Chapter 28

40 1 0
                                    

Chapter 28

Tumambay kami sa unit ko kahit meron kaming tig-iisang unit dito. Bawat pamilya sa amin ay may unit dito. Dito kasi kami nag aral ng highschool. Sa Keywest talaga pero kadalasan ay nandito kami sa California.

"How long will you stay here?" Tanong ko.

May verranda dito kaya nandoon kaming lahat. No alcohols or anything.

"2 weeks. Pero yung isa diyan, hindi ko alam kung matitiis ang girlfriend." Umirap si Vera at tinignan si Ezekiel na busy sa kanyang cellphone. Daig pa yata nito si Ralph sa babae. Ngumisi ako.

"Gaya ka na sa kuya mo? Oh, Kiel. Kulong ka na." Sabi ko at nagtawanan sila Russel.

Binatukan ni Russel si Ezekiel. "Xive's gorgeous. Baka kaya ganyan 'yan. Palagi nang nagbubukod. Always with his girl."

"You mean, Xive Torres?" Sabi ko at nag angat agad ng tingin si Ezekiel nang banggitin ko ang pangalan ni Xive.

Masaya ako dahil of all girls na naging kafling si Ezekiel noon, kay Xive siya nahulog. Minsan ko na ring nakasabay si Xive sa mga dance practices namin. Magaling siya sumayaw at marami ring nagkakagusto diyan. Wala akong nakikitang negative sa kanya. Bukod sa pagiging maganda ay matalino't mabait pa. Great choice, Ezekiel.

"Baka 1 week lang ako dito." Seryosong sabi ni Ezekiel.

Lahat kami ay nagkatinginan. Nangingisi na ang mga lalaki kaya natawa ako ng patago.

"Bakit naman?" Sabi ni Kian kahit alam naman na nila ang dahilan.

"I need to fix something." Sabi ni Ezekiel at pumasok sa loob. May tinatawagan.

"May problema daw sila ni Xive, e. Feeling ko lang, ah? He's been serious and hot tempered lately na rin kasi." Sabi ni Kyla.

Nalipat na ang mga usapan namin. Ayos na 'yon dahil kahit papaano, nawala rin sa isip ko ang narinig ko kaninang umaga. Yanna. Tss. Napairap ako bigla.

Nang lumalim na ang gabi ay napagisipan na rin nilang bumalik na sa unit nila. Si Ria ay dito matutulog. Ayaw niya naman daw kasama ang mga kuya niya sa kwarto dahil puro girlfriend daw ang inaatupag. Si Ralph kasi, expected na iyan. But Ezekiel? An asshole? Sa bagay. Si Jaxx nga, e. Well, I mean, dati ganoon si Jaxx. Ewan ko lang ngayon.

"Hindi ko nga napansin na umalis ka, e." Umupo si Ria sa dulo ng kama ko habang hawak ang isang malaking cheetos. "Sunod sunod kasi ang invite ng mga kabatch namin. Meron nga sana ngayon. Ayaw ko rin naman sumama. Si Kuya Ezekiel at Russel lang naman ang may gusto."

Nanliit ang mga mata ko. Iyong tinutukoy niya ba na party ngayon, kasama si Jaxx? Posible. Kabatch ni Ria si Jaxx. At sabi ni Ria na may party ang buong batch nila. Argh.

Gusto kong magtanong pero hindi ko magawa gawa. Hindi. Hindi dapat!

"Sino sino ang mga hindi pumunta doon sa party?" Tanong ko at sinilip ang cellphone ko na kanina pa hindi umiilaw. No calls.

"Marami rin. Especially the nerds. Tsaka si..." Natigilan siya bigla at umiwas.

Iniintay ko ang pangalan na babanggitin niya. It's useless. May clue rin naman na ako na nandoon si Jaxx, e. One, the phone call. Second, Ria's statement. Do I still need another clue? That is enough.

"Si Aaron, hindi rin pumunta." Tumango tango si Ria.

Kinagat ko ang ibaba kong labi.

"Kailan ang start ng klase niyo?" Tanong niya at sa wakas ay binigyan din ako ng cheetos.

Fading LoversTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon