May tradisyon ang mga bandido, may sikreto silang lagusan tungo sa mundo ng mga tao, at upang makapasok sila doon, kailangan nilang magdala ng isang tao..bilang alay. Kaya, binabalita na sa mga radyo ang tungkol sa pagkakawala ng mga tao.
Kabilang na sa mga bihag sina Paopao. Si Paopao ay isang batang ubod ng sigla. Ngunit, nalulungkot siya dahil binihag siya sa mga Bandido. Hindi pa nalalaman nina Amihan o kahit ni Hagorn na may ibang lagusan pala ang mga bandido.
Habang sa kaharian naman ng Lireo...
Nagtataka pa si Hagorn kung bakit hindi pa kinukuha si Amihan ng mga paru-paro na maghahatid sa kanya sa Balaak o sa Devas. Pero hindi na siya nake-alam pinabayaan lamang niya ang bangkay ni Amihan sa labas ng Palasyo.
Nalaman ni Hagorn na may mga kakaibang nilalang dito o may mga taong ligaw na napadpad sa Encantadia na hindi nila alam kung bakit. Kaya inutusan ni Hagorn si Agane na ikulong sila sa Hathoria. Hindi alam ni Agane na may bata palang nakatakas.
Ang batang si Paopao...gutom na gutom na siya... ilang araw na siyang nabihag sa Hathoria at gusto na niyang makatakas, kaya hindi na niya sinayang ang pagkakataon na ito at tumakas siya.
Nakita ni Paopao ang kaharian ng Lireo at nagandahan siya sa lugar na ito kaya nagtago siya at inilihim niya ang panghihimasok niya doon. Sa daanan niya nakita niya ang isang bangkay. "Gising, ikaw ba ang Reyna dito? Gumising ka Ate.!!!" Hinawakan niya ang braso ni Amihan at lamig na lamig na ito.
Hinawakan niya si Amihan at sinamo niya ang kanyang Kaibigan "Mahal kong kaibigan, tulungan mo kami! I-alis mo kami sa lugar na ito at tulungan mo ang ate!" at naglaho sila. Pinasalamatan ni Paopao ang kanyang kaibigan. At ito ang mukha ng kaibigan niya.
Naglaho sila sa isang gubat at ilang oras ang lumipas ay nagising si Amihan. Agad namang itinago ni Paopao ang kanyang kaibigan at hindi niya ito ipinakita kay Amihan... Tinanong niya siya, "Mabuti naba ang pakiramdam mo?"
Natuwa si Amihan sa kanya, "Maraming salamat bata, sino kaba nang mapasalamatan kita... AT paano mo ako dinala dito sa gubat, hindi mo naman ako kayang buhatin." "Ako si Paopao.. at tinulungan ako ng aking kaibigan.''
"Salamat Paopao at maraming salamat din sa kaibigan mo.. kung gusto mo, maari kang sumama sa akin, naghihintay na ang ating mga kaanib sa ating bagong kuta." "Ikaw diba ang Reyna? Bakit ka naging isang sugatan sa sarili mong palasyo at bakit naninirahan ka lamang sa isang kuta?" "Iyon ay dahil sa masamang nagngangalang si Hagorn." wika ni Amihan.
Ilang sandali pa at dumating si Agane... nagtago si Amihan at ganun din si Paopao. Tila naghahanap ito kay Paopao at kay Amihan dahil ang buong akala ni Hagorn at ni Pirena na napaslang na niya si Amihan.
Agad namang hinarap ni Paopao si Agane.. "Bakit ka nakatakas!" AGad namang nagpakita si Amihan... "Avisala MAshna ng Hathoria!" At naglabanan sila. Pero tinapos ni Paopao ang labanan at ginamit niya ang kanyang kapangyarihan. Namatay ang ksamang Hathor ni Agane at natumba siya. Agad namang naglaho sina Amihan tungo sa kanilang Kuta.
Binalita ni Agane kay Hagorn at Pirena ang nangyari..
"Mahal na Reyna at Hari... May kakaibang kapangyarihan ang ligaw na bata na nakalaban ko, hindi ko alam kung saan niya kinuha ang kapangyarihan na iyon pero, ang pinakamahalaga sa lahat buhay pa ang Reyna ng mga Diwata!"
Hindi makapaniwala si Hagorn sa narinig niya, hinawakan niya ng mahigpit ang kanyang baston at sumigaw siya "PAshneya ka Amihan!!! Saan ka man magtago ngayon kasama ang mga walang silbi mong kawal, mahahanap pa rin kita!"
Pinakalma naman ni Pirena si Hagorn, "Ama, matuwa ka na lamang at nakuha na natin ang Lireo.." Ginamit naman ni Hagorn ng husto ang kanyang isip at naghanap siya ng salitang masasabi niya upang makuha nag Brilyante ni Pirena, ang buong akala ni Hagorn na isang Brilyante lang ang nasa pangangalaga ni Pirena.. hindi niya alam na nasa kanya ang Brilyante ni Alena.
"Ibigay mo sa akin ang iyong Brilyante!" sigaw ni Hagorn. Ibinigay naman ni Pirena kay Hagorn ang kanyang Brilyante sa pagaakalang gagamitin niya ito upang protektahan ang anak niya pero, kahit ang sariling anak ni Hagorn ay kaya rin niyang gamitin.
"Hahahahaah!!!" malakas na tawa ni Hagorn para bang nakapanalo siya laban sa isang Bathala. Tumaas naman ang kilay ni Gurna kay Pirena dahil labag sa kanyang kalooban na napasakamay na ni Hagorn ang Brilyante ng Apoy dahil alam niya na kahit ang anak niya ay tatraydorin siya.
Sa tirahan naman ni Cassiopeia... inisip niya ang kanyang nakita niya sa kanyang mga mata!
" Saan nanggaling ang kapangyarihan ng Batang ligaw na iyon? Mata, ipakita mo sa akin... huh?... Galing iyon sa inang Brilyante!!! Hindi lang pala apat ang Brilyante ng Kalikasan kundi lima!"
Nagulat si Cassiopeia dito, pero alam niya na hindi masama ang intensyon ni Paopao sa kanyang Kaibigan gusto lamang niyang makatulong at mabuti na lamang at siya ang nakakita nito sa templo ni Cassiopeia noon at hindi si Hagorn. Hindi rin nakikita ni Cassiopeia kung ano ang elemento ng Brilyanteng iyon.
Hindi rin yung gaya sa apat na Brilyante na higit na makapangyarihan pa, dahil maliit lamang iyon at tinawag lamang niya itong "Ika-limang Brilyante".
Thank You for your reads, votes, and comments!!! Avisala Eshma!!
BINABASA MO ANG
Encantadia
FantasyIEncantadia 2016-2017 ( Credits GMA Network) "Hindi ang kayamanan o kapangyarihan ang nakakapagpaligaya ng isang nilalang kundi ang tibok at alab ng kanyang pagmamahal sa kanyang puso." to ay isang nakakamamangha na lugar kung saan makikita mo na an...