Chapter 29

31 0 0
                                    

Chapter 29

"Lamig!" Sabi ni Russel nang iniintay namin ang elevator na marating ang ground floor. Napagpasyahan na rin kasi naming umahon.

My phone vibrated. Damn.

Ayaw ko siyang pangunahan pero huli na siya. Buking na, e. Ayaw kong isipin na nagtatago siya sa akin. I hate it when someone's hiding something from me. Alam mo 'yon, yung parang hindi na lang sinasabi sa'yo kasi ayaw kang masaktan? I hate it. Respeto na lang ang ibinibigay ni Jaxx sa nararamdaman ko kaya nagagawa niya nang mag tago.

I hope this is just a nightmare.

"At last!" Sabi ni Kian nang bumukas na ang elevator.

Nang marating ko ang unit ko ay binuksan ko agad ang cellphone ko. Sila ay nasa mga unit pa nila, naliligo.

Jaxx:

What do you mean?

Nagkasalubong ang kilay ko. Hindi niya alam na may alam ako sa kanila ni Yanna! Does that means he is really hiding Yanna from me? Malamang. Boys, Shanelle. Boys! Magaling sila magtago.

Jaxx:

Answer my call, Shanelle.

Tumatawag siya. Hindi ko alam kung sasagutin ko ba o ano. It's a video call. Dapat siya 'tong natatakot ngayon pero bakit ako 'tong natatakot na harapin siya?!

Be strong, Shane!

"What do you want?" Matapang kong sinabi nang sagutin ko ang video call niya.

Nakaswim suit pa rin ako at bathrobe lang ang nakapatong.

Magulo ang buhok niya at dim na din ang mga ilaw sa kwarto. He's topless. Hindi ko alam kung kwarto niya ba ito. It's looks like he's in a hotel or something. Alone?

"I said I love you. Anong sinungaling doon?" Pagod niyang sinabi at mapupungay na rin ang mga mata niya.

Nanatiling nakakunot ang mga noo ko.

"You said love me. Sinungaling." Umiwas ako ng tingin kahit nasa video call lang naman siya.

"Come on, Shane..." Namamaos ang boses niya.

"I hate lies. So much." Nanginginig na ang mga boses ko dahil hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanya ang gusto kong sabihin.

"Nagsasabi ako ng totoo..." Sabi niya.

Binalik ko na ang tingin ko sa screen.

"Sana nga mabilis lang maniwala sa mga sinasabi mo." Sabi ko. "Why don't you just say it to me? Direct to the point. That you're tired of long distance shit and you want a break. It would be easier that way, Jaxx." Matapang kong sinabi. Ayaw kong ipakita sa kanya na sobra na akong nasasaktan. Ayaw kong ipakita sa kanya na mahina ako. Gusto kong ipakita sa kanya na galit ako. Galit na galit.

Sometimes, the best decision is the most difficult thing to do. Ending this is the right decision.

"Hinding hindi ako mapapagod, Shane. Ngayon pa ba? We're almost close to-"

Umiling iling ako.

"Jaxx, let's end this."

Natulala siya. Nagkasalubong ang mga kilay niya at unti unti siyang umiling.

"You're kidding." Sabi niya. Mas lalo lang akong naiyak. Please don't make this hard for me.

Umiling ako at yumuko.

Fading LoversTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon