Paalam Minea...Dumating na ang mga paru-paro na maghahatid kay Minea patungo sa Dévas. Lahat ng mga mamamayan ay nakakasiguro na sa Dévas siya patungo dahil naging mabait siya na Reyna.
Nagiyakan ng husto ang mga anak na Sang'gre ni Minea. Gusto nilang ipaghiganti ang nangyari sa kanilang ina sa sinumang may gawa nito.
Hindi na nila nakita ang kanilang pinakamamahal na Ina sapagkat kinuha na siya ng tuluyan ng mga paru-paro. Yumuko ang lahat ng kawal upang magbigay galang sa yumaong Diwata.
Nung sandaling iyon, sumakit ang tiyan ni Amihan at sinabihan siya ni Ades na, "Mahal na Reyna, ang tatak na bulaklak sa palad niyo a lumalaki na, dapat na kayong magpahinga."
Nakakasama kasi sa kalusugan ng isang Ina na nagdadalang Diwata ang magpuyat, masaktan at mahirapan. Inalagaan nina Danaya at Alena si Amihan.
Nabalitaan ni Ybarro o ni Prinsipe Ybrahim ang panghihina ni Amihan at gusto niyang tulungan ito. Nalaman na rin ng lahat na si Ybarro ay ang tunay na Prinsipe at hindi si Asval.
Nag-alala ng husto si Amihan sa kalagayan niya dahil, hindi niya gusto na magsimula ng sigalot kay Alena dahil lamang sa isang lalaki.
Mataimtim na nagdasal si Amihan kay Bathalang Emre....
"Mahal na Emre, huwag niyong payagan na masira ang pagkamabutihan ni Alena at Ybrahim, dahil lamang sa magiging anak namin, kaya kong alagaan ang anak ko nang mag-isa kaya nakikiusap ako, ibigay niyo na si Ybrahim kay Alena."
Sa BALAAK.....
Labis labis ang tuwa ni Adhara sapagkat namatay na si Minea, Ngayon, pinuntahan niya si Bathalang Arde, "Mahal na Arde! ngayon na po ang panahon na uparin niyo ang pangako niyo sa akin!".
Biglang uminit ang nagbabagang apoy sa Balaak at lumabas ang Bathalang isinumpang maging Dragon. "Oo Adhara, ibabalik ko na ang katawan mo."
Naramdaman na ni Adhara na siya ay biglang nabuhayan ng dugo at siya ay nagkaroon ng lakas at nabigyan muli ng buhay..
Pero naramdaman din ni Adhara na siya ay wala nang kapangyarihan, "Bakit ganito Arde! Hindi ito kasama sa pinangako mo sa akin!"
Tumawa si Arde, "Adhara, lahat ng bagay ay may kapalit kaya magtungo kana sa Encantadia at maghasik ka ng lagim doon habang ako ay lumalakas, salamat na lang sa kapangyarihan mo! hahahah!"
Naglaho si Adhara sa Encantadia, sinubukan niyang maglaho sa Lireo upang kunin ang kanyang tungkod, pero wala na siyang kapangyarihang maglaho kasi pati ito ay kinuha na ni Arde mula sa kanya.
Sa Kaharian ng Hathoria
Hindi matanggap ni Pirena na magkakaroon na ng anak si Amihan, kasi ang magiging anak niya ay sagabal lamang sa pagkuha niya sa trono at sa korona ni Amihan.
Naisip ni Pirena na dapat magkaroon din siya ng anak para sa binabalak niya, wala pang nakakaalam sa mga binabalak niya. Ito ba kaya ay tungkol sa anak niya o sa anak ni Amihan.
Kaya naman naghanda na si Pirena. Sinabihan niya si Hagorn sa gusto niya kaya nagbihis siya ng pantulog na damit. Alam ni Pirena na kapag si Emre ang hiningan niya ng lalaking magiging ama ng anak niya ay hindi ibibigay ni Emre ang gusto niya.
Kaya si Bathalang Arde ang hiningan nila ng tulong, nagdasal si Pirena kay Arde at sinabing , "Ipakita mo Bathala! ang lalaking magiging ama ng anak ko at ipakita mo rin ang lugar kung saan ko siya matatagpuan.
Natulog na si Pirena...
Nakita niya ang lalaki sa kanyang panaginip at hindi na siya nagpaligoy-ligoy a hinawakan niya ang kamay ng lalaking iyon. Hindi alam ni Pirena kung ano ang pangalan ng lalaking yun.
Dahil para sa kanya, hindi mahalaga ang pangalan niya, ang mahalaga ay ang magkaroon ng anak siya at maagaw niya ang korona mula kay Amihan o sa magiging anak niya!.
Nagkaroon na ng markang bulaklak sa palad ni Pirena at siya ay nagdadalang diwata na rin. Pgkagising niya ay binalitaan niya si Hagorn at naglaho siya patungo ng Lireo at hanapin ang lalaking iyon.
Agad na nakita ni Pirena ang lalaki sa panaginip niya at nagwika ang lalaki, "Mahal na Sang'gre ako po ang ama ng dinadala niyo,..."
Hindi pa nakatapos sa pagsasalita ang lalaki at pinaslang na ito ni Pirena, "Salamat sa iyo at nagkaroon ako ng anak, pero hindi kita gusto at wala ka nang silbi pa sa akin ngayon!".
Umalis naman kaagad si Pirena papunta ng Hathoria at nagusap sila ni Gurna.
Gurna: "Pirena, dapat maging matatag din ang anak mo at dapat maging kagaya mo siya, dapat din na makuha mo na ang Lireo sa kamay ni Amihan."
Sinabi naman ni Pirena, "Alam ko iyon Gurna at dapat din na sundin mo ang binabalak kong plano sapagkat hindi ito nanaisin ng mga walang silbing Sang'gre."
Ngayon, nagpaalam na si Pirena at Gurna kay Hagorn na aalis sila ng Hathoria at magtatayo sila ng maliit na kuta malapit sa Lireo at doon muna maninirahan sila habang hindi pa nanganganak si Pirena.
Nakita ni Cassiopeia ang nangyari, hindi niya inibig ang ginawa ni Arde kay Pirena, sumama rin ang loob niya dahil hindi na niya makita si Adhara.
Hindi kasi alam ni Cassiopeia na, binigyan ng Encantasiyon si Adhara ni Arde na hindi makita siya gamit ang mga kapangyarihan ng sinumang nilalang sa Encantadia.
Makikita lamang si Adhara kung siya ay iyong makakharap...
Sa Nawasak na Kaharian ng Etheria
"Maligayang pagbabalik Adhara, ngayon, dapat kang magbigay ng kaguluhan dito sa Encantadia at dapat mo ring maagaw ang brilyante sapagkat kukunin ko rin ito mula sa iyo..." inisip ng Bathalumang si Ether.
Ang apat na brilyante lang ang makakabalik sa kanila sa dati nilang kapangyarihan at dahil minamahal niya si Arde gusto rin niyang kunin at sakupin ang Encantadia para sa kanya...
"Hindi ko na hahayaang si Emre lamang ang sambahin ng mga tao dito. Iyon ang nagbibigay sa kanya ng matatag na loob upang kami ni Arde ay hindi na niya kilalanin bilang Bathala. Dapat Mamatay na yang Emre na Yan!" wika ni Ether.
Nagtungo si Ether sa Hathoria upang bigyan ng balita si Hagorn tungkol kay Pirena at sa magiging anak nito...
Dear Readers! Exciting right?.... I Hope you will continue your support and your votes! Comment your reaction and your prediction about Adhara... Avisala Eshma!!!!
BINABASA MO ANG
Encantadia
FantasíaIEncantadia 2016-2017 ( Credits GMA Network) "Hindi ang kayamanan o kapangyarihan ang nakakapagpaligaya ng isang nilalang kundi ang tibok at alab ng kanyang pagmamahal sa kanyang puso." to ay isang nakakamamangha na lugar kung saan makikita mo na an...