Chapter 1

314 4 0
                                    

Chapter 1

Shanelle Louise Alcantara Zamora

Hay. Philippines. Always traffic. Kung kailan ako nagmamabilis, tsaka ganito!

I'm on my way to our company. I don't know. Kailangan ko daw matutunan ang pagpapatakbo ng kompanya namin para sa future ko. I can't even picture myself being busy with those damn worksheets! Me? Second year college. At tinetrain na agad sa business. Na wala naman sa plano ko. All I want to do is enjoy life and party. I don't deserve to be busy and stress over business!

"Argh!" Pinalo ko ang manibela ng kotse ko nang hindi ko naabutan ang green light. Nag red light agad. Tumunog ang phone ko kaya kinuha ko iyon sa front seat katabi ko.

Mom:

Where are you? Ikaw nalang ang hinihintay namin.

Napa-irap ako. Pwede naman na silang mag-umpisa. I'm not even going to pay attention, anyway.

Shane:

I'll be there in five minutes.

Binaba ko na ang phone ko. Nag green light na kaya pinaandar ko na ang kotse ko ng mabilis. Hell do I care kung may mainis sa kakasingit ko! Nagmamabilis ako!

Nag park na ako nang makarating ako sa company namin. Nagmabilis ako para makarating na sa 8th floor. Nang tumunog yung elevator, dumiretso ako sa conference room.

Pagkapasok ko dun, all eyes are on me. Nakita ko ang isang babae na naka-uniform ng uniform dito sa company. Nakatali ang buong buhok niya at may itsura siya. I think she'll be our trainer for today. Kasama ko ang iba kong pinsan na naka-upo sa iba't ibang swivel chair. Itetrain daw kami sa paghawak ng company. Maraming company ang hawak ng clan namin. Kaya siguro nandito ang mga pinsan ko para ma-train din sila.

Nakita ko ang pag iling ng pinsan ko na si Ralph. At ang ngisi ni Russel habang nakatitig sa babaeng nasa harap. Nakita ko naman ang humingang malalim na si Vera. Wala ang iba kong pinsan. Binalewala ko ang tingin nila at umupo sa bandang likod. Isa 'tong long table at maraming swivel chair na nakapalibot. Ito kasi ang main conference room, kaya malaki. Marami pang conference room sa kabilang section nitong floor na 'to pero ito ang pinaka-main.

Nag umpisa ng mag explain ang babaeng naka uniform kanina na si Miss Therese daw. Nagse-cellphone lang ako. Tungkol sa Architecture ang dinidiscuss habang ang course ko ay Engineering.

Naramdaman kong nanahimik ang paligid at nafifeel kong maraming nakatingin sa akin. Inangat ko ang tingin ko. Lahat sila nakatingin sa akin.

"We're in the middle of the meeting, Shanelle. Bitawan mo yan." Sabi ni Mom at umiling si Daddy. Huminga naman ng malalim si Miss Therese. Nilingon ako ni Ralph at Russell at nagpigil ng tawa. Tuwang tuwa nanaman sila dahil napapagalitan ako. Everytime. Everytime na napapagalitan ako, tatawanan nila ako. I don't know why. Tuwang tuwa na napapahamak ako.

Inintay ko muna na ialis ni Mom and tingin niya sa akin bago ako umirap at bitawan ang phone ko. "Shall we proceed?" Nakangiting tanong ni Miss Therese at agad namang tumango si Mom.

Nakatunganga lang ako habang daldal ng daldal si Miss Therese. Ilang oras pa ba?

Inip na inip na ako nang biglang tumigil nanaman si Miss Therese. Inayos niya ang laptop niya na nakapatong sa gilid ng table at pinatay ang presentation. In-unplug niya na rin ito sa projector. Ngumiti siya at nagpaalam na. "Bye!" Malokong singit ni Russel. Napa-smirk ako sa inasal niya. Asshole.

Tumayo na sila. Tumayo na rin ako at kinuha ang drawstring ko. Dinaluhan ko si Mom and Dad na ngayon ay kinakausap ang mga iba pang empleyado dito. "Uhm..." Sabi ko para lingunin nila ako.

Fading LoversTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon