Chapter 3

1.8K 45 4
                                    


Isinilang na ng mahal na Reyna Minea si Sang'gre Amihan maganda siya at nakakatuwang tinggnan ang isang munting sang'greng gaya niya.

Pumunta si Raquim sa Lireo at naibigay na niya ang tatlong Brilyante ngayon, nasa kamay na ng mga mabubuting diwata ang Brilyante ng Kalikasan. Hindi  pa nalalaman ni Raquim na nanganak na si Minea at muntik na siyang umalis at nagtanong si Minea, "hindi mo bang ibig makita ang anak mo? Nagulat si Raquim at dinala ni Ades si Amihan patungo sa kanyang ama. Si Ades ay parang pinuno ng mga dama, matagal na din siyang naninilbihan ng Lireo at mas matagal pa kaysa ni Gurna.


Makikita ang ngiti na dala ng tuwa sa mga mukha nina Reyna Minea at Prinsipe Raquim. Nakita ni Pirena ang saya sa mukha nila at siya ay tila nagseselos.. parang iniisip niya na inaagawan siya..


Pumunta si Pirena sa kanyang silid at nakasimangot ang mukha niya at tinanong naman siya ni Gurna na Ano ang nangyari... Ikinatuwa naman ni Gurna ang dinadama ni Pirena dahil, natutuklasan na ni Pirena ang pagdamang selos sa kamyang kapatid na si Sng'gre Amihan.


Naka-alis na si Pinsipe Raquim at pumunta si Reyna Minea sa silid ni Sang'gre Pirena. Kinamusta ni Minea si Pirena ngunit wala itong imik. Nakatingin lamang si Pirena sa mg mata ni Minea at parang may gutso itong sabihin. Unti-unting tumingin si Pirena sa kanyang kapatid na hinahawakan ng kanyang ina at itinanong niya sa kanyang ina kung bakit pa nagkaroon siya ng kapatid. Narinig ito ni Gurna at ngumiti siya. Agad naunawaan ni Minea ang nangyayari naninibugho lamang si Pirena at sinabihan niya siya na, "Pirena, hindi ka dapat maging ganyan, kapatid mo siya at kailangan mo siyang mahalin at nasisiguro ko na hindi mo siya magiging kaagaw sa oras ko." Kumalma naman si Pirena at medyo napanatag ang kanyang kalooban nung sinabi iyon ng kanyang ina sa kanya..


Hindi naging panatag si Gurna at hindi siya napakali at sinumbong niya ni Hagorn ang nangyari.. kaya naman inutusan ni Hagorn si Gurna na paslangin ang ikalawang Sang'gre gamit ang kanyang punyal.


Gabi na at natulog na si Minea at si Amihan.. habang papunta naman si Raquim sa Lireo upang makita muli ang kanyang napakamamahal na anak.



Naghintay ng naghintay si Gurna hanggat sa pumasok na siya sa silid ng mahal na Reyna at gamit ang pulang usok.. pinatulog niya ang Reyna upang hindi siya mapansin nito... Unti- unting lumapit si Gurna sa kuna ni Amihan at nakita niyang muntik na itong umiyak. Ilang saglit pa at nakatakas na si Gurna kasama ang Sang'gre upang paslangin niya ito. Naisip niya sa kanyang sarili na kawawa naman ang mag-ina kaunti lang ang oras na mapagsasamahan nilang dalawa dahil oras na upang tuldukan ang buhay ni Amihan. Kaya ipinagpatuloy niya ang kanyang paglalakad tungo sa gubat.


Nagising si Minea at agad niyang namalayan na nawawala ang kanyang anak na si Amihan sakto ang pagdating ni Raquim at nagdasal sila kay Emre na tulungan sila na mahanap ang kanilang anak at sana.. hindi mapalagay sa panganib ang buhay nito...


Nagkagulo ang lahat ng mamamayan sa Lireo at pati na rin ang mga dama ay tumulong na rin sa paghahanap. Nagising si Sang'gre Pirena at itinanong niya kay Ades kung ano ang nangyari.. lumapit naman si Pirena kay Minea at niyakap niya ang kanyang ina. 


Nagtataka si Ades kung nasaan ang dama ni Pirena hindi pa kasi nila nakikita si Gurna. Ang akala nila ay may ginagawa pang mahalaga si Gurna at tumulong ito sa paghahanap kay Amihan subalit hindi nila alam ang totoo na siya lang pala ang kumuha sa anak ni Minea. Naghahanap pa si Gurna ng matataguan pumunta siya sa isang gubat malapit sa hangganan ng kaharian ng Sapiro at Lireo. May nakita siya na isang napakalaking bato at doon niya inilagay ang anak ni Amihan upang kanyang paslangin.



Nagkakagulo na ang lahat dahil hindi pa nila nahahanap ang anak ng Mahal na Reyna. Pati ang mahal na Reyna ay hindi na napigilang umiyak. Niyakap naman ni Raquim si Minea at sinabihan niya ang kanyang asawa na huwag magalala sapagkat may awa si Emre at alam ko at sigurado ako na hindi niya pababayaan ang ating anak. Lalong lalo na na panay ang pagdarasal natin sa kanya kaya, hindi niya pababayaan ang ating anak. Alam ko rin na hindi niya ilalagay sa panganib ang buhay niya. Huminto na ang pag-iyak ni Minea ngunit makikita sa kanyang mga mata na may pagkukulang at may dinadama siyang pagkahalong kaba at takot para sa kapakanan ni Sang'gre Amihan. Naaawa naman ang lahat sa mag-ina.....


Sa gubat naman malapit sa kinalalagyan ni Gurna.. may isang Sapiryan ang nalalakbay at naghahanap ng pashneyang makakain. Siya ay si Enuo.  Si Enuo ay isang tapat sa mga diwata at Sapiryan. Hindi rin niya iniibig ang Hathoria maging si Hagorn. Siya ay isang matipunong lalaki. May dinadala siyang pana, ito ang kanyang ginagamit sa paghuhuli ng ibon at iba pa... ginabihan  na siya nun at naglakad - lakad muna siya napagod siya at naisipan niyang bumalik sa kanyang nadaanan at magbalik sa Sapiro; ang kanyang tirahan.


Sa kabilang palad naman, si Gurna ay hindi mapakali dahil nanghihinayang siya kung gagawin ba niya ang kanyang binabalak. Inisip din niya na kung susuwayin niya si Hagorn at kung malaman nito na hindi niya nagawa ang inutos ng masamang Hagorn sa kanya, ay tiyak na mamamatay siya. Kaya naman gamit ang punyal ni Hagorn malapit na niyang masaksak si Amihan nang biglang... tinamaan si Gurna ng pana sa kanyang braso... nasaktan si Gurna at umalis at pumunta ng Hathoria upang ipagbigay alam sa Hari ang nangyari at kinagalit ni Hagorn ito... Agad namang nagbihis si Gurna ng pang-dama at nagbalik ng Lireo. Kinuha naman ni Enuo ang mahal na Sang'gre at nakita niya ang punyal na ginamit ng nilalang na magtangkang pumaslang kay Amihan.


Pagdating ni Gurna sa Lireo nagtaka si Ades at bakit tinatakpan niya ang kanyang braso.. at sinabihan siya ni Ades na patulugin na lamang si Pirena.


Dumating ang masayang balita para kay Raquim at Minea isinoli ni Enuo ang anak nila at isinalaysay ang nangyari humingi pa ng paumanhin si Enuo dahil hindi niya naabutan ang mukha sa nagtangka ni Amihan. Pinasalamatan si Enuo ng mahal na Reyna at muling lumigaya si Minea. Ibinigay ni Enuo ang punyal na nakita niya. Umalis na siya at bumalik ng Sapiro..


Nagtinginan si Minea at Raquim dahil alam nilang dalawa kung sino ang nagmamay - ari sa pulang punyal na iyon.. at lalong lumaki ang tensiyon ni Minea kay Hagorn at lalo niya siyang kinasusuklaman sa mga masasamang ginagawa niya sa kanyang anak, at pati na rin sa buomng Encantadia.. sa wakas... nakatulog na ng mahimbing  ang reyna kasama ang kanyang anak..



EncantadiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon