#76 in Fantasy you guys are so AMAJING!!!!
Ang Digmaan sa Lireo
Suot na ni Ybarro ang bago niyang baluti bilang prinsipe ng Sapiro...
Nagulat si Aquil at si Muros sa kanilang nakita nung sila ay nageensayo ng mga kawal sa Lireo, nakita nila na may apoy na nanggagaling sa Kaharian ng Hathoria at nilapitan nila, kitang kita nila ang pagwagayway ng mga Hathor sa kanilang watawat at ang pagsigaw ni Agane, "Patayin si Amihan at ang lahat ng kaanib niya!"
Hindi na nagdalawang isip pa sina Muros at ang Mashna ng Lireo kundi magbalik na sa kanilang palasyo at bigyang babala ang kanilang Mahal na Reyna Amihan.
Pagdating nina Muros at Aquil, agad niang inutusan ang mga kawal, "Kayo magbantay kayo sa timog, hilaga, silangan at kanlurang torre at ang iba sa inyo bantayan niyo ang trono pati na ang mga silid ng mga Sang'gre! Ena-i (bilis)"
Sumunod sa kanila ang mga kawal at agad nilang pinuntahan ang mga lugar at torre at nakita nga nila na papalapit na si Hagorn. Nagtaka naman si Nunong Imaw kaya tinanong niya si Aquil, "Bakit ka nagmamadali Aquil?" "Samahan niyo nalang ako kay Reyna Amihan at doon ako magpapaliwanag." sagot niya.
"Agape Ave (paumanhin) mahal na Reyna, sa pag-gambala ko sa inyo, ngunit may mahalaga akong balita sa inyo." "At ano iyon Aquil?" tanong ni Amihan... Nagpaliwanag naman si Aquil, "Nakita ko ang mga Hathor na pinangungunahan ng knilang Hari at patungo na sila ngayon dito at naghahanap sila ng digmaan, marami sila mahal na Reyna at may mga bagong sandata pa sila."
Kinabahan si Amihan dahil marami sila, may mga bagong sandata at higit sa lahat, alam na ni Amihan na may malakas na kapangyarihan na si Hagorn na nanggaling sa isinumpang Bathaluman na si Ether. Kabado siya dahil wala siyang kapatid natutulong sa kanya.
Pinahanap niya si Pirena at inutusan niya si Ikarus na iparating kay Pirena ang balita na nandito na si Hagorn at kailangan niya ang tulong niya. Kawawa naman si Amihan, wala siyang alam na kasali pala ang taksil na Pirena sa binabalak ni Hagorn.
Naglaho si Amihan tungo sa silid ni Lira upang siya ay ihanda na at upang siya ay makatakas na. "Lira, aking anak, gumising kana, nandito na naman ang pashneyang si Hagorn at magkakaroon kami ng Digmaan kaya tumakas kana."
Umiyak naman si Ades sa kanyang tabi at sinabing, "Mahal na Reyna, hindi gumigising si Lira kahapon pa yan." Ginamit ni Amihan ang kanyang Brilyante, "Hangin, gisingin mo ang aking anak at ibigay mo uli sa kanya ang lakas ng katawan niya."...
At nagising si Lira... Agad niyang niyakap si Amihan at sinumbong niya, "Ina! Nagpaplano si Pirena na salakayin ang ating palasyo at makakasama niya si Hagorn at ang mga Hathor, may binabalak din siyang paslangin ka ! at..." hindi na nagpatuloy si Mira.
"At ano anak ano pa ang binabalak niya" Naisip ni Mira na baka ikagalit ni Amihan ang tungkol sa kanyang totoong anak at tungkol sa kanyang totoong sarili kaya itinago niya ito, "At ginamitan niya ako ng Brilyante upang ako ay makatulog''.
"Maghanda na kayo may labanan na magaganap dito sa Lireo." pinutol ni Aquil ang babala ni Amihan at sinabing, "Mahal na Reyna nandito na sa palasyo ang ating mga kaaway!" Naglaho si Amihan at pinabantayan niya si Lira kay Ades, ngunit naglaho din ito tungo sa trono.
Pumunta naman sina Muros at Aquil sa silid ng mga armas, ngunit hindi nila ito mahawakan dahil napakainit nito, dahil ito sa sumpa na binitiwan ni Pirena... ang brilyante ng tubig ang kailangan nila, pero hindi nila alam na si Pirena ang may hawak nito.
Sa punong Bulwagan naman, Nagtungo si Amihan at doon niya nakita si Lira na hawak ang kanyang mga kamay at nakita din niya doon ang taksil na si Pirena... Naglabanan sila at natumba si Pirena ngunit hindi maggawa ni Amihan na paslangin siya, dahil sa pangako niya kay Minea na magkaka-ayos silang apat.
Malakas naman ang loob ni Pirena kaya tumayo siya at nilabanan niya muli si Amihan. Nagliliyab ang kanyang mga espada at natamaan si Amihan, Nagkaroon ng sugat si Amihan at hindi niya ito pinapansin kahit na nararamdaman niya ang hapdi nito..
Mula kay Wantuk, nabalitaan ni Ybrahim na nangangailangan ng tulong sina Amihan dahil sa poagsalakay ng mga Hathor kaya nagtungo siya doon kasama ang mashna ng mga Sapiryan na si Alira Naswen. Nakalaban ni Ybarros si Hagorn hindi naging patas si Hagorn sa labanan at tmilapon si Ybarro sa kapangyarihan na ginamit niya.
Nilabanan din si Hagron ng mga kawal na dala ni Ybrahim kasali na si Alira, ngunit naging malakas sila ... Marami na ang nasawi at nalaman na ni Amihan mula kay Pirena, "Wala na kayong magagamit na armas dahil napakainit na nito!!!
Kahit na labag sa kanyang kalooban.. Ginamit na ni Amihan ang kapangyarihan ng Hangin..."Brilyante ng Hangin...Inuutusan kita kunan mo ng hininga ang lahat ng Hathor at ang lahat ng kadugo at kaanib nila!!:" Nanghina si Pirena at si Gurna, nahirapan silang Huminga, namatay rin ang mga kawal ni Hagorn..
Ngunit hindi naapektuhan si Hagorn dahil sa pangangalaga ni Ether... at may nahirapang huminga na kilalang kilala ni Amihan at nagulat silang lahat kung sino ito!!
THANK YOU TALAGA!!! Next Update Will be on MONDAY! THE part two of this chapter
BINABASA MO ANG
Encantadia
FantasyIEncantadia 2016-2017 ( Credits GMA Network) "Hindi ang kayamanan o kapangyarihan ang nakakapagpaligaya ng isang nilalang kundi ang tibok at alab ng kanyang pagmamahal sa kanyang puso." to ay isang nakakamamangha na lugar kung saan makikita mo na an...