Chapter 14

713 17 6
                                    


Sa Hathoria...


Lubos na natutuwa si  Hagorn sa pagpunta ni Sang'gre Pirena sa Hathoria at lalo pa siyang natuwa sa pagnakaw ni Pirena sa Brilyante ng Apoy na magagamit nila bilang panlaban sa Lireo at sa sariling ina ni Pirena.


Nagplano na si Hagorn na magkaroon muli ng digmaan, inutusan niya si Agane na magsanay ng mga Hathor upang mas dumami ang kanilang hanay at maipanalo ang laban.


"Simula na ngayon ng pagbabago sa Hathoria, kikilalanin na si Pirena bilang Sang'gre hindi lang sa Lireo kundi sa Hathoria!" wika ni Hagorn. Natuwa si Pirena dahil naging mabait si Hagorn sa kanya, hindi niya alam na may lahi siyang Hathor kaya naging mabait ang kanyang ama sa kanya.


Nagdiwang naman sina Hagorn dito, ginamit din niya ang kaniyang kapangyarihan upang mabigyang lakas ang mga Hathor. Sigaw naman ng mga Hathor, "Ivo Live! Hathoria! Ivo Live Pirena! Ivo Live Hagorn!" na ibig sabihin ay mabuhay si Hagorn at Pirena at Mabuhay! ang Hathoria.


Habang, nagsasaya sina Hagorn sa pagbawi ng Brilyante na nagbibigay ng init at liwanag sa Encantadia... ay nagdiwang rin ang Lireo, Sapiro at Adamya sa pagkokorona kay Amihan.



Sa Kaharian ng Lireo...


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.



Naghihintay na si Sang'gre Danaya, Alena at Amihan sa trono upang mabigyan ng mahalagang bagay, ang tatlong brilyante... naisip kasi ni Minea, na hindi lang si Amihan ang bibigyan kundi silang tatalo upang magkaroon ng panlaban kay Pirena...



Ibinigay ni Minea kay Alena ang brilyante ng tubig.. "Alena, sana maging dalisay ang iyong puso gaya ng tubig, at maipaglaban mo ang iyong sarili gaya ng alon na humahampas sa buhangin." "Ibibigay ko ang buong sarili ko upang pangalagaan ito Ina, hindi ako papayag na mawala sa kamay ko ang Brilyante ng Tubig.," pangako ni Alena.


Kay Danaya naman napunta ang brilyante ng lupa, "Danaya, maging matatag ka sana gaya ng lupa at sana maipagtanggol mo ang iyong mga kapatid kahit na ikaw ang bunso sapagkat alam ko na matatag at malakas ka." papuri ni Minea. "Oo, ina, Hindi ko kayang gawin na mawala sa akin ang aking brilyante at simula sa araw na ito, iingatan ko ito habang ako ay nabubuhay." pangako ni Danaya.


Pinapunta naman ni Minea ang kanyang tagapagmana sa trono katabi niya...


EncantadiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon