Chapter 34

425 17 2
                                    

Gabing-gabi na pero, pinili na ni Milagros at ginawa na niya ang kanyang desisyon, naglaho na siya dala ang mga gamit niya papunta sa isang "appartmanet" at doon na siya maninirahan kasama si Muyak... dahil gusto na niyang umalis sa kanyang Tiyo Berto na malupit.


Nakarating na sila sa bagong bahay nila, at huminga  ng malalim si Lira, dahil iniisip niya ang babayaran niya doon at sapat lamang ang kanyang trabaho para dun. Nagulat siya ng makita niya doon ang isang babae at lalaki.


Agad na lumapit sa kanya si Muyak at sinabi nito, "Milagros... Lira!! Hindi ako nagkakamali sa nakita ko!" "At ano naman iyon..?" tanong ni Lira. "SHshshsh.. huwag mong lakasan ang iyong boses, dahil nakita ko ang iyong Ashti Alena na nandirito kasama si Hitano."


Tumingin si Lira sa kanya ng may pagkahalong pagtataka, "Diba sinabi mo sa akin na ang Pangalang.. hit.. hi.. Hitano na iyon ay hindi gusto ni Ashti Alena.. kaya bakit siya sasama sa kanya, at isa pa! Baka magkapareho lang talaga sila ng mukha, at ano ang ginagawa ni Sang'gre Alena kung siya nga iyon".


Hindi na napigilan ni Muyak ang kanyang sarili sa nadarama niyang pangamba na baka ito na ang hinihintay niya kaya nagpakita siya sa dalawa... Sinubukan ni Lira na pigilan siya pero wala siyang maggawa dahil kinausap ni Muyak ang dalawa, "Sang'gre Alena? Anong ginagawa mo dito? at Bakit mo kasama ang Pashneyang Hitano na yan.. halika sumama ka sa amin." Lumayo ng kaunti si Alena kay Muyak at parang hindi ito nakikilala ng kanyang kaibigan.. nagulat at umiyak siya.


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.



Walang sagot na nakuha si Muyak kundi ang pagkahiya lamang niya nung sinabi ni Hitano na, "Ako ay si Berdano at hindi Ale..Alena ang pangalan niya kundi Akesha, kaya maiwan niyo na kami papasok na kami sa loob." at umalis si Hitano hawak ang kamay ni Alena.


Tinawanan ni Lira si Muyak pero sinigurado naman ni Muyak, "Kung hindi siya galing sa Encantadia.. bakit hindi siya natakot sa akin? at sigurado ako na si Hitano yun at si Ashti Alena mo ang nakita natin, swerte tayo at dito tayo lumipat, pero kailangan pa rin nating malaman ang totoo."


"Tama ka naman, pero kailangan nating pagmasdan ang kilos niya at kung paano niya napasunod si Ashti Alena na gayung alam niya na ayaw na ayaw ni Alena ang mga taksil na gaya ni Hitano."


Sa mundo din naman ng Encantadia...


Biglang nagpunta si Pirena sa silid kung saan nakatago ang mga armas ng Lireo maging ang mga armas ng sinaunang panahon. Nandoon rin nakalagay ang mga kalasag na ginagamit lamang sa marahas na digmaan at nasisigurado ng taksil na si Pirena na gagamitin iyon ng kanyang kapatid kaya may ginawa siya.


Naisip na niya ang mga bagay na ito at ito ay pinaghandaan na niya gamit ang kanyang Brilynate, "Brilyante ng Apoy, inuutusan kita, na sa oras na gamitin ang lahat ng sandata na na ririto ng sinumang kakampi ni Amihan ay ipadama mo sa kanila ang nagbabagang init mo." at issinara ni Pirena ang kanyang palad.


"Magaling! Akala ko ba ay tunay ka nang nagbago!!" wika ng isang lalaki... at ito ay si Asval... "Manahimik ka na lamang Asval dahil sisiguraduhin ko na mapapabagsak namin ang Lireo at makukuha ko ang Korona, huwag kang mag-alala makikinabang ka rin."


"Inaasahan ko ang iyong mga salita Pirena pero, sa oras na pagtaksilan mo ako isusumbong ko kay Reyna Amihan ang lahat ng ginawa mo Hahahahaha!" at umalis si Asval.. ganun din si Pirena naglaho siya nung nakita niya na may dumaan na apat na kawal.

Balik naman tayo sa mundo ng mga tao...


Biglang gumising si Danaya dahil sa malakas na pagsabog sa mundo ng mga tao. Narinig niya ito at natakot siya, akala niya kung ano, hindi niya alam na mga tambol pala iyon dahil sa nagaganap na pista.


Hindi niya magawang maglaho, dahil hindi niya kabisado ang lugar sa mundo ng mga tao, kaya naghintay lamang siya doon. Namangha siya sa nakita niya dahil may mga pumaparadang makukulay ang suot at nabigla din siya dahil hindi niya nalaman na marami na palang tao ang nakapaligid sa harapan niya.


Nung tumugtog ang mga trumpeta, ang buong akala niya ay iyon ang simbolo ng digmaan kaya, hinanda na niya ang kanyang mga palad at unti-unti niya itong binuksan, upang mailabas niya ang Brilyante ng Lupa. Hindi niya ito itinuloy dahil may nararamdaman siyang kakaiba.


Naglakad-lakad na lamang siya at nakarating siya sa lugar kung saan napakaraming tao ang nandoroon. Wala siyang kaalam- alam na iyon ay palengke pala. Nakita niya na may lote doon na walang nakatayong bahay at lumapit siya doon ginamit niya ang brilyante ng lupa upang gamutin ang sugat niya..


Ang nararamdaman na kakaiba ni Danaya ngayon, ay ang mangyayari sa kanyang kapatid na si Amihan na naiwan sa Lireong Mag-isa at ang pakiramdam na mananalo na si Hagorn dahil nakahanda na ang kanilang hukbo at naghihintay na lamang sila ng pahintulot nii Pirena at utos mula kay  Hagorn.









Thank You for Reading!!! Mga Silent Readers! Vote naman kayo diyan at comment... maaapreciate ko yun..

EncantadiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon