Chapter 30

27 0 0
                                    

Chapter 30

Umiyak ako ng umiyak. Nagawa ko na. There's no turning back. Nagsisisi ako na hindi ko siya hinayaang magpaliwanag. Tama ba 'yon? Na hindi ko siya pinagsalita? This is not the right time to ask this to myself, pero paano kung-

Jaxx is calling...

Mas lalo lang akong naiyak. This is frustrating.

Sa sobrang galit at sakit na nararamdaman ko ay nahagis ko ang cellphone ko sa pader. Then, it stopped ringing.

In love, you don't need someone's approval to love someone. But at the same time, love should not be selfish. Kaya kailangan mong isipin ang mga nababangga mong tao. My cousins, My parents, My aunts, and especially Leanne. Lahat sila nadamay sa kalokohang ito. Is this even pure love? Fling? Puppy love? Or just a joke! God!

Hindi ako nagsisisi na nakilala ko si Jaxx. Hindi rin ako nagsisisi sa lahat ng nangyari. Kahit na ang mga tita ko ay mas lalong nagalit sa akin at sa magulang ko. Kahit na nasaktan ko si Leanne. Kahit na sobra sobrang nawasak ang puso ko. I'm still thankful that this happened. I learned one thing: love isn't for everyone. Kahit na subukan mo, kung wala, wala talaga.

Sinubukan kong mahalin si Angelo. Dati. Pero hindi talaga. Hanggang kaibigan lang ang kaya kong ibigay sa kanya noon. I was a bitch before. No serious relationships. Only flings. Mas masaya ang buhay ko noon pero mali iyon. Hindi dapat niloloko ang pag ibig. You have to take it seriously.

Nang makilala ko si Jaxx, akala ko pareho lang siya ng ibang lalaki. I thought he's just one of my flings. Pero hindi. Iba siya. Ibang iba. Iyon yung unang beses na kinabahan ako. My heart beated so fast as if I joined a fun run. Para akong sasabak sa isang quiz bee na walang napag-aralan ni isa. By that time, I fell in love.

I'm sure what I'm feeling towards him is true love. Hindi naman siguro wasak ang puso ko ngayon kung hindi ito true love, hindi ba? Kung hindi ito tunay na pag-ibig, siguro wala lang akong pake sa mga nangyayari.

Dang. I thought love is just a joke, but it's not!

Nagising ako nang tanghali. Mag aala-una na ng hapon at himala, walang ingay sa labas ng kwarto ko. Lumabas ako at wala ngang tao. Hinagilap ko ang cellphone ko.

"Shoot!" Napasigaw ako at nasapo ang noo ko nang maalala na hinagis ko nga pala.

Ang bigat sa pakiramdam ng mata ko at ang hapdi rin. Naghilamos ako at tinignan ang sarili sa salamin.

Napailing na lang ako at kinuha ang iPad sa kwarto. Sa Facebook ko na lang kakausapin ang mga pinsan ko.

Shane:

Nasaan kayo?

Sa group chat ko iyon sinend para mabasa na rin nilang lahat.

Agad din naman silang sumagot.

Ralph:

Out for lunch.

Kyla:

Hindi ka nagrereply at wala sa amin ang card sa unit mo. So we decided na itake out ka na lang ng food.

Vera:

Ang tagal mo gumising! Kaya hindi ka na namin hinintay. Hello? We're starving!

Kinukuha kasi nila ang card sa unit ko tuwing gabi para kapag umaga ay makapasok sila dito at manggulo.

Nagtipa ako ng reply.

Shane:

Sorry. I just woke up.

Fading LoversTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon