POV ni Gurna
Kailangan talagang galingan ng alaga ko ang pagsubok na ito. Kailangan siya ang maging Reyna ng Lireo sapagkat makikinabang din naman ako kapag magkakatotoo ito. Hindi ko na kaya ang pagiging isang dama dito. Isa pa yang Ades na yan na kung maka-utos akala mo kung sino.
Ano kayang klaseng pagsubok ang ibibigay ng Reyna Minea sa kanila, siguro naman hindi ito ganun ka hirap para sa mga Sang'gre kasi alam ko na "puso" ang pinaiiral ni Minea sa kanyang mga anak at hindi ang kaniyang utak.
Basta, susuportahan ko si Pirena kahit anumang mangyari at kokontra ako kapag wala siyang ginawa kung manalo man, ang kaniyang ibang kapatid. Hindi karapatdapat sina Amihan, Alena at maging si Danaya na maging Reyna.
POV ng Apat na Sang'gre
Nakita ni Amihan si Alena na nagaayos ng kaniyang buhok at sinusuklayan ito at sinuot ang kaniyang korona na gawa sa bulaklak ganun din si Danaya para bang may pupuntahan sila na pagdiriwang pero, hindi nakita ni Amihan si Pirena.
Lumapit si Amihan at sinabing "Alena, Danaya naghahanda ba kayo para sa pagsubok?:" sumagot naman si Alena... "Sinusubukan lang namin kung bagay ba kaming maging Reyna" Tinanong naman ni Danaya si Amihan, "Bagay ba sa amin Adeya Amihan?'' "Oo naman magaganda kayo, at bagay na bagay sa inyo ang korona."
Nakinig pala si Pirena sa kanila at sinabi niyang "kahit na magkampihan pa kayong tatlo, alam naman ng lahat na wala ni isa sa inyo ang nababagay na magsuot ng korona, maliban na lamang kung ang korona na bulaklak ang sinasabi niyo, ay talagang bagay sa inyo.."
Nainis si Danaya at pinigilan na niya ang kaniyang sarili dahil ayaw niyang magpakita ng masamang ugali at hindi kanais nais na gawain sa harap ng mahal na Reyna, lalo na ngayon na alam nila na inoobserbahan na sila ng Mahal na Reyna sa bawat kinikilos na gawin nila.
Hindi na nagpatumpik- tumpik pa sila at lumabas na sila sa silid at nagtipon-tpon salugar malapit sa trono. Nakita nila na marami nang diwata, mga adamyan at sapiryan ang naghihintay na makita silang harapin ang kanilang pagsubok. Nakita rin nila ang mga babaylan at puno ng mga huwes na kasamang magdedesisyon kung sino angkarapat dapat.
Noon kasi, ang pagpili ng Reyna ay hindi mahirap sapagkat si Inang Minea ay mas nakakatanda kaysa ni Ashti Amihan. Kaya napili si Minea na maging Reyna ng Lireo at naging tagapagmana ni Reyna Esmeralda, ang ina ni Amihan at Minea.
BINABASA MO ANG
Encantadia
FantasyIEncantadia 2016-2017 ( Credits GMA Network) "Hindi ang kayamanan o kapangyarihan ang nakakapagpaligaya ng isang nilalang kundi ang tibok at alab ng kanyang pagmamahal sa kanyang puso." to ay isang nakakamamangha na lugar kung saan makikita mo na an...