Dahil sa maling akala nila na patay na ang Prinsipe ng Sapiro... umalis si Alena sa palasyo ng Lireo na walang kaalam-alam si Reyna Amihan. Nagalala na ng husto si Amihan dahil hindi na niya nakita si Alena sa palasyo.
Habang sa kaharian naman ng Sapiro... naisipan na ni Ybarro na magpakita na at sabihin ang totoo tungkol sa kanyang pagkamatay. Natuwa naman ang mga Sapiryan at nagdiwang sila Wantuk, Alira at iba pang mga kasama dahil sa pagbabalik ng Prinsipe...
Minamasdan ni Prinsipe Ybrahim kung sino yung mga tao na dumarating sa Lireo pero hindi niya nakita ang kanyang minamahal na Sang'gre na si Alena. Naghintay si Ybarro hanggang umabot ang gabi.
Sa paglalayas naman ni Alena... Nakitra siya ng dalawang taksil na si Hagorn at ni Pirena. Agad na pinagplanuhan ni Pirena na paslnagin na kaagad si Alena habang walang nakakakita sa kanila. Pero nagulat siya nung marinig niya si Alena na kinakausap ang tubig, "Brilyante ng Tubig, inuutusan kita! Gumawa ka ng daluyong at pataytin mo ako!"
Inulit ni Sang'gre Alena ang pagsusumamo niya sa kanyang Brilyante, "Inuutusan kita, bilang taga-pangalaga mo! Sundin mo ako.. ilang sandali naghintay si Alena pero hindi sumunod sa kanya angh kanyang Brilyante ng Tubig.
Narinig nga ito ng dalawang may planong pumaslang kay Alena at sinabi ni Pirena habang siya ay ngumingiti, "Gusto na niya palang mamatay eh... hindi naman siguro sasabihin ng ivtre (kaluluwa/multo) niya na ako at ikaw ang pumaslang sa kanya kaya huwag kang Duwag Hagorn!"
Lumapit ng konti si Pirena sa kinaroroonan ni Alena pero, pinigilan siya ni Hagorn, "Alam ko ang isang paraan upang makuha mo ang kanyang Brilyante na wlang kahirap hirap, kaya makinig ka na lamang o gusto mong mamatay diyan, alam mo naman na malapit siya sa tubig kaya mas malakas siya ngayon."
Naging interesado si Pirena sa iminumungkahi ni Hagorn, "Diba may kakayahan kang manggaya ng mukha ng sinumang nilalang dito sa Encantdaia? kaya gayahin mo si Bathalang Emre at kunin mo sa kanya ang kaniyang Brilyante na walang kahirap hirap.
Ginawa iyon ni Pirena, "Alena... (ginamit niya ang mukha, wangis at boses ni Emre) Makinig ka sa akin. Kung ayaw mo na sa iyong Makapangyarihang Brilyante, isauli mo na yan sa akin at maghahanap ako ng ibang diwatang maging bagong tagapangalaga nito. Kaya ibigay mo na sa akin Alena."
Walang ibang naggawa si Alena kundi sundin si Pirena na nagpapanggap bilang si Emre. Nagtagumpay din si Pirena kaya, umalis na si Hagorn, dahil nalaman ni Hagorn na naghahanap na sina Amihan, Danaya, Aquil at Muros kay Alena kaya umuwi na siya sa Hathoria.
BINABASA MO ANG
Encantadia
FantasyIEncantadia 2016-2017 ( Credits GMA Network) "Hindi ang kayamanan o kapangyarihan ang nakakapagpaligaya ng isang nilalang kundi ang tibok at alab ng kanyang pagmamahal sa kanyang puso." to ay isang nakakamamangha na lugar kung saan makikita mo na an...