Chapter 32

431 17 6
                                    

THANK YOU SA SUPPORT NIYO!! #108 in Fantasy..!!!  Feel free to comment..

Balik na tayo sa storya...


Nararamdaman na talaga ni Pirena na magtatagumpay na siya sa kanyang binabalak, ngayon ay patungo na siya sa mga kawal ng Lireo upang gawin ang kanyang pinaplano. Habang, sa silid naman ni Danaya nagpunta ang Reyna Amihan upang sabihan siya sa isang mahalagang bagay.


"Danaya alam mo kung gaano ko kamahal ang aking anak na si Lira (si Mira yung tinutukoy niya)... pero parang may kakaiba akong nararamdaman." wika ni Amihan. Tinanong naman siya ng kanyang bunsong kapatid, "Bakit mo naman nasabi iyan Amihan, napapagod ka lang siguro."


"Hindi Danaya, sa bawat hininga ni Lira ay nararamdaman ko na para bang hindi ko siya anak pero sana mali yung kutob ko tungkol dito, sana ay tama ka na anak ko nga siya." paliwanag ni Amihan. "May sasabihin din ako sa iyo Amihan."


Pinagpatuloy ni Danaya ang kanyang pagsasalita, "Iba rin ang kutob ko ni Pirena alam ko na nagbago na siya, pero lagi siyang nawawala, tapos hindi pa nagpapa-alam kung minsan at isa pa, parang alam na alam niya ang lahat tungkol kay Lira.... sige na nga mabuti pa't kumain na tayo," Nagtungo ang dalawa sa isang mesa at kumain.


Hindi alam ni Amihan na may nakarinig pala sa usapan nila at yun ay walang iba kundi si Gurna. Agad itong naglakad ng mabilis at nagtungo sa silid ni Sang'gre Pirena pero natakot siya dahil nawala na ito sa kanyang kama.


Sa isang bahagi naman ng Lireo, kung saan nagsasanay ang mga kawal at nakatira ang mga inosenteng nilalang, nagtungo si Pirena...


Ginamit niya ang kanyang kapangyarihan na mang-gaya ng wangis, anyo at boses ng isang nilalang. Sa lahat ng Encantado na pwede niyang gayahin, ginaya niya ang kanyang bunsong kapatid na si Danaya, ginawa niya iyon upang siraan si Danaya at dumihan ang kanyang reputasyon. Sa isang iglap ay nagbago ng anyo si Pirena...


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.



Naglakad siya tungo sa mga mamamayan... Binati siya ng mga ito, "Avisala Mahal na Sang'gre." Wala man lang imik si Danaya at nagtaka ang mga mamamayan kung bakit ganun ang kanyang pag-uugali, ilang segundo pa ay nagsalita na ito. "Hindi niyo ako kilala, ako ay isang matapang na diwata at hindi gaya ni Amihan na lampa!"


Muntik nang ilabas ng pekeng Danaya ang kanyang Brilyante pero naisip niya na kapag ginawa niya iyon, makikita nila ang kanyang Brilyante ng Apoy at malalaman agad ito ni Amihan dahil siya lamang ang may kakayahan na manggaya ng nilalang. Kaya ginamit na lamang niya ang kanyang sandata..


Pinaslang ni Pirena ang dalawang kawal at ninakaw niya ang mga ginto na minimina ng mga diwata doon. Tumawa ng malakas si Pirena at naglaho pabalik ng Lireo, pabalik sa kanyang silid at nabalik na rin ang kanyang mukha bilang si Pirena.


"Saan kaba nanggaling?'' pag-aalalang tanong ni Gurna. "Huwag mo akong alalahanin Gurna, magtungo ka na lamang sa Hathoria at sabihan mo si Hagorn na sa makalawa ay susugod na tayo... may mawawala rin sa mga kapatid ko. hahahaah" wika ni Pirena.



Kinabukasan... nabalitaan ito ni Reyna Amihan at tinawag niya ang dalawa niyang kapatid at ang mga huwes sa pagpupulong sa ginawa ni "Danaya". Ang mga salita lamang na lumabas sa bibig ni Amihan ay, "Bakit ito ginawa ni Danaya... Hindi ako makapaniwala."


Agad namang naglaho si Danaya tungo sa trono at ganun din ang mapagpanggap na si Pirena, hindi rin nila pinapunta si Lira dahil bata pa siya para make-alam sa ganitong sitwasyon... Magaganap na ngayon ang paglilitis kay Danaya.


Aquil: Hayaan muna nating magsalita si Sang're Danaya..

Danaya: Wala akong kasalanan, tama ang narinig niyo na umalis ako ng Lireo nung panahon na iyon pero, wala akong ginawang pagpatay at hindi ako nagnakaw sa mga diwata. Maawa ka sa akin Amihan

Amihan: Alam mo Danaya na hindi kita maggawang saktan kaya mo ba ito ginawa? Nakita ka ng lahat ng biktima doon na anyo mo at boses mo ang nakita at narinig nila. Kaya naman Danaya maawa ka sa sarili mo, huwag ka nang magsinungaling, dahil lalaki lamang ang kasalanan mo kapag magsisinungaling ka...

Pirena: (binulong niya kay Amihan ito at nilalason niya ang isip ni Amihan) Huwag mong Hayaan na ganyanin ka ni Danaya, isa itong kamalasan at dumi sa pangalan mo kaya paslangin mo na siya.

Amihan: Alam ko na ang parusa rito ay kamatayan pero bilang isang kapatid ay naaawa ako sa kanya at bilang isang Reyna ay naaawa din ako sa mga nasawian dahil sa kanya.

Danaya: Amihan! Hindi nga ako ang may kagagawan nito! Makinig ka naman sa akin, Amihan! Huwag kang maniwala sa taksil na yan!

Pirena: At sino ang tinatawag mo na taksil ang sarili mo ba?

Danaya: Pashneya!!!

Amihan: Danaya, iwan mo muna kami, Aquil, samahan mo siya at bantayan mo siya upang hindi siya tumakas habang pag-uusapan pa namin ang parusa sa kanya.

Danaya:  Papatunayan ko sa iyo Amihan na wala akong kasalanan maniwala ka...


Niyakap ni  Danaya si Amihan at tumulo ang luha ni Amihan, wala siyang maggawa dahil may sapat na ebidensiya siya na si Danaya ang may gawa nun...







Ano ba Pirena!! Lahat ba aagawin mo! Wala kang hiya..,inosente si Danaya huy!!

Thank You sa  2.2 k OMG..!!!! WHOJHOHOHOHOH!!! Avisala Eshma mga Encantadiks..


EncantadiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon