Chapter 36

15 0 0
                                    

Chapter 36

Umiyak lang ako nang umiyak habang yakap ako ni Jaxx. I can't believe it! Pumunta siya rito para magpaliwanag? Am I that special, though?

"We still need to fix this, Jaxx." Sabi ko at lumayo ng bahagya.

"Tsaka na 'yon." Sabi niya at pinasadahan ng daliri ang buhok. "Galit ka pa ba?"

Sa totoo lang, simula nang pumunta dito si Jaxx, parang pakiramdam ko panibagong umpisa na naman. Parang walang problema. Nakalimutan ko pa nga na may kasalanan siya.

Alam kong natunaw na ang galit ko sa kanya since we saw each other. It's just my pride taking over me.

Hindi ako nakasagot.

"Pahinga ka na. I know you're still mad." Sabi niya.

Tumango naman ako at sumama sa kanya sa pintuan.

"Salamat sa dinner. Ang sarap." Natawa ako ng bahagya sa sinabi ko. Ayaw ko pa kanina pero ngayon gusto ko?

"Halata nga na nagustuhan mo, e." Sabi niya at tumawa siya.

I glared at him.

"I'll go ahead, Shan. Aalis ka ba bukas?"

Ayan na naman siya. Ano? Balak niya na naman pumunta dito? E pano na 'yong mga desisyon ko?

Hindi ko alam. Gulong gulo na ako.

Nagkibit balikat ako.

"Can I borrow your phone?" Sabi niya at hindi pa ako nakakasagot ay agad niya nang hinablot ang cellphone sa bulsa ko.

Ano na namang kalokohan ang gagawin nito? Tumingkayad pa ako para lang makita kung ano ang ginagawa niya sa cellphone ko.

Pumunta siya sa contacts at binuksan ang 'My Profile'.

"Bakit mo kukunin ang number ko? Did I even allow you to use my phone?" Pinagtaasan ko siya ng kilay.

"Atleast I asked permission." He smirked. Binigay niya sa akin ang cellphone ko.

"Teka! Magtatagal ka ba rito?" Sigaw ko dahil paalis na sana siya.

Ngumuso siya at nagkibit balikat.

"Kapag sinagot mo na ulit ako?" Tanong niya.

Nanlaki ang mga mata ko. Nanliligaw pala siya?

"Hindi kita sasagutin!" Umirap ako.

"Ikaw bahala, Shane... Ikaw na magdesisyon kung uuwi ba agad ako o sasamahan muna kita dito. 'Cause I'm willing to stay." Those were his last words.

Napairap ako.

Nang maisara ko na nang tuluyan ang pintuan, I immediately checked my phone. Shit talaga!

Isang oras pa ako nag intay nang makarecieve na ako ng text mula sa isang unknown number. I'm sure si Jaxx na 'to.

Unknown:

Save my digits. Tulog ka na.

Ay? Napairap ako. Why do I feel disappointed? Bakit, ano bang inaasahan kong text mula sa kanya? I love you? The heck, Shanelle!

Shanelle:

Malayo ba ang hotel mo rito? It took you an hour bago mag text.

Fading LoversTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon