Si Minea ay nagdarasal na kay Emre na sana bigyan si Amihan ng isang lalaking diwata na tunay na magaalaga sa kanya at sa kanyang magiging anak.... Alam na ni Minea kung ano ang mangyayari sa panaginip, kapag naghawakan na ng kamay ang Reyna at ang lalaking itinakda sa kanya, may guhit bulaklak sa palad ng isang Reyna na palatandaan na siya ay nagdadalang diwata...
Natutulog na ng mahimbing si Amihan at nakita niya ang lalaki sa kanyang panaginip...
Sa panaginip ni Amihan...
Maraming kahoy ang lugar na nakita niya, hindi pa niya nakikita ang lalaking itinakda ni Emre. May isang palantandaan kasi kung ang lalaki ba ay itinakda para sa kanya, kung ang lalaki ay hahawak sa kamay niya, at ito ay lumiwanag, siya ang itinakda.
Nakita ni Amihan ang isang nilalang at umupo siya katabi ang lalaking diwata na iyon. Nagusap silang dalawa at binati ang isa't isa "Avisala!". Tila nagtataka pa si Amihan kung ano ang gagawin, "Ecantado, alam ko na ikaw ang ipinadala ni Emre upang maging ama ng anak ng natin maari ko bang malaman ang pangalan mo?"
"Isang malaking karangalan ang maging ama ng anak mo mahal na Reyna, ako pala si Ybarro." wika ni Ybarro sa mahal na Reyna.
Nagulat si Amihan at inisip niya na siya ang Ybarro na snasabi ni Alena na kanyang iniibig at hindi niya gusto na sirain ang kanilang relasyon kaya muntik nang hindi itinuloy ni Amihan ang kanilang gagawin.
Natatakot din si Ybarro na baka, masaktan niya ang damdamin ni Alena na kanyang kapatid pero dahil kagustuhan ito ni Emre hinawakan ni Ybarro ang kamay ni Amihan at ito ay lumiwanag at nagkaroon ito ng bulaklak na marka.
Natulog na nang mahimbing si Amihan at hindi pa alam ni Minea na ang kanyang anak ay nagdadalang diwata na ngayon.
BINABASA MO ANG
Encantadia
FantasyIEncantadia 2016-2017 ( Credits GMA Network) "Hindi ang kayamanan o kapangyarihan ang nakakapagpaligaya ng isang nilalang kundi ang tibok at alab ng kanyang pagmamahal sa kanyang puso." to ay isang nakakamamangha na lugar kung saan makikita mo na an...