Chapter 22

43 0 0
                                    

Chapter 22

Tinignan ko muna kung nasa labas pa ba ang mga kaklase ko. Nakatambay pa silang lahat kaya dumiretso muna ako sa cr.

"Wooh. Chill, Shane. Wala lang iyon."

Kinalma ko ang sarili ko. Itinukod ko ang magkabila kong palapulsuhan at itinukod iyon sa counter kung saan nandoon ang lababo at salamin. Huminga ako ng malalim at binuksan ang gripo.

Habang naghuhugas ako ng kamay ko ay may lumabas sa pinaka-dulo na cubicle. Leanne.

Umiling siya at umirap nang magkatinginan kami at umalis na ng cr. Nag intay muna ako ng ilang minuto bago umalis na rin ng cr. Hindi na masyadong namumula ang mga mata ko ngunit halata pa rin na galing ako sa iyak. Tinignan ko ang labas ng room namin at buti na lang ay nandoon pa ang mga kaklase ko.

"Pinapabigay ni Jaxx." Ani Chance na kaklase ko at ibinigay sa akin ang isang colored paper na blue. Maliit lang iyon.

"Ah, t-thank you."

Binasa ko ang nasa papel. Nakatupi iyon kaya kinailangan ko pang buklatin.

I love you, okay? Just hold on to that.

-J.

Tinago ko kaagad ang papel. Sa tingin niya ay hindi na ako naniniwala sa kanya. Ang alam niya ay galit ako. Ang alam niya ay wala na akong pake alam. Ang alam niya ay bumitaw na ako.

"Hindi ba, girlfriend ni Jaxx si Leanne?" Nagulat ako nang nasa tabi ko pa rin pala si Chance.

Gusto kong umiling. But then, iyon ang totoo.

Nilingon ko siya. "Oo."

"E, ano ka ni Jaxx?" Sabi niya.

Ang dami na ring nagtatanong sa akin niyan. Kaibigan?

Napalunok ako. "Kaibigan."

Sa sarili kong salita ay parang tinutusok ng karayom ang puso ko. Oh dammit! Just be positive, Shanelle!

"You like him, huh?"

Sumagot ako ng walang preno preno.

"Yeah."

Umiling siya at nang nilingon ko siya ay nakita kong naka-smirk siya. Why? Pakiramdam ko tuloy ay may sinabi akong mali.

"Mahirap 'yan. Kung ako sa'yo, maaga palang pigilan mo na. Mahirap magpaka-martyr-"

"I'm not being a martyr or something!" Umirap ako.

Ngumisi lang siya at umiling na naman. Kinunot ko ang noo ko sa pagtataka. Ano ba ang ikinatutuwa nito?

"Chill!" Humalakhak siya.

Sampung minuto na kaming nag iintay ngunit wala pa rin ang propesor namin. Nagsimula nang mag alisan ang mga kaklase namin kaya umalis na rin ako.

Sa gitna ng paglalakad ko ay nakasalubong ko na naman si Leanne at Jana.

"Oh, okay na kayo ni Jaxx?" Narinig kong sabi ni Jana kaya natigilan ako. Bakit? Nag away ba sila? Bakit siya tinawag kanina? Anong nangyari?

"As you can see, hindi pa. Marami na rin kasing nanghihimasok ng relasyon kaya..." Nag kibit balikat si Leanne at sinulyapan ako. "But we'll fix this."

Fading LoversTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon