Nahihiya na si Milagros sa isang taong kumupkop at nagalaga sa kanya kaya naisipan niyang magtrabaho na lamang o di kaya ay tumulong sa pagtitinda ng kanyang Ina. Tumigil na sa pag-aaral si Milagros at tumulong na lamang ito sa kanyang ina.
Kaya naghahanda na si Milagros ng mga paninda nila at magtutungo na sila ng kanyang Ina na si Amanda sa Parke mamaya at doon sila magtitinda ng mga gulay, basahan, dyaryo at kung ano-ano pa. Ito lang kasi ang paraan na alam ni Amanda upang kumita kahit na pinapaalis sila sa Parke.
Hindi naman sila nagiisa marami ring mga kapus sa pera ang nagtitinda doon at parang naging isang Market na ang Parke dahil marami na doong nakalatag na mga paninda at mga pagkain at kung ano ano pang mga negosyo ng mga mamamayan doon. Kadalasan nandoon ang mga hindi nakapagtapos ng pag-aaral gaya ni Lira.
Talagang nakaka-awa si Milagros doon, dahil sa init at sa usok ng paligid at minsan sa mga masasakit pa na mga salita na binabato sa kanya ng mga mayayaman na dumadaan. Pinapatulan minsan ni Amanda ang mga ito, pero si Milagros naman ang pumipigil sa kanya. Ayaw ni Lira ang gulo at natutuwa si Muyak na makita ang birtud ni Lira.
Matumal ang yata ang benta nila Milagros at Amanda.. Hindi nagsasalita si Amanda kay Milagros at hinahawakan lamang niya ang kanyang mga kamay at nais nitong ipahiwatig sa kanya na humihingi siya ng tawad sa buhay na ibinigay niya kay Milagros.
Niyakap naman ni Milagros ang kanyang Ina at nais din nitong sabihin na mahal na mahal niya ito kahit na anu pa mang mangyari sa buhay nila. Naputol ang katahimikan nilang dalawa nung sumigaw ang taa-paninda ng dyaryo sa kanto, "May mga PULIS!!! Takbo na kayo."
Para namang mga kildat sa pagkabilis ng mga tao na nanininda doon sa parke. Mabilis silang nag-ligpit ng mga gamit nila at mabilis din silang tumakbo habang dala-dala ang mga paninda nila. Si Amanda na lamang at si Milagros ang natitira sa parke.
Sinubukan ni Milagros at Amanda ang tumakbo pero gaya ng iba, naabutan na rin sila ng mga pulis. Nakita ni Berto ang nangyari sa kanila at agad itong tumakbo tungo sa kanila at tinulungan niya sila. Hinawakan ng isang pulis si Milagros pero sinipa niya ito at agad siyang naglaho.
Naglaho siya tungo sa isang kahoy at doon pumunta si Muyak. Rinig na rinig ni Milagros ang sigawan ng mga pulis, "Nasaan yung babae na nandito!". Maging ang kanyang tiyuhin na si Berto ay hindi makapanilwala. "Huwag kang mag-alala Lira, tutulungan ko ang iyong nanay." wika ni Muyak.
Ginamit ni Muyak ang kanyang munting kapangyarihan, naglaho naman si Milagros pabalik sa kanyang nanay at tinulak niya ang mga pulis, gumawa rin ng isang lubid si Muyak at nadapa ang isa. Tinulak din ni Berto ang pulis na nakahawak kay Milagros, "Tulungan mo ang iyong kasama." at tumakas silang tatlo...
Pag-uwi nila nagpasalamat si Amanda kay Milagros sa ginawa nitong katapangan. Agad namang tinulak ni Berto ang anak anakan ni Amanda habang si Amanda ay pumunta sa loob upang magkuha ng maiinom. "Ikaw isa kang kakaibang nilalang isa kang bruha, wala kang karapatan na manirahan pa rito!"
Pinagtanggol naman ni Milagros ang kanyang sarili, "Hindi ikaw ang nagmamay-ari ng bahay na ito at isa pa, wala ka ring karapatan na sigawan ako dahil hindi ikaw ang nagpalaki sa akin, kung bruha man ako, tingnan mo ang sarili mo isa kang demonyo."
At biglang lumakas ang hangin....
Umalis si Berto sa bahay ni Amanda at nagtungo ito sa lugar na paborito niya, ang lugar na maraming lalaki na gaya niya na walang trabaho at puro lasing at inuman lamang ang nalalaman ang lugar kung saan nagtatago ang mga kriminal.
Walang alam si Amanda na nagtatago ang mga kriminal at ang mga magnanakaw sa lugar na iyon, at lalong kawawa siya dahil ang akala niya ay nagtatrabaho ng marangal ang kanyang kapatid na si Berto, subalit ito ay lasing ng lasing lang pala.
Minsan rin nagnanakaw si Berto ng mga kinikita ni Amanda sa kanyang silid na hindi nalalaman ni Amanda at ni Milagros. Nakikita rin minsan ni Muyak na humahawak ng baril ang tiyuhin ni Milagros. Hindi pa sinasabi ni Milagros sa kanyang ina ang mga bagay na ito dahil ayaw na niya na dagdagan pa ang problema nito.
Habang sa mundo naman ng Encantadia...
Sa gubat ng Hathoria, hindi naisipan nina Amihan na magtungo doon dahil akala nila na hindi na humihinga si Alena at totoo ngang patay na siya. Pero nandoon sina Alena at Hitano at ayaw ni Hitano na makilala sila kaya binago niya ang kanilang mga pangalan. Si Alena ay naging si Akesha at si Hitano ay naging si Berdano. Nalaman na rin ni Pirena na binago ni Hitano ang mga pangalan nila kaya, nagtungo siya doon.
Masayahing bata si Mira kahit na ayaw siyang kilalanin ng kanyang totoong ina bilang si Mira. Nagtataka lamang siya kung bakit panay ang paglalaho ng kanyang Ina tungo sa hindi nalalamang lugar.
......
"Akesha, may tanda ka sa iyong likuran, ito ay isang tanda ng isang sumpa kaya itago mo ito at huwag mo itong ipakita kahit ninuman upang hindi ka masaktan at mahanap ng nagsumpa nito sa iyo." wika ni Hitano este Berdano. "Oo itatago ko ang marka na ito." wika naman ni Akesha...
Nagulat naman si Akesha sa pagpapakita ni Sang'gre Pirena. Hindi niya nakikilala ito dahil nakalimut nga siya, pero parang pamilyar ang kanyang mukha. Parang may sasabihin si Pirena na mahalaga sa kanila.
****************************************************************
DEAR READERS!! THAK YOU VERY MUCH>>>> ano na kaya ang sasabihin ni Pirena kay Akesha t Berdano??? #lateupdate
BINABASA MO ANG
Encantadia
FantasyIEncantadia 2016-2017 ( Credits GMA Network) "Hindi ang kayamanan o kapangyarihan ang nakakapagpaligaya ng isang nilalang kundi ang tibok at alab ng kanyang pagmamahal sa kanyang puso." to ay isang nakakamamangha na lugar kung saan makikita mo na an...