?





Thrice a week lang ang update ko :(

EncantadiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon